Chapter 1-4

1184 Words
HINDI magkandaugaga si Ysabel sa pag bitbit ng mga pinamili nila. Hindi siya tinutulungan ni Jaden kaya para siyang Christmas tree sa mga paper bags na may laman na mga pinamili nila. "Jaden anak, be a gentleman at tulungan mo naman si Ysa," pakiusap ng ina nito. "Kaya na niya yan, Mommy. Magaan lang naman ang nga iyan at karamihan naman sa mga iyan ay sa kanya," pagsusungit ni Jaden at tiningnan pa ng masama si Ysa. Walang nagawa si Señora Beatrice kundi ito nalang ang tumulong kay Ysabel. Hiningi nito ang ibang paper bags kay Ysa.  "Ako nalang po Senyora, kaya ko na po ang mga ito." Kahit hirap si Ysa ay nahihiya naman siyang pagbitbitin ng mga gamit na karamihan ay para sa kanya. Ngunit nagpumilit si Senyora Beatrice at kinuha pa rin ang ibang paper bags. Sumunod nilang pinuntahan ang bookstore at bumili sila ng mga school supplies. Habang tinitingnan ni Ysabel ang mga laman ng cart ay hindi niya maiwasang mapangiti. Sigurado kasi siya na ang mga pambabaeng gamit ay para sa kanya. Kung sa ibang pagkakataon nga ay baka magtatalon siya sa katuwaan.  Noon, mabilhan lang siya ng ilang pirasong notebook at ballpen ay tuwang tuwa na siya. Ano pa kaya ngayon na lahat ng gamit niya ay bago at mamahalin. Mas gaganahan pa siyang mag-aral nito sa pasukan. Ngunit hindi niya maipakita ang katuwaan dahil baka kung ano na naman ang sabihin ng masungit niyang amo na si Jaden the evil. Laking pasalamat ni Ysabel ng tawagan ni Senyora Beatrice ang driver at sabihan na puntahan sila sa book store para ihatid sa sasakyan ang mga pinamili nila. Akala niya ay magbibitbit na naman siya ng napakarami at siguradong hindi niya na kakayanin ang bigat ng mga iyon.  Marami pa silang dinaanan na mga shops sa mall at kung anu-ano pa ang pinamili ni Senyora Beatrice para sa kanila ni Jaden.  Hindi magkandaugaga na naman siya sa pagdadala ng mga iyon mabuti nalang at sa pagkakataong ito ay sinapian na ng mabuting espiritu si Jaden at tinulungan na siya.  Nakakapagod pala ang magshopping masakit na ang mga binti niya sa kakalakad at nangalay na rin ang mga kamay niya sa kakabitbit ng mga pinamili nila.  Akala nga niya ay planong bilhin ni Senyora Beatrice ang buong mall dahil parang wala itong kapaguran sa kakaikot at kakabili ng bawat magustuhan. Ganito pala magshopping kapag marami kang pambayad. Hindi na nga tinitingnan ang mga presyo basta magustuhan ni Senyora Beatrice ay binibili na nito.  Bago sila umuwi ay dumaan rin sila sa patahian para ipagawa sila ni Jaden ng uniporme. Nagbiyahe na sila pauwi at nakatulog si Ysabel sa sobrang pagod. Naalimpungatan siya ng yugyugin siya ng driver para gisingin. "Ysa, gising na. Nandito na tayo," si Manong Alan. Nabigla si Ysabel madilim na sa labas. Hindi niya namalayan ang oras. Kaya pala nagugutom na rin siya. Dali-dali siyang tumayo. Wala na ang mga amo at nauna nang pumasok sa bahay. Tinulungan niya si manong Alan sa pagpasok ng mga pinamili. Sinalubong din sila ng ina at tinulungan sila. Nagulat si Anna ng mapansin ang ayos ng anak. ''Wow, anak halos hindi kita nakilala. Ang ganda-ganda mo naman sa suot mo!'' ''Bili po ni Senyora Beatrice, Ma. Tsaka Ma, grabe ang dami-dami niyang binili para sa akin,'' excited na kwento ni Ysabel sa Mama niya. ''Nagpasalamat ka ba, anak?''  ''Opo, Ma. Pero po magpapasalamat ako mamaya ulit.'' ''Mabuti kung ganun anak at ako rin ay magpapasalamat din.'' Pagkapasok nila sa mansion ay agad nga na nagpasalamat silang mag-ina kay Senyora Beatrice. ''Walang anuman iyon. Piliin mo nalang Ysa ang mga gamit na para sayo at iakyat sa kwarto niyo. Paki dala na rin sa kwarto niya ang mga gamit ng Senyorito mo,'' nakangiting sabi ni Senyora Beatrice at dumiretso na ito sa silid nito. Naglapitan naman sila ate Marie at ang isa pang katulong na si Lani. Kadami naman nito. Napakaswerte mo naman Ysa. Ang dami-daming binili sayo ng amo natin,'' si ate Marie. ''Oo nga Ysa ang swerte mo naman,'' may pananaghili sa boses ni Lani. Kiming ngiti lang ang isinagot ni Ysa. Hindi niya alam kung paano tutugunin ang mga kasamahan nilang katulong. Kahit siya ay aaminin niya na sobra-sobra ang kabaitan sa kanya ni Senyora Beatrice. Inakyat ni Ysabel ang mga gamit sa kwarto ni Jaden inabutan niya itong nakahiga patihaya sa kama. Mukhang pagod din ito na katulad niya. Aayusin pa sana ni Ysabel ang mga gamit ng singhalan siya nito. ''Ano ba, ang ingay mo! Bukas mo na ayusin yan at gusto ko muna magpahinga.'' Nabitawan naman ni Ysabel ang ginagawa. ''H-Hindi po ba kayo maghahapunan? Hindi pa po kayo kumakain Senyorito.'' ''Tanga ka ba talaga? Diba nga sabi ko gusto ko nang magpahinga. Tapos papakainin mo ako?'' pasinghal na sabi nito kay Ysa. Gusto na naman tumulo ng mga luha ni Ysa. Bakit ba ang sungit-sungit ng amo sa kanya gayong wala naman siyang ginagawang masama dito? Dahan-dahan nalang siyang lumabas ng kwarto.  Nakasalubong naman niya si Senyora Beatrice. ''Bakit ka umiiyak Ysa?'' puna nito sa kanya. ''W-wala po! Napuwing lang po ako,'' pagsisinungaling ni Ysa. Hindi naman kumbinsido si Senyora Beatrice sa sinabi ni Ysabel. May pakiramdam siya na may ginawa na naman ang sutil niyang anak. ''Paki tawag ang Senyorito mo para kumain na ng hapunan.'' ''G-Gusto niya daw pong magpahinga,'' nakatungong sagot ni Ysabel. ''Sige, ako nalang ang pupunta sa kanya. Magpahinga kana.'' Nainis si Jaden ng marinig ang pagbukas ng pinto. ''Hindi ba't sinabi ko na gusto kong magpahinga! Ano na naman ang kailangan mo?'' nakapikit parin na singhal ni Jaden. Iniisip niya na si Ysabel na naman ang pumasok sa kwarto niya.  ''Jaden, ano bang nangyayari sayo at nagkakaganyan ka?'' tanong ni Senyora Beatrice sa anak. Napabangon si Jaden ng marinig ang boses ng ina ''Mmomy, anong ginagawa mo dito?'' ''Nakasalubong ko si Ysa at mukhang umiiyak. Ano na naman bang sinabi mo doon? Bakit ang init ng dugo mo kay Ysa at hindi ka naman ganyan dati? Hindi ako natutuwa sa kinikilos mo baka akala mo!''  ''Wala naman akong ginawa doon. Umaarte lang iyon,'' inis na sagot ni Jaden. ''Magtapat ka nga. Ano ba talagang problema mo kay Ysa at hindi ka naman ganyan sa mga katulong natin dati ah.'' ''Mommy, kailangan pa ba talagang tanungin iyan?” Nakasimangot nasabi ni Jaden. Naiinis ako dahil pati ba naman sa eskwela ay may yaya pa rin ako? Hindi na ako bata, Mommy. Kaya ko na ang sarili ko.'' ''Kaya si Ysa ang pinapahirapan mo? Sabi ko naman sayo hindi mo kailangan na ipakilala siyang yaya.  Eh di sabihin mong pinsan mo.'' ''Mommy, hindi iyon ang point ko! Hindi ko gusto na may susunod-sunod sa akin kahit saan ako magpunta. Malaki na ako pero ginagawa mo pa rin akong baby.'' ''Basta final na ang desisyon ko at nakapamili na rin tayo ng mga gamit ni Ysa. Ayusin mo iyang pag-uugali mo dahil hindi naman kita pinalaking ganyan! Bumangon ka diyan at kumain muna bago ka matulog.'' Tumalikod na ito. Si Jaden ay ihinilamos ang palad sa mukha sa sobrang inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD