Chapter 7-1: Her First Kiss

1202 Words
NASA San Vicente sa ABC resort na pag-aari ng pamilya nila Austin ang barkada. Weekend kasi kaya napagkasunduan nila na mag swimming. ''How are you and Diana, dude?'' tanong ni Austin kay Jaden. ''Okay naman-- But I'm getting tired of her!'' tamad na sagot ni Jaden. ''That fast? Diba, mag two weeks palang kayo?'' sabat ni Bryan. ''She is annoying! she keep on asking about Ysabel. Kung girlfriend ko nga daw ba talaga.'' ''My oh my... And what did you tell her?'' asked Nathan. ''Nothing!'' Jaden answered. ''Dude, why don't you tell her that Ysa is your cousin kung ayaw mong malaman na may kasama kang Yaya!'' Suhistiyon ni Adam. ''Right, dude! Tell her Ysa is your cousin. What's the big deal?'' said Austin. ''Mga gago ba kayo? Kapag sinabi kung pinsan ko si Ysabel eh di pinutakti siya ng manliligaw!'' inis na sagot ni Jaden. Nagkatinginan ang mga kaibigan niya sa reaksyon at sinabi ni Jaden. Lahat ay naguguluhan. ''So? Ano naman kung dumami ang manliligaw niya? It's normal! Ysa is so attractive. Kaya hindi nakakapagtaka kung marami ang nagkakagusto sa kanya!'' said Adam. Tiningnan ito ni Jaden ng masama ngunit hindi nagsalita. ''Lol, dude! What's that for?'' natatawang tanong ni Adam. ''Wow, dude-- Don't tell us may gusto ka kay Ysa? That's why you don't want other guys to court her!'' said Austin. ''Of course not!'' deny ni Jaden. Meanwhile, Sabrina and Ysabel is in Madrigal Resort kung saan COO ang Daddy ni Sabrina at may ari ng malaking bahagi niyon. Katabi lang ito ng resort nila Austin. ''Ysa, wala ka bang dalang pang swimming?'' tanong ni Sabrina kay Ysabel. Nakabihis na kasi siya ng one piece swimsuit at maikling short ngunit si Ysabel ay nakasuot parin ng pantalon at maluwag na t-shirt. ''Wala eh! Wala naman kasi akong balak magswimming...'' sagot ni Ysabel. ''Huh? Why? Beach ang pinuntahan natin tapos hindi ka magswiswimming?'' ''H-hindi naman kasi ako marunong lumangoy eh,'' nahihiyang amin ni Ysabel. ''I see,'' turan ni Sabrina. ''Hmm'' nag-isip ito sandali. ''Pahiramin kita ng pang swimming tapos tuturuan kitang lumangoy!'' maya-maya ay sabi ni Sabrina at naghalungkat sa mga gamit niya na nasa closet. May mga gamit kasi ito doon sa residential suit nilang mag-anak. ''Nako huwag na! Nakakahiya naman sayo baka mahirapan ka pa sa akin imbes na mag-enjoy,'' pagtanggi ni Ysabel. Ngunit hindi nakinig si Sabrina patuloy lang itong naghalungkat. Hindi naman nagtagal ay nakahanap ito ng one piece red swimsuit at white short shorts. ''Magkasing katawan naman tayo. I believe kasya ito sayo,'' ani Sabrina at ibinigay kay Ysabel. ''Huwag na, bes! Saka hindi ako sanay magsuot niyan. Nakakahiya baka hindi bagay sa akin yan.'' ''Ano ka ba, bes! You’re sexy and very beautiful, for sure bagay ang mga ito sayo! Kaya sige na isuot mo na!'' Marahan pa itong tinulak ni Sabrina papuntang bathroom para doon magpalit. Ilang sandaling tinitigan lang ni Ysabel ang swimwear na pinapasuot sa kanya ni Sabrina. Hindi sigurado kung kaya niyang magsuot ng gaoon ka sexy. Pero baka ma offend naman niya si Sabrina kung tatanggihan niya ito. Siya na nga ang inaalok na turuan magswimming siya pa itong tatanggi. Huminga siya ng malalim. ''Ano ka ba Ysa... Kaya mo yan! Tsaka beach naman dito kaya natural lang na ganito ang mga suot ng mga naliligo sa dagat!'' kausap ni Ysabel sa sarili habang hinuhuband ang mga suot para makapagbihis na. Tinitigan niya ang sarili sa malaking salamin matapos maisuot ang one piece swimsuit at ang short shorts. ''Wow, ang sexy mo Ysa!'' bulong niya sa sarili. ''Kaso nakakailang lumabas... pakiramdam ko nakahubad ako! sobrang eksi naman kasi ng shorts na ito,'' aniya at ininat ang short pababa. ''Tapos hubad pa naman ang likod nitong swimsuit! Baka magkasakit at mapulmonia tuloy ako nito!'' bulong niya habang sinisipat ang likod. ''Bes! Matagal ka pa diyan? Nagtext na ang boys ready na daw ang lunch!'' Katok ni Sabrina sa pinto. ''Diyan na, bes!'' sagot ni Ysabel at tinupi ang mga pinaghubaran pagkatapos ay lumabas ng bathroom. ''Wow, bes… Just wow!'' bulalas ni Sabrina paglabas ni Ysabel. ''I knew it looks very good on you! Pwede ka nang sumali sa Bb. Pilipinas!'' ''Grabe! Pinatataba mo naman masyado ang puso ko. Pero bes wala ka bang mas mahabang shorts diyan at mas tago ang likod ko? Para kasing hindi ako comfortable eh.'' ''Sus ano ka ba! Sobrang ganda at bagay kaya sayo! Saka iyong mga pang swimming ko diyan mga 2 piece ang mga iyon.'' ''Ay huwag na, ito nalang! Baka kabagan naman ako niyon lalo!'' Natawa naman si Sabrina sa kaibigan. ''Don't worry sa umpisa lang naman iyan. Maya-maya masasanay ka rin! Let's go nagugutom na ako eh.'' ''O-okay.'' Naglakad na ang dalawa palabas ng suite at papunta sa kabilang resort. Sagot kasi ni Austin ang lunch nila ngayon. Halos nakukuha nila ang attention ng lahat ng kabinataang nadadaanan nila. Sabrina and Ysabel are both beautiful and sexy. Sinong mag-aakala na labing limang taon palang sila gayong pareho silang matangkad at hubog na ang magagandang mga katawan. ''Bes, naiilang ako! Bakit ba kasi parang sa atin nakatingin ang mga tao?'' inosenting tanong ni Ysabel kay Sabrina. ''Relax, bes! Walk straight and think you’re the most beautiful girl in the world. Walk confidently! Nakatingin sila sa atin dahil Magaganda at sexy tayo! Kaya let's not disappoint them. Huwag mo silang bigyan ng dahilan para bawiin ang paghanga nila sa ati.” Kumindat pa si Sabrina at himig nagbibiro ito. Huminga nalang ng malalim si Ysabel. Nahiling niya na sana mayroon siya ng confidence na taglay ni Sabrina. Hindi lang ito mukhang modelo. Lakad at tayong modelo rin ito. "Hey! I told you, bes. Walk confidently..." si Sabrina kay Ysabel ng mapuna nitong iniinat ni Ysabel pababa ang shorts. "Bes naman ang ganda mo! Hindi bagay sayo ang mukhang ewan sa ginagawa mo!" "Eh pano ba? Hindi talaga ako sanay na ganito ang suot tapos nakatingin pa ang mga taong nadadaanan natin." "Relax, bes. Gayahin mo ako! Ganito lang iyon... Chin up!" Hinawakan nito ang chin ni Ysabel at itinaas. "Tapos gayahin mo ang lakad ko." Naglakad ito sa buhanginan sa tabing dagat na animo nasa isang fashion show. Tatlong dipa mula kay Ysabel ay huminto ito. "Come-on Bes, you can do it!" Tumingin si Ysabel sa paligid nila. May mangilan ngilan parin sa mga taong naroon ang nakatingin. "Bes, huwag mo silang pansinin! Isipin mo nasa kwarto tayo at tayong dalawa lang ang tao!" Humakbang si Ysabel. Sa simula ay nahihiya parin siya ngunit ilang ulit pang pinagawa ni Sabrina ang paglalakad ng ganoon at unti-unti na siyang nagkakaroon ng lakas ng loob at confidence na maglakad ng hindi naiilang sa suot niya. "Good, bes! Pwede na," nakangiting sabi ni Sabrina nang makuntento. "Halika na sa mga boys at gutom na talaga ako." Napangiti nalang si Ysabel. Ganito pala ang magkaroon ng mayayaman na kaibigan kailangan mo rin matutunan ang kilos at galaw nila. "Well, dude... sabi mo yan ha! Wala nang bawian!" nakangiting sabi ni Bryan habang nakatanaw sa dalawang dalaga na parating mula sa kabilang resort. "I can pretend to be Ysabel's bf para wala ka nang problema kay Diana!" dugtong nito at tumayo para salubungin si Ysabel at Sabrina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD