Chapter 5-2

928 Words
''PRE, mukhang ikaw talaga ang gusto ni Diana.'' Siko ni Bryan kay Jaden at inginuso si Diana sa may gilid ng court at malagkit ang tingin kay Jaden. ''Pare, mukhang palaban ang isang iyan. Baka iyan na ang buminyag sayo!'' nakakaloko namang wika ni Austin. ''Pare, mukhang marami nang alam iyan, ang swerte mo naman! Kanina pa ako nagpapacute kaso hindi ata tumatalab ang kapogian ko at ikaw ang gusto,'' si Adam at napapailing. Si Jaden ay wala naman sa sarili. Oo at maganda si Diana at ang sexy rin pero ang isip niya ay lumilipad kay Ysabel at ang nangyaring halikan sa pagitan nila kaninang umaga. Oo, halikan dahil sigurado siyang naramdaman niyang gumanti ng halik si Ysabel. Pakiramdam niya ay nararamdaman niya pa ang malambot na labi ni Ysa. ''Hoyyyy nakikinig ka ba?'' Siko ni Nathan kay Jaden ng mapansin na mukhang wala ito a sarili. ''O-Oo nakikinig ako,'' utal na sagot ni Jaden kahit ang totoo ay wala naman talaga siyang naintindihan sa pinagsasabi   ng  mga kaibigan. ''Grabe ang hot niya...nakakagigil! Kapag ako ang pinili niyan sisiguraduhin kong dalawang araw na hindi yan makakapaglakad ng matino, dahil itatali ko yan sa kama hanggang sa magsawa ako sa kanya,'' wika ni Adam. Madalas na out of town or out of the country ang parents nito kaya nagagawa nito ang mga kalokohan ng walang kinatatakutan. ''Libog mo naman insan!'' Binatukan pa ni Nathan si Adam. ''Well, I'm just normal human being at hindi uso sa akin ang pagpapakipot lalo na kung babae mismo ang tumutuka sa palay ko.'' Humalakhak pa si Adam. Ito talaga ang pinakamalala sa kanila. Hindi lang bastos ang bunganga nito masyado rin itong mahilig sa babae at nangunguna sa lahat ng kalokohan pagdating sa babae.  Bahagyang sinulyapan ni Jaden si Diana. Tama nga ang mga kaibigan niya ang hot talaga ni Diana at nang aakit pa itong nakatingin sa kanya. Nakaka turn on ang malagkit na tingin nito sa kanya. ''Oh kayong Lima diyan. Nandito ba kayo para magpractice oh para magpacute lang?'' Boses iyon ng coach nila. ''Practice po coach!” halos sabay sabay na sagot nila at lumapit sila sa coach. Nakalimutan na nila ang pinag-uusapan nila kanina at pare-pareho na silang nag concentrate sa paglalaro. Matapos ang practice game ay agad na lumapit si Diana kay Jaden. ''Hi, I'm Diana, you are?'' tanong nito kay Jaden at halata ang pang-aakit sa boses nito. Kahit hindi ito magpakilala ay kilala na niya ito dahil unang araw palang nito sa eskwelahan nila ay bukang bibig na ito ng kalalakihan. Lalo na nang mga barkada niya na nagpupustahan pa kung sino ang unang makaka score daw dito. Tinitigan muna ni Jaden ang kamay ni Diana. Nachicheapan siya dito. Parang napaka easy to get nito sa uri palang ng tingin nito sa kanya na parang hinuhubaran siya. Alam niya na agad na  isa ito sa mga babaeng easy to get, easy to bed. Hindi nga siya nagkamali, ito pa talaga ang lumapit sa  kanya para magpakilala. Pinunasan niya muna ang pawis niya bago niya tinanggap ang pakikipagkamay nito. ''Jaden… nice to meet you Diana,'' tinatamad niyang sagot. Sa totoo lang wala siyang interes dito kahit hot ang bansag dito ng mga kaibigan niya. Hindi niya nga alam kung bakit sa kanya ito nagpapapansin gayong lantaran ang pagpapacute ni Adam dito. ''Nice name. Bagay sayo!'' wika naman nito. ''Sige ha, shower muna ako,'' paalam ni Jaden dito at tinalikuran na. Wala siyang pakialam kahit nakita niya na parang nainis ito sa kanya. ''Pare naman... Bakit ang cold mo sa hot chick na iyon?'' si Austin sinabayan pa siya nito sa paglalakad papuntang locker room. Nagkibit lang ng balikat si Jaden at nagpatuloy na sa paglalakad papuntang locker room. Sumunod naman si Austin. ''Wow, pa hard to get ka pare! Hindi mo ba alam na naglalaway na kami sa chick na iyon tapos ikaw ini snob mo lang!'' “Hindi ako pa hard to get, wala lang ako sa mood ngayon makipagbolahan sa kahit kaninong chick.'' Naghubad na si Jaden at pumasok sa bakanting shower room. Si Austin ay ganun din ang ginawa. Hindi niya maintindihan si Jaden kung isa sa kanila ni Adam ang nilapitan niyon ay baka nga nakatirik na ang mata niyon habang binabayo nila sa isa sa mga classroom nang eskwelahan. Oo ganoon sila ka wild ni Adam! Nagmamadali namang naligo si Jaden. Sigurado kasi siyang kanina pa inip na inip si Ysabel sa paghihintay sa kanya. Panigurado ay nasa may gate lang ito at hinihintay siya. Madilim na at nag-uwian na rin ang karamihan sa mga estudyante may mangilan ngilan lang na nanood ng practice game nila kanina ngunit siguradong nag-uwian na rin matapos ang practice. Maski ang mga kaibigan niya ay  hindi na nagshower at dumiretso na sa pag-uwi tanging sila lang ni Austin ang pumunta sa locker room. May ilan din  mga teammates nila na naroon kanina ngunit isa-isa na ring nagsilabas. ''Pare, mauna na ako sayong umuwi. Sa bahay nalang ako maliligo… Putcha ang lamig ng tubig dito sira yata ang hot water,'' inis na sigaw ni Austin mula sa labas ng shower room na kinaroroonan ni Jaden. ''Walang hiya, pare... kalalaki mong tao hindi ka makaligo ng walang hot water?” ganting sigaw ni Jaden ngunit wala nang sumagot sa kanya. Umalis na yata si Austin matapos magpaalam sa kanya.  Napailing nalang siya. Mabuti nalang hindi siya matatakutin at wala siyang pakialam kahit nag-iisa siya sa locker room.  Pinagpatuloy niya ang paliligo. Laking gulat niya nang may bigla nalang yumakap mula sa likod niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD