UMAGA na ng magising si Nadja. Hindi niya namalayan na nakatulog siya kagabi habang humihikbi sa pag-iyak, dahil sa mga nakita niyang tagpo sa pagitan ng asawa at ng step-mother nito. Para siyang sinaksak ng ilang beses sa dibdib sa sakit na nararamdaman niya. Lalo na ng mapag-alaman niyang hindi bumalik sa silid si Rigo sa kuwarto nila. Doon pa lang ay labis na ang hinahatid na kirot sa puso niya. Kung tama siya ng hinuha na may relasyon si Rigo at Lucille ay hindi na dapat siya manatili ng matagal sa poder ng asawa. Nandidiri siya sa sarili. Hindi niya lubos isipin na pinagsasabay siya ni Rigo kasama ang step-mother nito. Bumangon si Nadja sa kama. Mula sa aparador ay kinuha niya roon ang iilang mga damit at inilagay sa bag. Mabilis ang desisyon niyang umalis sa lugar na iyon. Hindi n

