MASAYA ang lahat. Lalong-lalo na si Ysabel. Walang pagsidlan ang puso niya sa sobrang kaligayahan. "Swimming time!" deklara ni Sabrina pagkatapos nilang kumain. "Iyong mga girls sabay-sabay na tayong magbihis doon sa isang villa na nakalaan lang sa ating mga babae. Nagsunuran naman ang lahat ng mga babae kay Sabrina. Maliban sa bakla nilang kaklase na hindi sigurado kung kaninong Villa siya dapat. "Hoy bakla sumama ka na rin sa kanila," tukoy ni Jaden sa bakla nilang kaklase. "Eh sabay ako sayo magbihis, Fafa Jaden!" nagpacharming eyes pa ito. "Subukan mo lang sumama sa akin at bibigwasan kita nitong kamao ko..." may halong biro na sabi ni Jaden. "Ouchi. Ang sakit mo naman magmahal, Fafa Jaden, dito na ngalang ako kay Fafa Gab. Mukhang mas masarap itong magmahal," anang bakla at kuma

