“Dang it!” mahinang daing ni Rigo habang sapo ang makirot na ulo. Nang mula sa kama ay nahulog ito sa sahig. Na siyang pagbukas ng pinto. “Rigo!” gulantang na singhap ni Nadja at kaagad dinaluhan ang binata sa sahig. Ang hawak na tray ay mabilis niyang inilapag sa bed-side table. Pagkatapos ay tinulungan ang binata na makabangon upang makaupo ito sa kama. Sa pag-alala ay nang tangkang iwan niya si Rigo upang humingi ng tulong ay pinigilan siya ng lalaki. Hinawakan nito ang kamay niya. At gayon na lang ang pagsinghap niya nang hilahin siya at hapitin nito ang bewang niya, upang mahigpit siya nitong mayakap. She was stunned. Ang pagkataranta niya’y napigilan ng presensiya ng binata. Hindi inaasahan ang ginawa nito sa kanya. “R-rigo . . .” mahinang sambit niya sa pangalan nito. “Why are

