Kabanata 16

1370 Words
Trex’s PoV IPINATAWAG ko si Malaikah pagkatapos ng lunch time. Pagkatapos kong magalit kay Shaney ay hindi na ako nakakain ng lunch. Alam kong nasaktan ko ang damdamin nito pero hindi na ako natutuwa sa mga kapalpakan na ginawa nito ngayong buwan. Sunod-sunod ang mga iyon at hindi lang pera ang nawawala sa akin kun’di loyalty ng mga loyal costumers ng Villa Conde‘s Wedding and Events. Narinig ko ang pagkatatok sa may pinto. alam ko na si Malaikah na iyon. Nakatayo ako patalikod sa aking lamesa at nakaharap sa salamin ng aking opisina. Natatanaw ko ang paligid ng building habang nakatingin ako sa may glass window. “Come in!” malakas na utos ko. “Go-Good afternoon, sir.” Boses ni Malaikah na para bang takot na takot ito sa akin. Pumihit ako at hinarap ko siya. “Narinig ko ang bulungan ninyo kanina ni Tine sa labas ng office ko habang pinapagalitan ko sina Shaney at Drei,” seryosong sabi ko rito. “Sir, hi-hindi naman namin sina---” Lumapit ako sa kinatatayuan ni Malaikah at huminto naman ito sa pagsasalita. “Hindi maganda na makinig sa usapan ng iba.” “So-Sorry, sir.” Iniyuko ni Malaikah ang ulo nito sa harapan ko. Naglakad ako patungo sa aking lamesa at sumandal doon. Humalukipkip ako habang nakatingin dito. “Ikaw na ngayon ang magiging secretary ko kapalit ni Shaney. Sa iyo mapupunta ang lahat ng schedules ko araw-araw. Sa office mo din dadalhin ang mga dapat kong pirmahan. Sassagot ka sa mga calls ng mga business partners ko. Ikaw ngayon ang in-charge habang wala pa rito si Angelo, naiintindihan mo ba ako, Malaikah?” maawtoridad na tanong ko rito. Mabilis na tumingin sa akin ang dalaga. Kinagat nito ang ibabang labi. Gumawi ang aking mga mata sa mga mapupulang mga labi nito na gusto kong hagkan ngunit hindi maaari. Gusto kong paglaruan ang damdamin ni Malaikah ngunit hindi ko pala kayang gawin. Alam ko na masasaktan ko siya at baka matulad lang siya kay Shaney. Hahayaan ko na ngayon si Malaikah na mahalin ang pamangkin ko dahil nakikita ko naman na tapat ito kay Angelo. Hindi ito nakikipag-usap sa ibang lalaki maliban kay Nate. At palagi din itong updated sa aking pamangkin. Siguro nga nagkamali lang ako na paghinalaan ito ng masama. “Ayaw mo ba?” muling tanong ko rito. “Sir, kasi… ayokong mas lalong uminit ang ulo ninyo kapag pumalpak ako sa trabahong gusto ninyong ipagawa sa akin. Hindi na kasi biro ang pagiging secretary. Sasamahan ko kayo sa mga business meetings ninyo at sa… business trips.” Nginisihan ko lang ito dahil sa mga inaala nito. “Hindi ka permanente sa posisyon mo kaya wala kang dapat na ikabahala. Hindi kita isasama sa mga business meetings ko dahil si Drei ang mas nakakaalam ng mga dapat gawin.” Tumango lamang sa akin ang dalaga. Napipilitan din ito na ngumiti. “Sige na. Simula ngayong hapon dalhin mo na lahat ng gamit mo sa office na iniwan ni Shaney. Marami pa tayong trabaho na kailangan nating gawin.” Bumalik ako sa akong office chair at umupo doon. Nanatili pa rin na nakatayo si Malaikah sa harapan ko. Nakakuyom ang magkabila nitong kamay. Alam ko na nagtitimpi lang ang dalaga at sa isip nito baka nasakal na niya ako. Lihim akong natuwa sa ikinilos nito. Ang cute nitong tingnan kapag pinamumulaan ang magkabilang pisngi. Lumabas si Malaikah sa office ko at narinig ko ang mahinang pagmumura nito. Mukhang hindi na nito nagugustuhan ang mga ipinapagawa ko rito. Mula sa pinto ng aking opisina ay nasa kabilang pinto naman ang magiging office ni Malaikah. Half glass wall ang office nito kaya nakikita ko kung ano ang ginagawa nito sa loob kapag nakaupo ako sa aking lamesa. Ngayon ko makikita kung gaano kahaba ang pasensya ni Malaikah. Gusto ko siyang makita kung paano ito magalit. Ilang minuto pa ang nagdaan nakita ko na si Malaikah sa loob ng office nito. Inilapag nito ang bag sa lamesa at saka ini-on ang computer. Inalis nito ang blazer na suot kanina at saka ipinusod ang lampas balikat nitong buhok. Umiling-iling ito at saka nag-inat ng magkabilang kamay. Napangiti na lang ako sa ginagawa nito sa loob ng office. Nag-warm up pa talaga ito para asikasuhin mga trabahong iniwan ni Shaney. Alas tres ng hapon, break time. Tatayo na sana ako para alukin si Malaikah na magmerineda pero nakita ko si Nate na may dalang juice at burger. Iniabot nito iyon sa dalaga. Sandaling nag-usap ang dalawa bago nito iwan si Malaikah. Bigla akong nakaramdam ng inis kay Nate. Imbes na lalabas ako para magmerienda ay nawalan na ako ng gana. Hindi masarap kumain ng burger at uminom ng juice ngayong araw. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang number ni Drei. “Sir…” kaagad na bungad nito sa kabilang linya. “Iba na ba ang trabaho ni Nate ngayon? Nagtratrabaho na ba siya ngayon bilang food delivery man?” naiinis na tanong ko rito. Narinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya. “Sir, visual artist natin siya. Bakit mo nga pala naitanong?” “Nakita ko siyang pakalat-kalat dito sa second floor at naghahatid ng merienda. Sa susunod na gagawin niya iyon sabihin mo sa kanya na mag-ship na siya ng ibang trabaho,” naiinis na sabi ko bago tapusin ang call. Tumingin ako sa gawi ni Malaikah. Naka-cross legs pa ito habang kumakain ng burger na ibinigay ni Nate. Tsk! Marahas kong inayos ang aking lamesa at binasa ko na lamang ang mga proposal na dapat kong pirmahan. Napailing na lamang ako at natawa sa aking sarili. Nagseselos pa yata ako ngayon. KINAGABIHAN, kailangan kong mag-overtime dahil hinihintay ko na i-confirm ni Misis Feliza ang appointment ko sa kanya. Gusto ko ring makahingi rito ng pasensiya dahil sa inasal ni Shaney. Biglang may kumalabog sa office ni Malaikah. Kaagad ko iyong nilapitan dahil akala ko nakauwi na ito ngunit hindi pa pala. Nakita ko siya na nakaidlip sa ibabaw ng lamesa nito. Nalaglag pa ang inuman nito ng tubig na hindi nito namalayan. Pumasok ako sa loob ng office ni Malaikah at pinulot ang tumbler nito na nahulog sa sahig. Pinagmasdan ko ang mukha nito habang mahimbing na natutulog sa ibabaw ng lamesa. Hinawi ko ang tumabing na buhok sa mukha ng dalaga. Umupo ako sa silya sa tapat ng lamesa nito at saka nangalumbaba habang pinagmamasdan ito. Natuwa ako sa paghilik nito. Nakikita ko kung gaano nito kagustong matuto. Inaral nito ang paggawa ng schedules ko at inayos ang mga iyon sa record book. Sumasagot ito ng mga tawag kanina na para bang isang professional secretary. Pinanindigan nito ang trabahong ipinapagawa ko. Sigurado ako na matutuwa si Angelo kapag nakita nito ang improvement ni Malaikah. Habang nakatingin ako rito ay bigla na lang kinurot ang aking puso. Fiancee ito ng pamangkin ko… at kahit na nararamdaman ko na nagkakagusto na ako sa kanya kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko dahil alam kong hindi ito tama. Malungkot akong tumayo sa kinauupuan ko at nagpasyang lumabas ng opisina nito. Nilingon ko sandali si Malaikah at laking gulat ko na lang dahil isang making kilos lang nito ay maaari na itong matumba. Mabilis kong sinalo ang batok nito. Itinukod ko ang aking kamay sa lamesa at inalalayan ang ulo nito upang hindi ito matumba. Sa ginawa kong pagyuko ay dumampi ang aking mga labi sa nakauwang na mga labi nito. Tumingin ako rito na mahimbing pa rin na natutulog. Inayos ko ang pagkakayuko nito sa lamesa. Mabilis akong nagtungo sa may pinto at saka tumikhim. Naalimpungatan na napatingin sa akin si Malaikah. “Sir?” Inayos nito ang sarili at saka tumayo. “Nakatulog yata ako, sorry.” “It’s okay… ayusin mo na ang mga gamit mo at ihahatid na kita sa apartment mo.” "Paano iyong ipinapagawa ninyo sa akin, sir?" "Bukas mo na gawin dahil alam kong pagod ka na, Seven PM na rin kaya kailangan mo na ring umuwi," seryosong sabi ko rito. "Okay sir," matipid na sagot nito sa akin bago nagsimulang ayusin ang mga gamit sa lamesa. Nakangiting tinalikuran ko si Malaikah. Sa isang iglap… nanakawan ko pa siya ng isang halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD