Malaikah‘s PoV Sabay kaming naglakad patungo sa loob ng elevator ni Uncle Trex. Nakatayo lamang ito sa harapan ko at ako naman tahimik lang na nakatayo sa likuran nito. Hindi ko namalayan ang oras at seven pm na pala. Nakaidlip pa ako kanina sa loob ng office ko at nakakahiya iyon kay Uncle Trex. Sobra akong napagod dahil pinag-aralan ko ang trabaho bilang isang secretary. Mabuti na nga lang hindi na sa akin napunta ang pagiging financial advisor dahil kung hindi baka ikabaliw ko na ang aking pag-iisip. Bumukas ang elevator sa ground floor. Nakapamulsa ang mga kamay ni Uncle Trex sa pants na suot nito. Pagbaba naming dalawa sa building ay kinausap muna nito ang dalawang matandang security guard. Hindi ko narinig ang kanilang usapan ngunit mayamaya huminto na ang sasakyan ni Uncle Trex

