BANDANG hapon ng magkaayaan ang barkada na mag basketball sa Park ng subdivision. Magka grupo si Adam, Nathan at Austin. Samantalang si Jaden, Bryan at Gregory naman sa kabilang team. ''Ano yan lang ba ang kaya niyo?'' kantiyaw ni Jaden sa kabilang team habang nag dri driball. Malaki na ang lamang nila sa kabilang team. ''Nanghihina yata ang mga tuhod niyo ngayon. Kainan niyo kasi ng balot,'' kantiyaw din ni Bryan habang sinasalo ang bola mula na pinasa ni Jaden. ''Paano puro chicks ang binabanatan nanghihina tuloy ang mga tuhod!'' natatawang kantiyaw din ni Gregory. Ito ang bantay kay Adam. ''Huwag muna kayo magmayabang diyan hindi pa tapos ang laban,'' wika ni Adam. ''Pwede pa namin kayo pakainin ng alikabok!'' ''Hindi yan sinasabi, ginagawa yan!'' pangangantiyaw parin ni Gregory.

