Friday ngayon. Bukas ang alis namin papunta doon sa beach na sinasabi ni Lexy. Tatlong araw daw kami doon. Buti nalang ay pumayag sina Clea na sumama. Kaso kasama din si Veronica. Pinsan yun ni James at kaibigan na din nila. Nakakahiya naman kung hindi namin isasama. "Kumpleto na ba yung mga dadalhin natin bukas?" Tanong ni Lexy na kagabi pa excited. "Oo, nakapag-ayos na rin ako ng mga damit na dadalhin ko." sabi ko. Lumabas si mama galing sa kitchen na may dalang merienda. "Mag-iingat kayo doon. Maayos kayong aalis dito kaya kailangan maayos din kayong makakabalik." Paalala ni mama samin. "Syempre naman tita. Mag-iingat kami doon." sabi ni Jay. May iba pang pinaalala si mama samin. Bumalik lang siya sa kwarto nila nang may tumawag sa kaniya. "Beth, diba kasama si Thea?" Ku

