NANINGKIT ang mga mata ni Jaden habang nakatingin sa ginagawa ni Ysabel kay Bryan. "Mabuti naman kung ganoon!" Sagot ni Jaden na kayla Ysabel parin ang tingin.
"So paano, dude. Mauna na ako. Mukhang okay ka naman. Nanlalagkit pa kasi ako sa pawis eh." Si Nathan na nakipag fist bump kay Jaden at nagpaalam kay Diana at Ysabel. Bahagyang tinapik si Bryan at Austin. "Ikaw pinsan, sasabay ka ba sa akin?'' tanong naman nito sa pinsan na si Adam.
''Oh yeah, pinsan. Sasabay nalang ako sayo wala sila mommy sa bahay doon muna ako sa inyo.,' humarap naman ito sa mga kaibigan. ''Sige guys see you on Monday nalang at sumabay na si Adam kay Nathan palabas sa clinic.
''So ano hindi pa ba kayo uuwi? Mauna na rin ako sa inyo at nanlalagkit rin ako sa pawis,” tanong ni Austin.
''Thanks, Ysa!'' Si Bryan matapos mailagay ni Ysabel ang maliit na towel sa likod niya. “Ano dude sabay nalang kayo sa akin ni Ysa?'' tanong nito kay Jaden.
''Hindi na kailangan kaya naming umuwi kahit wala ka,” inis na sagot ni Jaden. Naiinis siya sa kaibigan dahil kitang kita niya ang interes nito kay Ysabel at mukhang special din ito sa dalaga. Hindi na siya magtataka kung isa sa mga araw na ito ay magligawan ang dalawa.
''Whats up, dude? Bakit bigla yatang uminit ang ulo mo?'' hindi nakatiis na tanong ni Austin.
''Nothing. Sumakit lang bigla ang paa ko,” sagot ni Jaden at tumayo. ''Magjejeep nalang kami!'' Paika itong naglakad palabas.
Maagap naman na umalalay si Diana dito. ''Babe, I can ask my driver to drop you home. I don't think makakapag-jeep ka ng ganyan. Sa salita ni Diana nasa boses nito na si Jaden lang ang ihahatid nito at hindi kasama si Ysabel.
''Magkasama kami ni Ysabel, Diana. I can't go home alone,'' sagot ni Jaden na ikinasimangot ni Diana.
''Then, I will ask my driver to drop you guys,'' pangungulit ni Bryan.
''No! We will take a jeepney home,'' matigas na sagot ni Jaden.
Tumingin si Bryan kay Austin na animo nagpapatulong kumbinsihin si Jaden na magpahatid nalang sa kanya ngunit nagkibit balikat lang si Austin at mukhang ayaw makialam.
''Gusto mo bang pahirapan si Ysabel sa pag-alalay sayo?'' hindi napigilang tanong ni Bryan.
''Eh anong pakialam mo? Ako nasa akin ang lahat ng karapatan kung anong trato ang gusto kung gawin sa kanya.'' Galit na sagot ni Jaden dito.
''What's wrong with you? Ako na nga ang nag-aalok ng tulong tapos parang galit ka pa!'' Nagsasalubong ang kilay na tanong ni Bryan.
''I'm not angry! Makulit ka kasi!''sagot ni Jaden at paikang tumalikod at naglakad habang naka alalay si Diana dito.
Sasagot pa sana si Bryan ngunit pinigil na ito ni Austin. Kilala niya ang dalawang kaibigan pareho itong naninindigan kung ano ang gusto at tama para sa kanila. Napapailing din ito dahil nagsasagutan ito sa hindi maintindihang dahilan.
Namagitan din si Ysabel. ''Huwag na, Bry. Kaya ko naman siyang alalayan pauwi eh.'' Kahit hindi sigurado kung kaya nga niya itong alalayan pauwi ay sinabi nalang iyon ni Ysabel matigil lang ang sagutan ng dalawa. Saka sumunod na din sila sa paglalakad.
Hirap na hirap si Ysabel sa pag-alalay kay Jaden. Kabababa lang nila mula sa sinakyang jeep. Malaki ang pasalamat niya at kanina ay hindi sila iniwan ni Austin at Bryan hanggang hindi sila nakakasakay ng jeep. Kahit nababanas si Bryan sa tigas ng ulo ng kaibigan ay hindi parin nito ito natiis. Ito pa nga ang nag-alalay kay Jaden papasok sa Jeep.
Si Diana naman ay walang nagawa kundi hayaan nalang si Jaden sa kagustuhan nitong magcommute. Gusto man nitong magmaktol ngunit nakikita niyang mukhang hindi tulad ng mga naging syota niya noon hindi ang klase ni Jaden ang mapapasunod niya at mapapaikot sa mga palad.
''Hawak ka sa akin Senyorito. Baka makasama sa paa mo kung ipipilit mong itapak sa lupa,'' si Ysabel. Pagbaba nila sa jeep ay halos buhatin na niya si Jaden pababa ng jeep. Kahit hirap siya ay hindi siya nagreklamo. Baka isipin pa nitong umaarte siya. Samantalang noong siya ang kailangan ng tulong ay tinulungan naman siya nito.
Gusto naman pagsisihan ni Jaden na hindi tinanggap ang tulong ng mga kaibigan kanina. Paano ba naman ay ramdam niya ang paghihirap ni Ysabel na alalayan siya. Kung sana hindi si Bryan ang unang nag-alok ng tulong ay baka tinanggap niya. Ngunit sa hindi maintindihan dahilan ay inis siya kay Bryan lalo kapag nagpapakita ito ng concern kay Ysabel. Lalo siyang nainis ng walang maabutang security guard sa gate na pwedeng tumulong sa kanila. Medyo malayo kasi ang Mansion nila mula sa gate nito. Siguradong mahihirapan sila pareho ni Ysabel bago makarating sa b****a ng Mansion.