"Kaibigan lang ba talaga si Logan? Baka naman manliligaw mo 'yon," biglang tanong ni papa. Sana nga manliligaw ko yon pero hindi eh. "Naku! Beth, mag-aral ka muna. 'Wag ka munang magbo-boyfriend." "Opo. Magtatapos muna ako ng pag-aaral," sabi ko at inubos na ang pagkain ko. "Aba dapat lang! Pero may gusto ka ba dun? Gwapo ah." Napangiti nalang ako dahil sa sinabi ni mama. Binalot ko muna ang regalo ko kay Clea at pagkatapos ay maaga akong natulog para naman fresh bukas sa party niya. Nag-aayos na ako ngayon dahil pupunta ako sa birthday ni Clea. Nakasuot ako ng isang black cocktail dress at naglagay din ako ng light make-up. Pagkatapos kong mag-ayos ay kinuha ko na yung bag ko pati yung regalo para kay Clea. "Ma, alis na po ako." Paalam ko kay mama na nasa kusina. "Ay wait lang

