Trex's PoV SINUNDAN ko si Angelo palabas ng Wyatt Private Resort. Malalaki ang aking ginagawang paghakbang upang mabilis na maabutan ito. “Angelo, mag-usap nga tayo!” sigaw ko sa aking pamangkin. Tumigil naman ito sa paglalakad at nilingon ako na may matalim na tingin. Alam kong galit na galit siya sa akin. “Para saan pa, Uncle Trex. Hindi ka tumupad sa usapan nating dalawa. Ipinagkatiwala ko sa iyo si Malaikah pero ano ang ginawa mo! Pinatulan mo pa rin siya!” galit na galit na sabi nito sa akin. “Ginawa ko ang lahat para lumayo ang loob niya sa akin. Ginawa ko ang kaya kong gawin dahil pamangkin kita. Tumupad ako sa usapan nating dalawa pero hindi ko naman magawang layuan si Malaikah dahil sa akin siya lumalapit kapag tinatanong ka niya sa akin. At wala akong inilihim sa ito dahil si

