HINDI alam ni Ysabel kung paano aakto sa harap ni Jaden pagkatapos nang nangyari sa kanila. Hindi siya makatingin dito ng deretso. Sa kotse ay pinilit niyang kumilos ng normal. Pasalamat nga siya at laging sa harapan siya umuupo sa tabi ng driver. Pagka parada ng kotse sa harap ng paaralan nila ay dali-dali siyang umibes ng sasakyan at walang lingon na naglakad.
''Ysabel!'' tawag ni Jaden kay Ysabel.
Napahinto si Ysabel sa paglalakad at nilingon si Jaden na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. ''B-bakit?'' nauutal niya pang tanong. Pakiramdam niya ay nanginginig rin ang tuhod niya sa sobrang nerbiyos.
''Iyong nangyari kanina---'' nagsasalita pa si Jaden ngunit hindi ito pinatapos ni Ysabel
''Huwag kang mag-alala alam ko namang hindi mo sinasadya iyon at nananaginip ka lang,'' nakayukong wika ni Ysabel. Hindi niya matingnan ng diretso si Jaden.
''Tama! Panaginip ko lang iyon hindi ko alam na totoo na pala. Napanaginipan ko kasi si---Diana. Tama si Diana nga ang laman ng isip ko kanina tapos bigla kang sumulpot'' pagsisinungaling ni Jaden.
Si Diana ang transferee na Junior student na sobrang hot at may gusto daw ata kay Jaden na pinagpapantasyahan naman ng mga kalalakihan ngayon sa school nila.
Sobrang nasaktan si Ysabel sa sinabing iyong ni Jaden ngunit hindi niya syempre pinahalata sa amo. ''O-okey lang naiintindihan ko. Walang problema!'' At tumalikod na si Ysabel at nagmamadaling pumunta muna siya sa comfort room. Nanginginig ang tuhod niya at pakiramdam niya ay bibigay iyon anumang oras. Sobrang sakit pala ang halikan ka ng crush mo tapos kaya ka lang pala hinalikan ay dahil nananaginip siya ng ibang babae. Kaloka. Ang sarap bayagan!
Si Jaden naman ay muntikan batukan ang sarili. Bakit ba eh parang dinadaga siya pagdating kay Ysabel at kailangan niya pa talagang mag imbento ng kwento. Takot kasi siyang mabasted ni Ysabel kaya hayun pati pangalan ng ibang babae ay dinamay niya pa.
---
MAGHAPON na nag-iiwasan si Jaden at Ysabel. Hindi rin siya masyadong naglalapit sa barkada na mga lalaki lalo at puro si Diana ang pinag-uusapan ng mga ito. Narinig pa nga niya na parang nakikipag pustahan pa nga si Adam kung sino daw ang makakakuha kay Diana.
''Kaloka ang mga boys parang mga praning!” reklamo ni Sabrina. Nakaupo sila sa isang bench sa may silong ng malaking puno ng manga at si Ysabel ay nagkukunwaring busy sa pagbabasa ng libro.
Nagkunwari siyang hindi naiintindihan ang sinasabi ng matalik na kaibigan. ''Napapano ka diyan?''
''Iyong boys ayaw nila ako pasalihin sa usapan nila. Pinaalis pa nga nila ako kasi rated-x daw ang pinag uusapan nila,'' nakasimangot na sabi ni Sabrina habang tinitingnan ng masama ang grupo nila Jaden na papalayo sa kinaroroonan nila.
''Iyon naman pala eh. Rated-x ang pinag-uusapan nila. Maigi nang hindi tayo makisali sa kanila,'' kunwari ay balewalang sagot ni Ysabel. Pero ang totoo ay curious din siya sa kung anumang pinag-uusapan ng limang lalaki.
''Kuhhh si Diana lang naman ang pinag-uusapan nang mga iyon. Parang pinagpupustahan pa nga kung sino daw ang mauunang maikakama si Diana.''
Nanlaki ang mga mata ni Ysabel hindi siya makapaniwala na hanggang sa ganoong bagay aabot ang pagpapantasya ng mga kaibigan nila kay Diana. Sabagay hindi nga ba at nahalikan pa nga siya ni Jaden kaninang umaga dahil mukhang pati sa panaginip ay naroroon si Diana.
''D-diba may crush daw iyon kay Jaden?'' tanong ni Ysabel. Gusto niyang makasagap kung totoo nga ang narinig niya na bulungan ng mga estudyante.
''Oo iyon din ang balitang narinig ko. Mukhang may gusto nga daw si Diana kay Jaden pero alam mo naman ang iba nating mga kaibigan hindi palalamang mukhang gusto rin maka score.
Hindi nalang kumibo si Ysabel. Parang pinipiga ang puso niya sa kumpirmasyon iyon mula sa kaibigan. Ano nga naman ang laban niya sa isang Diana Mendez na balita niya ay anak daw sa labas ng isang Congressman.
''Bes, hindi ka pa ba uuwi?'' tanong ni Sabrina maya-maya.
''Loka paano akong makakauwi eh nandito pa si Jaden. Tinawagan niya iyong driver kanina at sinabihan na may praktis siya ng basketball at late na daw kami makakauwi kaya tatawagan nalang daw niya kapag magpapasundo na.''
''Oo nga pala malapit na ang laban kaya araw-araw ang training nila sa susunod na mga araw,'' swika naman ni Sabrina. ''Paano iyan uwi na ako maiiwan ka niyan dito mag-isa baka pagtripan ka na naman ng grupo ni Kara.'' Nag-aalalang sabi nito.
''Okay lang ako, doon nalang ako tatambay sa may gate at doon ko na rin hihintayin si Jaden. Masyadong maingay sa covered court hindi ako makakapag study. Saka hindi na ako gagalawin ni Kara mukhang takot na iyon na hindi na mapansin ni Jaden.''
''Sige, sabay nalang tayo sa may gate.'' At tumayo na ang dalawa at naglakad papunta sa may gate.