KINABUKASAN maagang nagising si Nadja. Kahit mugto ang mga mata, sanhi ng pag-iyak niya kagabi ay tinakpan lamang niya ang ibabang mata niya ng concealer para hindi halatang umiyak siya. Matapos ang nangyari sa kanila ng asawa ng nagdaang gabi ay hindi niya ito nagisnan ng magising. Malinis ang nasa tabing ibayo ng kama niya at walang halong patotoo na nakauwi na si Rigo magmula ng iwan siya nitong mag-isa sa silid na iyon. Hindi niya alam saan ito kagabi nag-stay, at wala siyang balak na alamin iyon. Galit ito sa kanya at hindi siya dapat tinatamaan sa mga masasakit na mga salita nito. Dahil alam niyang hindi naman siya iyon at lalong hindi siya ganoong babae katulad ng sinasabi nito. Kasalukuyan niyang pinpahanginan ang basang buhok gamit ang dried hair blower. Nang matuyo ay nilagyan l

