IMBES na matakot sa panunood nila ay tawa ng tawa pa si Ysabel. Paano naman ay hindi madrawing ang mukha ni Jaden sa takot sa panunood nila. Naroong takpan nito ang mata ng mga palad. Minsan naman ay napapasigaw ito sa takot kapag bigla nalang susulpot ang kung anong nakakatakot na engkanto o multo sa screen. Para itong iwan na hindi maintindihan. "Wala na ba?" tanong nito kay Ysabel habang nakasiksik ang mukha sa likod niya. "Ano ka ba! Palabas lang yan… Hindi yan totoo noh. Make up lang ang mga yan!" natatawa niyang sabi dito. "Basta nakakatakot kaya ang pangit nila!" rason naman ni Jaden. Napapailing na hindi makapaniwala si Ysabel na takot pala talaga sa multo si Jaden."Para ka namang bata d'yan! Bakit kasi hindi mo sinabi na takot ka pala sa multo. Sana iba nalang ang pinanuod nat

