Malaikah's PoV HINDI mawala ang ngiti sa aking mga labi habang nakatingin kay Uncle Trex. Hindi kasi maipinta ang mukha nito habang nakatingin sa gawi namin ni Nate. Kumuha ako ng isang bote ng red horse sa chiller at binuksan iyon bago lumapit dito. Hinawakan ko ang kamay nito ngunit hinila nito iyon at masamang tumingin sa akin. “Bakit nakikipagsayaw ka ng ganoon kay Nate?” seryosong tanong nito sa akin. “Katuwaan lang naman iyon, sweetheart.” Nginitian ko siya at saka inilapit ang bote ng alak sa aking bibig. Kinuha iyon ni Uncle Trex at hinapit ang aking bewang. “Tama na iyan!” saway nito sa akin. Nginitian ko lamang siya at hinaplos ang magkabila nitong mga pisngi. Tumingkayad ako upang hagkan ang mga labi nito at muling tumingin sa mga mata ni Uncle Trex. “Nagalit ba kita?”

