Alas-dose nang makarating kami sa beach. Pagbaba pa lang namin sa van ay natanaw na agad namin ang malawak na dagat. Malinaw ang tubig at hindi masyadong crowded ang beach na 'to kaya mag e-enjoy talaga at makakapag relax. "Ang ganda. Tara picture tayo!" Sabi ni Janine. Pumwesto kaming lahat para makapag picture. "Mag check-in muna tayo tapos kain na tayo." Sabi ni Sindro pagkatapos namin mag picture. Kinuha na namin ang mga dala namin sa van. Si Sindro ulit ang nagdala ng bag ko. "Thanks," napatingin ako kay Veronica na nakangiti. Sa tabi niya ay si Logan na dala dala ang bag ni Veronica. "Let's go," sabi ni Sindro. Tumango ako at sabay kaming naglakad papunta doon sa hotel. Nag check-in na kami. Dalawang kwarto ang kinuha namin. Ang isa ay para saming mga babae at ang isa nam

