HINAYAAN lang ni Gabriel na iiyak ni Ysabel ang sama ng loob nito. Nasa tabi lang siya nito para iparamdam na hindi ito nag-iisa. "Bakit ganoon siya? Palagi nalang siyang nakakahanap ng mali sa akin. Porket ba Yaya niya lang ako at amo ko siya papabayaan ko nalang siyang insultuhin ako palagi? Hindi naman siguro tama iyon! Kahit wala na siya sa lugar hahayaan ko parin siya?" Umiiyak parin si Ysabel habang naglalabas ng sama ng loob. Nasa park parin sila pero may kalayuan sa pwesto nila kanina. "Sabihin mo nga sa akin. Mali ba ang ginawa kong pagsagot kanina sa amo ko?" Humarap si Ysabel sa kaibigan. Sa totoo lang ay parang gusto niyang pagsisihan na sinagot niya si Jaden kanina lalo na ang mabanggit na nakita niya ito sa rooftop ng eskwelahan habang gumagawa ng milagro kasama si Janna.

