Tumango ako at tinanggap ang kamay ni Sin na nakalahad sa harapan ko. Lumapit kami sa mga nagsasayaw din. Nilagay niya ang mga kamay ko sa balikat niya at ang kamay naman niya ay sa bewang ko. Nagsimula na kaming magsayaw si Sin. Sinabayan lang namin ang musika pati na rin ang ibang mga tao rito. Napatingin naman ako sa dalawang tao na nasa likuran niya. Nakatalikod si Krisha habang si Logan ay nakaharap sa pwesto namin kaya naman kitang-kita ko ang mukha niya. Nakangiti siya habang nag-uusap sila ni Krisha. Sa totoo lang, mukha talaga silang couple. Masayang nagsasayaw at nag-uusap. Nahuli ko pa ang pabirong pag hampas ni Krisha sa balikat niya at bahagya siyang natawa. Nagulat ako nang bigla siyang napatingin sa 'kin at nawala ang ngiti niya kaya umiwas na lang ako ng tingin.

