Isang buwan na ang lumipas. Unti-unti na rin namin natatanggap ang pagkawala ni Krisha. Wala rin naman mangyayari kung patuloy kaming magluluksa sa pagkamatay niya. Hindi na namin siya maibabalik. Pero gano'n pa man, mananatili pa rin ang mga alaala niya sa amin. Lalo na sa akin, nasa akin ang puso niya at hinding-hindi ako magsasawang pasalamatan siya dahil binigyan niya ako ng pangalawang buhay. Madalas din kami dumalaw sa puntod niya pati na rin doon sa orphanage. Naging kaibigan na nga rin namin ang mga bata doon at minsan ay tumutulong-tulong din kami. Siguro paraan na rin namin 'to para bumawi kay Krisha. Napamahal din siya panigurado sa orphanage na 'yon. "Excited na ako! Sa wakas! Matutuloy na rin ang pagpunta natin sa beach." ani Lexy. Last month sana ay pupunta kami sa isang

