Kabanata 8

1944 Words
Malaikah’s PoV HINDI ko magawang ngumiti habang nasa harapan ko si Angelo. Gusto nitong ako muna ang pumalit sa kanya sa trabaho nito bilang isang marketing strategies. Ano naman ang alam ko sa trabaho nito? Hindi ko nga alam kung paano pakitunguhan ang cold na Uncle nito tapos ganito pa. Niyakap ako ni Angelo at hinagkan sa aking noo. “Babe, sige na. Pumayag ka na dahil wala ka rin namang choice. Kailangan kong ayusin ang magiging business natin sa Zambales. Gusto ko kasi na pagkatapos ng kasal natin ay okay na iyon. Alam mo naman na ginagawa ko ito para sa future natin ‘di ba?” paglalambing na tanong pa ni Angelo sa akin. “Pero, babe…” Hinawakan ako sa magkabilang balikat nito. “Matalino at magaling ka, babe. Alam kong kayang-kaya mo ang trabaho na naiwan ko. Makakasama mo naman si Drei kaya walang problema at saka mabait ang Team Love kaya hindi ka maiilang sa kanilang lahat.” Pinisil pa ni Angelo ang ilong ko at saka hinagkan ang aking noo. Sobrang gentleman talaga ni Angelo. Nagagawa nito na halikan at yakapin lang ako sa loob ng six months na nagsasama kaming dalawa. Iginagalang niya ang desisyon ko na hindi galawin kahit na may pagkakataon na hindi na ito nakakatiis. “Sige na nga, babe,” napipilitan na sabi ko. Ang totoo, natatakot lang naman ako sa magiging boss ko. Base sa mga naririnig ko kay Uncle Trex, sobrang terror talaga nitong boss. Bigla kong naalala ang professor ko noong college sa mathematics. Kapag nakikita ko si Uncle Trex hindi lang ako natatakot, kinakabahan din ako. Ang malagkitnnitong pagtitig sa aking mukha na para bang may binabalak siyang hindi maganda sa akin. “Babe, matapang ka at alam ko na kaya mo ang trabaho. Kaya wala kang dapat na ipag-alala, okay?” Tumango na lamang ako kay Angelo. Naalala ko ang kuwintas ko na naiwan ko sa bahay ni Uncle Trex. Bumitaw sa pagkakayakap sa akin si Angelo at ipinagpatuloy nito ang pag-aayos sa mga damit na inilalagay nito sa kulay maroon na traveling bag. Kaninang umaga lang ito umuwi at iyon kaagad ang sinabi niya sa akin. Hindi tuloy ako nakapag-almusal sa sobrang tense ko. “Babe, iyong kuwintas ko pala na---” “Bibili na lang tayo ng bago, babe. Huwag mo na iyong hanapin,” sabi nito na hindi man lang ako nilingon. Bigla akong nakaramdam ng inis kay Angelo. Alam nito kung gaano kaimportante sa akin ang kuwintas ko pagkatapos sasabihin nito sa akin na bumili na lang ako ng bago? “Babe, halika na. Huwag mong kalimutan ang mga sinabi ko, ha? Iyong mga files na ibinigay ko sa iyo, pag-aaralan mo dahil lahat ng files na iyan kailangan na rin next week,” paliwanag pa sa akin ni Angelo habang palabas kaming dalawa sa apartment. Hawak ko ang hand bag ko at ang mga folder na ibinigay nito sa akin. Isinasara naman nito ang pinto ng apartment namin. Nakatingin lang ako kay Angelo na mukhang excited na umalis patungo sa Zambales. Ibinigay nito sa akin ang susi ng apartment. “Ikaw na ang bahala rito, babe. Bayad naman tayo sa rent ng five months. May groceries ka naman, at kung may kailangan ka pa sabihin mo na lang sa akin o kaya kay Uncle Trex,” pagpapatuloy ni Angelo. “Babe, matagal ka bang mawawala?” biglang tanong ko rito. Huminto ito sa paglalakad at nilingon ako. Nasa may parking lot kami ng apartment at nasa tapat ng sasakyan nito. “Hindi ko alam, babe. Hindi naman siguro ako magtatagal. Kailangan ko lang na maayos ang lahat bago ako bumalik dito para wala na tayong magiging problema.” “Pero paano ang wedding natin? Two months na lang ikakasal na---” “Babe, matagal pa naman iyon. Nakausap ko na si Uncle Trex na okay na ang lahat at wala naman na tayong dapat na problemahin.” Ipinagbukas niya ako ng pinto ng sasakyan nito. “Sige na, babe. Kakausapin pa natin si Uncle Trex.” Wala akong nagawa kun’di sundin na lang si Angelo. May tiwala ako sa lahat ng kanyang desisyon dahil never pa naman itong nagkamali. Mabait si Angelo at loyal mula noong naging magkasintahan kaming dalawa. Kailangan ko lang payapain ang aking isip. Wala akong dapat na ipag-alala. Habang nagmamaneho si Angelo ng sasakyan panay ang tunog ng cellphone nito. Pangalan ni Uncle Trex ang nakarehistro sa phone. “Bakit hindi mo sagutin, babe?” Mabilis naman itong umiling. “Sa-Sabi ko sa office na kami mag-uusap, e.” Napatango na lamang ako sa sinabi nito. Ilang ulit pang tumunog ang cellphone ni Angelo hanggang sa i-off na nito iyon. Kahit na isang taon na kaming magkasintahan nito ay never kong pinakialaman ang cellphone nito. Hindi naman kasi iyong tipo ng girlfriend na madaling magselos. Palagi kong sinasabi sa aking sarili na wala naman akong dapat na ipagselos dahil tapat sa akin si Angelo. Ilang minuto pa ang lumilipas ay nakarating na kami sa commercial building nila Angelo. Ipin-ark nito ang sasakyan sa harap ng building at inayos naman iyon ng security guard. Tinulungan ako ni Angelo sa mga bitbit ko habang papasok kami sa building. Inayos ko ang puting long sleeves ko na tinernuhan ko ng fitted na black skirt. Nakasuot din ako ng sandals na kulay black. Nakapusod ang aking buhok na lampas balikat ko ang haba. Office attire ang suot ko ngayon dahil iyon ang sabi sa akin ni Angelo. Gusto ni Uncle Trex na presentable ang mga empleyado nito katulad na lang ng mga empleyado nito na nakasabay ko sa elevator kahapon. Nagtungo kami ni Angelo sa second floor kung saan naroon ang office ni Uncle Trex. May nakasalubong kami na isang sexy na babae. Maganda ito at pareho pa kami ng outfit ngayong umaga. Hindi nga lang nakasara ang apat na butones ng suot nitong puting long sleeve. “Good morning, Shaney! Nariyan na ba si Uncle Trex?” nakangiting pagbati ni Angelo dito. Tinignan ako mula ulo hanggang paa ng seksing babae na tinawag nitong Shaney. Nagtaas pa ito ng kilay habang nakatingin sa akin. “Yes. At sino naman ang babaeng kasama mo?” naniningkit ang mga mata na tanong nito. “Ah, nakalimutan kong ipakilala sa iyo.” Hinawakan ni Angelo ang kamay ko. “She’s Malaikah my fiancee,” masayang pagpapakilala ni Angelo sa akin. “Habang wala ako rito siya na muna ang bahala sa mga trabaho na naiwan ko.” “Oh, I see.” Napatango naman si Shaney. “Nasa loob ng office niya si Trex. Pumasok na kayo,” nakangiting sabi nito kay Angelo pero umirap ito sa akin. Maldita! Trex lang ang tawag nito sa boss. Sa tingin ko may something si Shaney at Uncle Trex. Pumasok kami ni Angelo sa loob ng office ni Uncle Trex. Naabutan namin ito na nakatingin sa harap ng computer. “Good morning, Uncle Trex,” pagbati ni Angelo dito. Ibinaba nito ang folder sa lamesa. “Nariyan na lahat ng mga files para sa advertising ng isang product na kailangan nating i-review next week. Naayos ko na ang lugar kung saan magandang i-shoot ang brand. Nariyan ang listahan na p’wedeng pagpilian para sa upcoming project. Nakapag-usap na kami ni Tella at okay na rin siya. Approval mo na lang ang kailangan, Uncle.” Habang pinapakinggan ko si Angelo napalunok na lamang ako. Akala ko madali lang ang trabaho nito mukhang mahihirapan nga ako. “Kami na lang ni Malaikah ang mag-uusap tungkol diyan, Angelo.” May kinuha ito sa drawer na envelope at ibinigay iyon kay Angelo. “Gamitin mo ng maayos ang pera na iniwan sa iyo ng kapatid ko, okay? At sana maging successful ang business na sisimulan mo.” Ngumiti si Uncle Trex kay Angelo. Niyakap naman ito ng boyfriend ko. Sandaling nag-usap pa ang mga ito hanggang sa magpaalam na sa akin si Angelo. Inihatid ko siya sa may pinto ng office ni Uncle Trex. “Kaya mo iyan, babe,” bulong nito sa akin at niyakap pa ako. “Kapag nahirapan ka tawagan mo lang ako at tutulungan kita, okay?” Mahigpit kong niyakap si Angelo. “Mamimis kita,” naiiyak na sabi ko rito. “Para ito sa future natin, babe.” Binitawan ako ni Angelo at saka nito hinagkan ang aking mga labi. “I love you so much.” Muli niya akong niyakap bago tuluyang iwan. Bumuga ako nang malalim at saka inihatid ito ng tingin. Nilingon ko si Uncle Trex na nakatingin pala sa akin. Tumikhim ito at nagbawi ng tingin. Ibinalik nito ang mga mata sa harap ng computer sa harapan nito. Pinahid ko ang luha sa aking mga mata at saka bumuga nang malalim. Bago humakbang patungo rito. “Ito ba ang first time na magkakahiwalay kayo ni Angelo?” tanong nito sa akin lerk nakatingin naman sa may computer. “O-Oo, Un---” “Kapag nandito tayo sa office kailangan mo akong tawagin na sir dahil boss mo ako. Gusto kong maging pormal tayong dalawa katulad ng mga empleyado ko. Ayokong magkaroon ng special treatment dahil lang fiancéé ka ng pamangkin ko, maliwanag ba iyon Malaikah?” seryosong tanong nito sa akin. “O-Oo sir.” Biglang nag-iba ang pakikitungo ni Uncle Trex sa akin. Bigla itong sumungit at hindi na ngayon ngumingiti. “Nasa third floor ang office ng Team Love, Malaikah. Makikita mo ang office ni Angelo at iyon ang magsisilbing office mo. Si Drei na ang magtuturo sa iyo sa kailangan mong gawin. Kapag may hindi ka naiintindihan itanong mo sa kanya o kaya naman sa akin. Ayokong may nagkakamali sa mga staffs ko kaya gusto ko bago sabihin o gawin dapat ninety nine percent okay na. Mahalaga ang bawat segundo sa akin dahil pera ang tumatakbo rito. Kung nagkamali ka damay na lahat ng kasama mo kaya kailangan mong mag-ingat. Hindi mo naman siguro gusto na may mapahamak na iba, ‘di ba?” mahabang paliwanag ni Uncle Trex. “Naiintindihan ko, sir.” Tumayo na ako at kinuha ang aking bag. Kinuha ko rin ang folder na ipinatong ko kanina sa lamesa. “Okay, that’s all. You may go, Miss Ventura,” seryosong sabi nito sa akin. Miss Ventura? Napa-cold ng boses nito sa pagsabi no’n sa apleyido ko. Tumalikod na ako pero bigla itong nagsalita. “Naiwan mo sa bahay iyong necklace mo at nakalimutan ko namang dalhin. Kung may extra time ka, kunin mo sa bahay.” Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi nito. Ako ang pupunta sa bahay nito? Bakit hindi pa lang nito ibinigay sa akin? Bakit kailangan ko pa iyong kunin doon? Natigilan ako sa sinabi nito. “Miss Ventura,” untag nito sa akin. Nilingon ko siya at hindi ko akalain na nasa likod ko lang pala siya. Nagkaharap kaming dalawa, kaunting pulgada ang layo ng mukha nito sa akin. Nakatingala ako at nakayuko naman si Uncle Trex. Bumilis ang t***k ng aking puso habang nakatingin dito. Nagawi ang aking mga mata sa mga labi nito. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan bigla na lang huminto ang aking mundo. “Miss Ventura? Okay ka lang ba?” pag-uulit nito. Napapitlag ako at saka mabilis na binuksan ang pinto ng office nito. Hawak ko ang ibabaw ng dibdib ko nang makalabas na ako. Hindi ko alam kung bakit sobrang nati-tense ako sa mga titig niya. Pakiramdam ko may kung anong sumapi sa akin na titigan na lang ito kanina. Tinapik ko ang aking pisngi. Imbes na mag-elevator ako pinili ko na lamang na maghagdan. Pakiramdam ko, parang mawala ako sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD