MATAPOS ang pag-uusap ng dalawang lalaki ay malaking panghihinayang sa loob ni Nadja nang sabihin ni Rigo na hindi na sila maaari pang tumuloy sa lake loop. "Celia!" Sigaw na tawag ni Rigo sa kasambahay. "S-sir, may kailangan po kayo?" tanong nito. "Dalhin mo ako silid ko, ngayon na!" Maawtoridad na utos nito. He saw the anger on his face. Kunot ang noong bumaling siya sa nakangiting lalaking si Bryson, na ngayon ay tumayo na’t inayos ang pagkabutones ng coat nito. "Bilis!" Apura ni Rigo kay Celia na madali dinaluhan ito ng huli sa sofa. "Sandali, hindi tayo tutuloy sa—” "Forget it." putol sa kanya ni Rigo. Pagkatapos ay nagpaalalay na kay Celia paakyat sa hagdan. She followed him with her gazed. Hindi alam kung bakit ganoon na naman ang kilos at ugali ng lalaki. Napakalamig at

