Chapter 2-1: The Evil Señorito

764 Words
UNANG araw ng pasukan. Maaga palang ay nakabihis na si Ysabel. Excited siya sa first day niya sa eskwela ngunit kabado rin siya. Iba ang antas ng pamumuhay ng mga makakasalamuha niya sa papasukang eskwelahan. Natatakot siya at baka kasing ugali ng Senyorito Jaden niya ang mga magiging kaklase. Kahit hindi siya gustong isabay papasok ni Jaden ay walang magawa dahil naroon si Senyora Beatrice. Binuksan ni Ysabel ang pinto ng sasakyan para pasakayin ang amo saka siya sumakay sa tabi ng driver. Siguradong hindi gusto ni Jaden na makatabi siya ng upuan sa likod at natatakot siyang masinghalan. Pagbaba palamang nila sa sasakyan ay sinalubong na agad sila ng ilan sa mga kaibigan ni Jaden. Tahimik lang siya sa likod ng mga ito habang excited ang mga itong nagbabatian sa isat-isa. Unang naka pansin sa kanya si Bryan. ''Sino siya? Syota mo?'' may pilyo ngiti nitong tanong kay Jaden. Pinamulahan naman agad ng pisngi si Ysabel sa narinig. Ni minsan ay hindi niya naisip na pagkakamalan siyang syota ni Jaden. ''Wow, ang ganda naman niya Jaden hindi ko alam na may tinatago ka na palang chicks sa amin,'' panunudyo naman ni Nathan. ''Hi Miss... I'm Adam what's your name?'' Inilahad pa ni Adam ang kamay kay Ysa. ''Y-Ysabel Solis,'' kiming sagot ni Ysabel na inabot ang kamay ni Adam. Lumapit din si Austin at nakipagkilala. ''Austin Andrews naman ang pangalan ko.'' Si Bryan at Nathan ay hindi naman nagpahuli. Hindi na hinintay ang sagot ni Jaden at lumapit na rin kay Ysabel at nakipagkilala. ''Kaano-ano mo si Jaden? Bakit ngayon ka lang yata namin nakita?'' tanong ni Bryan halata ang interes sa boses nito para sa magandang dalagita. Si Jaden ay hindi maipinta ang mukha. Kitang kita niya ang interes ng mga kaibigan sa yaya niya. Tiningnan niya ng masama si Ysabel na biglang parang hindi alam kung paano aakto sa harap ng mga kaibigan ng amo. ''She's my nanny. Kaya tigilan niyo na ang pag-iisip na syota ko siya dahil kahit kailan ay hindi mangyayari iyon dahil hindi ako pumapatol sa katulong,'' intention niyang ipahiya si Ysabel sa harap ng mga kaibigan kaya sinabi niya ang totoo. Papakiusapan nalang niya ang mga ito na huwag ipaalam sa iba. Natahimik si Ysabel. Napakasakit marinig ng sinabi ni Jaden parang kinukurot ang puso niya na hindi niya maintindihan. Alam naman niya na imposible siyang magustohan nito pero bakit kailangan pang ipamukha sa kanya ang agwat nilang dalawa sa buhay? Nagyuko siya ng ulo para itago ang nararamdaman. ''Owwss, di nga? Swerte mo naman kung ganito ka ganda ang yaya mo!'' wika ni Austin. ''Pwede bang ako nalang ang yayaan mo? Kakausapin ko sila Mommy para doblehin ang sahod mo,'' birong totoo na wika naman ni Bryan. ''Ang cheap nyo naman. Pati ba naman ang yaya ko ay pag-iinteresan niyo? Wala ba kayong mga taste?'' nakasimangot na sabi ni Jaden sa mga kaibigan. ''Kailan ka pa naging matapobre Jaden?'' pagtatanggol ni Bryan kay Ysabel. Napipikon siya kay Jaden. Hindi niya akalain na magsasalita ito ng ganoon. Naaawa kasi siya kay Ysabel sa ginagawang pamamahiya dito ng kaibigan nilang si Jaden. ''Huwag mong sabihing may gusto ka kay Ysabel at ganyan ka maka akto?'' inis naman na tanong ni Jaden. ''Tama na yan! First Day ng school sisimulan niyo ng hindi maganda,'' saway ni Nathan sa mga kaibigan. ''Anong mayroon guys?'' tanong naman ng bagong dating na si Sabrina. Dinig na dinig niya ang pagtatalo ng mga kaibigan habang palapit siya. Napatutok ang tingin niya sa dalagitang pinagkakaguluhan ng barkada. Maganda nga ito at mukhang hindi naman ito yaya lalo at naka uniporme din ito tulad nila. ''Hi, I'm Sabrina. Kaibigan din nila ako,'' inabot nito ang kamay kay Ysabel na parang maiiyak na. Inabot naman ni Ysabel ang kamay kay Sabrina. Napakaganda nito at mukhang mabait. Sa totoo lang ay kahit ang mga kaibigang lalaki ni Jaden ay mukha rin mababait. Si Jaden lang ata ang masama ang ugali sa mga ito. ''Y-Ysabel ang pangalan ko. Yaya ako ni Senyorito Jaden at ang mommy niya ang nagpapaaral sa akin,'' nakatungong pakilala ni Ysabel. ''Ano ka ba, wala naman masama kung hindi ka mayaman. Basta mabait ka yun ang importante. Hindi issue sa amin kung hindi ka man galing sa mayaman na pamilya,'' nakangiting sabi ni Sabrina. ''Oo nga naman Ysabel, tama si Sabrina,'' si Bryan iyon at hindi pinapansin ang masamang tingin ni Jaden sa kanya. ''Tayo na guys at mahuhuli na tayo sa klase,'' si Austin. Ramdam niya ang tension sa mga kaibigan kaya niyaya nalang niya ang mga itong pumasok na sa klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD