Kakatapos lang ng klase namin at naisipan ko na mag shopping para na rin makabili ako ng gift para kay Clea. Bukas na kasi ang birthday niya. Kaso wala akong kasama magpunta sa mall. Alangan namang isama ko si Clea. Bigla akong napatingin kay Logan na palabas na ng room. "Logan!" tawag ko pero hindi siya lumingon. Niligpit ko na ang mga gamit ko at lumabas ng room. Tsk! Ang bilis naman maglakad ni Logan. "Logan, wait lang!" Binilisan ko ang paglalakad ko pero sadyang mas mabilis pa rin talaga siya. Yung totoo? Naglalakad ba talaga siya o tumatakbo? "Ano ba 'yan. Hindi ka tumitingin sa-" Napatingin ako sa nabangga ko at nanlaki ang mata. "Hala, Sir Pan Not. Sorry po, hindi ko sinasadya na mabangga ka. Sorry po talaga," sabi ko at naglakad na ulit. "Hoy! Teka lang." "Bab

