Kabanata 7

1282 Words
Trex‘s PoV NAPANGISI ako habang kumukuha ng ice cubes at inilalagay iyon sa cold compress bag. Nakikita ko na hindi mapigilan ni Malaikah ang sarili nito na humanga sa akin. Isa iyong positibong bagay para sa akin dahil mas mapapadali para sa akin ang mga plano na aking gagawin. Kumuha na rin ako ng dalawang mineral bottled water sa refrigerator. Bago ako nagtungo sa kinaroroonan ni Malaikah. Tumabi na rin ako sa kanya sa pagkakaupo. “Let me help you,” nakangiting sabi ko sa kanya. Marahan kong inilagay iyon sa may noo ni Malaikah kung saan may bukol ito. “U-Uncle ako na.” Hinawakan nito ang cold compress bag at tumingala sa akin. Nagtama ang aming mga mata at kaunti na lang ang pagitan ng aming mga labi. Napalunok si Malaikah habang nakatingin sa akin. Nakangiting inilayo ko ang aking sarili dito. “Ang sabi mo kanina nandito ka dahil si Angelo ang kailangan mo, tama?” nakangiting tanong ko muli sa kanya. “O-Oo…” Iniwasan nito ang aking mga mata. Iniyuko nito ang ulo at kinagat ang ibabang labi. “Baka may project siyang inaasikaso kasama ng team. Bakit mo nga pala siya hinahanap?” “Eh, kasi ano…” “Kung private ang sasabihin mo kailangan mo na lang siyang tawagan.” Binuksan ko ang bottled water at ipinatong ko iyon sa ibabaw ng center glass table. “Hi-Hindi naman iyon private, Uncle Trex. Hinahanap ko lang kasi iyong kuwintas ko. Importante kasi iyon sa akin at ito ang unang beses na nawala ko iyon.” Napatango naman ako sa sinabi nito. “I see. Special gift sa iyo ni Angelo?” Nakatingin ako kay Malaikah na malungkot ang mukha. Umiling ito habang nakayuko sa tabi ko. “Ibinigay iyon ng Lola ko na galing sa namayapa kong Ina.” “May sentimental value pala sa iyo ang kuwintas na iyon. Sinubukan mo na bang hanapin sa bahay? Nagpunta ka na ba roon?” Mabilis niya akong tinignan. “Naisip ko lang baka doon mo nahulog noong nagbihis ka or noong pauwi na kayo ni Angelo. Kung gusto mong sa bahay hanapin, p’wede kang sumabay sa akin. Sasabihin ko na lang kay Angelo na kasama kita.” Mabilis naman na umiling si Malaikah. “Hindi na Uncle Trex. Kung kailangan kong pumunta sa bahay mo kailangan si Angelo mismo ang kasama ko.” Ibinaba nito ang cold compress bag sa center glass table at saka tumayo. “Pasensiya ka na sa istorbo, Uncle Trex.” Mukhang mailap nga talaga sa akin si Malaikah. At hindi ko siya basta-basta mapapasunod sa gusto kong mangyari. “O-Okay…” Tumayo na rin ako at inihatid sa pinto ang dalaga. “Don’t hesitate to call or ask, Malaikah.” Ngumiti naman ito sa akin bago tuluyang lumabas ng pintuan. “Salamat, Uncle Trex.” Matipid ko siyang nginitian bago ito tuluyang umalis at mabilis na magtungo sa elevator. Napangiti na lamang ako habang nakatingin dito na mukhang natataranta sa paghihintay nito sa harapan ng elevator. Hindi ko na siya inihatid ng tingin at baka pag-isipan pa niya ng masama. Isinara ko ang pintuan ng penthouse ko at saka ako muling umupo sa couch. Hinimas ko ang aking baba at saka ko sinubukan na tawagan si Angelo. Wala ito ngayon sa office ko at hindi naman ito pumasok ngayong hapon. Hindi rin ito nag-report kay Drei at tinatanong pa niya ako kung dadalhin na ni Angelo ang files na ipinaasikaso nito para sa upcoming project. Napailing na lamang ako dahil naka-off ang cellphone ni Angelo. Bigla tuloy akong napaisip kung nasaan ngayon ang pamangkin ko. At kung bakit dito ito hinahanap ni Malaikah. Ipinasya kong mag-stay na lamang muna dito sa penthouse ko para magpahinga. Ayoko rin na magkita kami ngayon ni Shaney dahil nai-stress pa rin ako sa mga nangyari ngayong araw. Nagtungo ako sa kuwarto ko at saka ako humiga sa malambot kong kama. Ipinikit ko ang aking mga mata at bumuga nang malalim. Hindi ko alam kung ano ang p’wede kong gawin para makuha ko ang loob ni Malaikah. Kailangan kong makasiguro na nasa tamang babae ang pamangkin ko at hindi ito matutulad sa akin. Sa aking isip rumehistro ang inosenteng mukha ni Malaikah. Hindi ko magawang hindi titigan kanina ang mga labi niya. Iyon ang una kong napansin sa kanya, ang magandang hugis ng mapupula nitong mga labi at ang mapuputi nitong mga hita. Ipinatong ko ang aking braso sa ibabaw ng aking noo. Napangiti na lamang ako sa kalokohan na iniisip ko. Mayamaya pa ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Ang mayordoma ng bahay ko ang tumatawag, si Aling Wes. Sinagot ko iyon habang nakahiga ako sa kama. “Sir Trex, may napulot po akong kuwintas dito sa may kusina. Isang gold necklace na may maliit na heart pendant.” Baka iyon na ang kuwintas na hinahanap ni Malaikah kanina. “Sa akin iyan, manang. Kukunin ko na lang sa inyo mamaya kapag umuwi na ho ako. Salamat.” Tinapos ko rin ang pag-uusap namin ni Aling Wes. Kinontak ko ang number ni Malaikah. Nakabisado ko ang number nito dahil paulit-ulit lang namang ang cellphone number nito. Nakalimang tawag ako pero hindi nito iyon sinasagot. Marahil hindi ito tumatanggap ng calls kung hindi naka-register dito. Iti-next ko na lang siya at sinabing nakita na ni Aling Wes ang kuwintas nito at nasa bahay ko. Inilagay ko ang aking cellphone sa aking tabi. At muling ipinikit ang aking inaantok na mga mata. KINABUKASAN habang nasa bahay ako at nagbibihis ay tumunog ang cellphone ko. Si Angelo ang tumatawag sa akin. Marahil sinabi na ni Malaikah na nasa akin ang kuwintas nito. Sinagot ko iyon habang inaayos ang aking suot na puting long sleeves. Nakaharap ako sa salamin at nakatingin sa aking sarili. “Yes?” “Uncle, p’wede ba akong mag-leave? May biglaan kasi akong lakad ngayon, e. Naalala mo iyong sinabi ko sa iyo na may sinusubukan akong business sa Zambales?” “Ah, oo. Nasabi mo na nga iyon sa akin. Motorcycle parts at auto shop?” patanong na sabi ko rito. “Oo, uncle. Eh, kailangan ko kasing magbigay ng share ko.” Narinig ko ang boses ni Angelo na tila nahihiya sa kabilang linya. Hindi ko pa binibigay dito ang savings account ni Kuya James dahil hindi pa naman ito ikinakasal. Ngunit sa tingin ko kailangan ko na iyong ibigay dito. “Puntahan mo ako sa office ko mamaya at ibibigay ko na sa iyo ang savings account pin number at ATM mo. Pero bago iyon, kailangan mo munang kumuha ng kapalit mo sa---” “Si Malaikah ang papalit sa akin habang wala ako sa trabaho, Uncle Trex,” masayang sabi pa nito sa akin. Napakunot ang aking noo. “Angelo, mahirap ang trabaho mo. Sa tingin mo ba kakayanin ni Malaikah na sumabak sa team ko?” “Oo naman, Uncle Trex. See you sa office mo.” Tinapos nito ang pag-uusap naming dalawa. Napailing na lamang ako sa inasta ng aking pamangkin. Gusto nitong magpatayo ng negosyo kaya pagbibigyan ko. Isa pa, nasa tamang edad na rin naman ito kaya hindi ko na dapat na problemahin. Ang panibagong iisipin ko na lang ngayon ay si Malaikah. Kailangan nitong pag-aralan kung paano ang trabaho ni Angelo bilang isang marketing strategies. Dalawang buwan na lang ikakasal na ang mga ito. Naayos ko na rin ang wedding planner para sa kanila. Ang kailangan ko na lamang gawin ay kilalanin ng mabuti si Malaikah. At alamin kung tapat ba talaga ang pag-ibig nito kay Angelo. Napangiti ako sa aking sarili habang nakatingin sa salamin. Kaya kaya ni Malaikah na hindi mahulog sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD