HINDI ALAM ni Nadja kung ano ang mararamdaman ng makita niyang puno ng galit ang nasa mukha ng asawa sa may entrada ng mansion na iyon. Ma-awtoriadad ang tindig nito tila walang kahit na ano kayang tumibag sa kinatatayuan nito ngayon. He was standing there like a sturdy man with a stony face. Na ang mga mata nito ay tila gustong pumatay ng mga panahong iyon habang nakatitig sa kanilang dalawa ni Bryson. She was like a dart board to him, Na kahit ano mang oras ay aasintahin at tatamaan siya nito ng palaso na siyang magdadala sa kanya sa kamatayan. Ang dalawang kamay nito ay nakasusok sa loob ng masikip na pants nito, ang polo ay fitted na pinagsamang itim at puti sa long sleeve. Nang makalapit sila ay unang bumati si Bryson. “Hey bro, pasensiya ka na ngayon lang kami. Sinamahan ko ang asaw

