NAGSUNURAN ang tingin ng iba pa kay Bryan. Lahat ay hindi makapaniwala ng makita ang kagandahan ni Sabrina at Ysabel sa ayos na ibang iba sa nakasanayan na nilang makita.
"Wow! Is that Sabrina and--- Ysabel?" Hindi sigurado kung si Ysabel nga iyon na tanong ni Austin. "Grabe hindi lang pala siya maganda ang sexy niya rin mga dude!"
"I knew it! Ysabel is really a real south sea pearl. Grabe, hindi lang maganda! Sexy rin!" comes from Nathan.
"Hindi pahuhuli kay Sabrina! You’re lucky man!" Tinapik nito si Jaden sa balikat. "You got one of the sexiest nanny in the world."
Si Jaden ay hindi nakapagsalita. Ano ngaba ang sasabihin niya? There is something he wants to do for sure! He wants to put his t-shirt on Ysabel at suotan ito ng mahabang pantalon and hide Ysabel from his maniac friends at sa mga lalaking tutulo na yata ang mga laway sa kakatitig sa mapuputi at makikinis na hita at likod ni Ysabel.
''Hi sexy ladies may I?'' si Bryan kay Ysabel at Sabrina para alalayan ang mga ito paakyat sa limang baitang na sementong hagdan ng ABC Resort.
''Sus if I know si Ysabel lang naman talaga ang gusto mong alalayan!'' panunukso ni Sabrina.
''Hindi ah! Pareho ko naman kayong friends ah!'' wika ni Bryan at pumagitna sa dalawa at inalok ang mga braso.
Tinanggap naman iyon ni Sabrina at Ysabel. Si Sabrina ay para lang makisakay sa biro ng kaibigan. While Ysabel needed Bryan's arm to hold to. Bigla kasi siyang nanginig dahil sa kaba. Sino bang hindi? Jaden is staring at her like she have done something very bad. Naniningkit ang mga mata nito sa kanya na parang galit gayong wala naman siyang maisip na ginawa niya.
''Hey, Ysa. Are you okay?'' asked Bryan ng maramdaman na parang bahagyang nanginig ang kamay ni Ysabel.
''O-Okay lang ako,'' sagot ni Ysabel na iniwas nalang ang tingin kay Jaden.
''Ay nako Bry. Nacoconcious kasi si Ysa sa suot niya hindi daw siya sanay,'' sabat ni Sabrina.
''Bagay naman ah! Sexy nga eh...''
''Iyon na nga eh masyadong sexy. Pakiramdam ko parang hubad na ako,” sagot ni Ysabel.
''It'a okay, Ysa. Promise bagay sayo! Tsaka hindi naman masagwa tingnan ah...''
''I told you, bes!'' wika ni Sabrina.
Hindi nalang nagsalita si Ysabel. Sa totoo lang okay na sana siya kanina kaso ng makita niya ang galit na tingin ni Jaden ay doon siya na conscious.
''You two look, wow!'' salubong na sabi ni Adam kay Ysabel.
''Anong wow? Wow na wow!'' si Austin at gumawa pa ito ng hugis ng sexy gamit ang dalawang kamay.
''Huwag niyo na kaming bolahin dahil alam na naming maganda at sexy kami!'' si Sabrina na naupo sa tabi ni Adam.
Si Ysabel naman ay inalalayan ni Bryan maupo sa tabi ni Jaden at naupo naman ito sa katabing upuan. Ang kalagayan nila ay nasa gitna si Ysabel ni Bryan at Jaden. Magkatabi si Adam, Sabrina at Nathan. Habang si Austin ay nag-iisa sa dulong bahagi ng mesa.
''You look good, Ysa. Bagay sayo ang suot mo,'' wika ni Nathan at bahagyang sumulyap kay Jaden. ''Right, Jaden dude?''
''Hindi pa ba tayo kakain? Kanina pa ako nagugutom!'' wika ni Jaden imbes na sagutin si Nathan.
''Oh yah sure sandali at ipapahain ko na iyong mga pinaluto ko. What's your drinks mga sexy?'' tanong nito kay Sabrina at Ysabel.
''Kahit ano!'' sagot ni Ysabel.
''Imao, Ysa wala kaming siniserve called kahit ano. Mukhang mahirap yan!'' pagbibiro ni Austin.
''Ako strawberry shake. You like it too, Ysa?'' tanong ni Sabrina.
''Okay!''
''Okay, two strawberry shake coming!'' si Austin at tumayo para pumunta sa kitchen.
''So what will you guys do after lunch? Let's do banana boating,'' suhestiyon ni Nathan.
''Boring mag Jetski nalang tayo!'' said Bryan.
''Let's go snorkeling guys,'' said Adam.
''Ysa and I will have swimming lesson. Tututruan ko siyang magswimming.''
''What??? Ysa you don't know how to swim?'' magkasabay na tanong ni Nathan at Adam.
Si Bryan at Jaden ay napatingin din kay Ysabel. Nahihiyang tumango naman si Ysabel.
''Noong nasa Subic kami nakatira hindi ako pinapayagan ni Mommy na magswimming wala kasi din akong kasama baka daw malunod ako. Tapos noong malipat na kami dito sa San Martin. Malayo naman kami sa dagat at walang naman kaming swimming pool katulad niyo. Mga imbornal marami!'' pagbibiro pa ni Ysabel.
''Yuck!'' hindi napigilan na wika ni Sabrina.
''If you want I can teach you how to swim, Ysa. Mas magaling ako lumangoy kay Sabrina,' alok ni Bryan.
''Oo nga, bes! Magaling magswimming si Bryan sa aming lahat. Champion swimmer kaya yan noong elementary kami,''' turan ni Sabrina.
Napatingin si Ysabel sa katabing si Jaden. Tahimik ito ngunit naka kunot ang noo sa kanya at parang sinasabi na tumanggi siya.
''H-huwag na Bry. Nakakahiya naman sayo tsaka makakaistorbo pa ako imbes na mag enjoy ka!''
''Sus ano ka ba hindi noh. Mas enjoy pa ako kung matuto kang lumangoy dahil sa akin. Diba, achievement iyon!'' nakangiti nitong sabi.
Hindi na nakapagsalita si Ysabel dumating na kasi ang mga pagkain na dala ng dalawang waiter. Inilapag naman ni Austin sa harap nila ni Sabrina ang bitbit nitong strawberry shake. ''Kung may gusto pa kayo sabihin niyo nalang sa mga waiter,'' ani Austin at naupo na.
Si Bryan ang naglalagay ng pagkain sa pinggan ni Ysabel ngunit si Ysabel naman ay inaasikaso ang paglalagay ng pagkain sa pinggan ni Jaden.
"Hahaha," tawa ng malakas ni Nathan.
"Anong nakakatawa?" puna ni Sabrina na inaasikaso naman ni Adam ang paglalagay ng pagkain sa pinggan nito.
"Nakakatawa kasi si Bryan, Ysa at Jaden. Para silang love triangle!" tumatawa parin na paliwanag ni Nathan.
Namula naman agad ang mukha ni Ysabel sa tinuran ni Nathan. Si Jaden ay tiningnan ng masama si Nathan.
"Gago! There will be no love triangle between us three. Kasi wala naman gusto si Jaden kay Ysa, sabi niya! Kaya kung sakaling liligawan ko si Ysa, out na si Jaden sa mga karibal ko! Right, dude?" tinapik pa ni Bryan si Jaden.
"Sayo na!" sagot ni Jaden ngunit masama ang tingin nito kay Bryan.
"Thanks, dude! Ang bait mo talaga," ngisi ni Bryan dito na may kasama pang pang-iinis.
Natigilan naman si Ysabel. Parang may malaking paa na sumipa sa puso niya dahil sa animo pamimigay ni Jaden sa kanya. Hindi manlang ito nagtanong kung siya ba ay okay sa kanya ang usapan ng dalawa.
"Bakit, Bry? Liligawan mo ba si Ysa? Huwag mong kakalimutan ang rules natin! Kung si Ysa. Si Ysa nalang!" si Austin sa pagitan ng pagsubo ng pagkain.
"Relax! Hindi pa naman..." si Bryan at nagsimula narin kumain.
"Kuh hindi pa niya kayang i-give up ang pagiging playboy!" kantiyaw ni Sabrina.
"Ako Sab kung liligawan mo ako magiging one woman man ako sayo!" pagbibiro ni Adam kay Sabrina.
"Mangarap ka seducer! Ikaw pa wala akong tiwala sa kagwapuhan mo! Tsaka, hello! Ako manliligaw sayo? Dream on!" bara naman ni Sabrina dito.
"Bagay ah! Plaboy at Seduder!" pangangantiyaw ni Austin.
"Isa ka pa Blue eyes Casanova!" wika ni Sabrina kay Austin.
Napakamot naman si Austin sa batok. "Eh si Nathan at Jaden?" hirit nito.
"Well hmmm... Nathan is a heartbreaker and Jaden is Womanizer!" balewalang sagot ni Sabrina. Sabay subo ng pagkain.
"Maiintindihan ko kung bakit heartbreaker si Nathan pero bakit womanizer si Jaden eh isa palang naman ang natikman-- Ahhmm I mean syota niyan!" kambyo ni Adam sa kamuntikan pagkadulas.
"Basta! Huwag kana makialam akin nalang iyon!" sabay ngisi ni Sabrina. "Someday I will tell you why!"