Trex’s PoV Nakauwi na ako sa bahay ko ngunit laman pa rin ng isip ko si Malaikah. Mula noong magkita kaming dalawa hindi na ako lumabas ng bahay at palaging trabaho na lang ang aking iniisip. Ganitong-ganito din ako noon kay Klea at hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon na para bang unti-unti ko na namang natutunan na magmahal. Nakatapis lang ako ng puting tuwalya at kakatapos kong maligo. Ibinagsak ko ang aking likod sa malambot kong kama. Tumingin ako sa paligid ng aking kuwarto. Bumuga ako nang malalim nang makita ko ang pinto ng aking play room. Minsan sa isang linggo ko iyon kung linisan at ako mismo ang gumagawa non’. Isang babae lang ang nakapasok sa aking playroom at walang iba kun’di si Klea. Ipinikit ko ang aking mga mata at umiling. Hindi ko na dapat iniisip pa ang baba

