Chapter 6-2

1266 Words
PINAKALMA muna ni Ysabel ang sarili bago muling lumapit kay Jaden. ''Kaya mo bang tumayo?" mahinahong tanong niya dito. ''Sasamahan kita a clinic baka kasi may injury ka.'' Humarap si Ysabel sa isa sa mga kaklase nilang naroon. ''Samuel pwede mo ba akong tulungan dalhin si Jaden sa clinic?'' ''Sure, beautiful Ysa! Basta ikaw, no problem!'' nakangiting wika ng tinawag ni Ysabel na Samuel parang nagpapacute pa nga ito sa dalagita.  Kiming ngumiti naman si Ysabel na namula pa nga ang pisngi sa sinabi ni Samuel. Samuel is a handsome young man. Hindi magpapahuli sa grupo nila Jaden. Ang masabihan nito ng beautiful ay nakakataba ng puso.  Lalong kumunot naman ang noo ni Jaden at nag-init pa lalo ang ulo nito. ''Ano namang silbi mo? E di ikaw ang mag-aalalay sa akin!'' masungit na sabi ni Jaden. Nawala ang concentration niya sa laro ng makita niya ang pagyakap ni Ysabel sa lalaki kanina na talagang kinainis niya tapos ngayon naman ay parang kay Samuel naman ito nagpapacute. Nagkibit nalang ng balikat si Samuel kay Ysabel. Nainis si Ysabel sa inaasal ng amo. Napapahiya na siya ng sobra sa mga taong nakakarinig sa kanila. Gusto niya itong patulan ngunit pinaalala niya sa  sarili na amo niya pa rin ito kahit pinaglihi ata ito sa sama ng loob. Ngunit ang nakapagtataka ay sa kanya lang naman ito masungit. Hindi na nakatiis si Gabriel at lumapit na ito kay Ysabel. Umaandar na naman ang pagiging protective nito sa kaibigan. ''Are you okay, Ysang?'' Ysabel nodded. ''I am fine, Gab. Thank's! Tawagan kita mamaya. Samahan ko pa kasi si Jaden sa clinic.'' Magsasalita pa sana si Gabriel ngunit nagpapaintinding tinapik ito ni Ysabel sa braso. “Sa susunod nalang tayo mag-usap.”  Lalong nainis si Jaden at walang sabi-sabing tumayo kahit hirap na hirap itong maglakad. Humabol si Ysabel at kinuha ang isang braso ni Jaden para alalayan ito ngunit tinabig ito ni Jaden. ''Don't bother! Ituloy mo nalang ang nakikipag landian mo doon sa dalawang unggoy!'' sikmat nito kay Ysabel na napaatras dahil sa ginawa ni Jaden lalong lalo na sa sinabi nitong pakikipaglandian niya daw. ''Dude, watch your mouth!'' saway ni Nathan kay Jaden at marahan pinisil sa kamay si Ysabel. Nakita niya kasing parang maluha-luha na ito sa ginagawang pamamahiya ni Jaden dito. Maski siya ay hindi maintindihan ang inaasal ng kaibigan. The other day lang ay parang babasaging pinggan kung ituring ni Jaden si Ysabel tapos ngayon ay pinapahiya naman nito sa harap ng maraming tao. Pasalamat siya at si Bryan ang unang pina sub ng coach kundi baka nabatukan ito ni Bryan sa ginagawang pagtrato kay Ysabel. ''Babe, I'll help you instead,'' Nalipat ang tingin ng halos lahat ng naroroon sa babaeng nagsalita. Kanina pa ito naroroon ngunit tahimik lang at nakikiramdam. ''Thank you, Diana!'' pasasalamat ni Jaden sa dalaga at magkasabay na naglakad habang inaalalayan ito ni Diana. ''Sila na ba?'' tanong ng isang boses mula sa mga babaeng naroroon at nakiki osyuso. ''Malamang babe nga tawag kay Jaden diba?'' sagot naman ng isa pa.  ''Hindi ba't si Ysabel ang syota ni Jaden?'' tanong naman ng isa pang dalaga na nakikichismis.  ''Pinagsawaan na siguro. Diba nga at tanga nga daw!'' nakangising wika naman ni Kara na hindi na nakatiis at sumabat. Tiningnan ni Nathan ang mga ito ng masama kaya natahimik. Hindi nakaimik si Ysabel. Hiyang hiya siya na hindi niya maintindihan. Mabigat rin ang pakiramdam niya dahil mukhang tama ang hinala niya na may kakaibang nangyari kay Jaden at kay Diana sa locker room ng mga boys noong nakaraang araw. Tahimik nalang siyang sumunod sa mga ito. Hindi niya alam kung paanong sasalubungin ang nagtatanong na tingin ni Gabriel at ng mga chismosa nilang school mates.   ---   PINIPIGA ang puso ni Ysabel sa nakikitang kasweetan ni Diana kay Jaden. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman pero parang nagsisikip ang dibdib niya. Diana is holding Jaden's hand habang ginagawa ng nurse ang first aid. Wala kasi ang doctor at may importante daw na pinuntahan. "Babe, masakit ba talaga?" nag-aalalang tanong ni Diana ng makita ang pag-iinda ni Jaden sa paa.  Hindi sumagot si Jaden ngunit humigpit ang hawak sa kamay ni Diana.  Pinahiran ni Diana ang pawis sa noo si Jaden. "Babe, gusto mo sa ospital nalang kaya kita dalhin! Baka kasi may injury ka eh. Mabuti nang maipakita natin yan sa doctor."  "Oo nga, Mr. Aragon mas mabuti kung matitingnan ito ng doctor!" sabi ng nurse bago ito tumalikod. Tapos na kasi ito sa ginagawa. "No, I think okay na ito mamaya," sagot nii Jaden.  "Are you sure, Babe?" muling tanong ni Diana. Jaden nodded at bahagyang sumulyap kay Ysabel. Si Ysabel ay tahimik lang na nakikinig sa isang tabi. Kahit gusto niyang lapitan si Jaden dahil nag-aalala siya hindi niya ginawa. Naroon si Diana sa tabi nito hindi siya nito kailangan. Tumunog ang mumurahing cellphone ni Ysabel. Kinuha niya iyon at sinagot ng mabasang si Bryan ang tumatawag. "Hello, Bry..." Huminto ito sandali para pakinggan ang sinasabi ng kausap. "Oo, dito pa kami sa clinic. Wala yong doktor pero nandito iyong nurse, na first aid niya na ang paa ni Jaden... Huh?" tumingin si Ysabel kay Jaden at Diana ngunit inalis rin agad ang tingin ng makasalubong ang galit na tingin ni Jaden sa kanya. "Okay sige, Bye." Matapos makipag-usap ay ibabalik na sana ni Ysabel ang cellphone sa bag ng tumunog ulit iyon.  Sinagot niya iyon. "Hello Manong... " Nalaglag ang balikat niya sa sinabi ng kausap sa kabilang linya.  Pagkababa sa cellphone ay naglakad siya palapit kayla Jaden. Na nakaupo sa isang upuan na katabi ni Diana.  Nagsasalubong ang kilay ng binata habang nakatingin sa kanya. "J-Jaden... ahhmm" She cleared her throat. "Si manong tumawag... nasiraan daw iyong kotse, nasa may daan papunta rito. Ahmmm magcommute nalang daw tayo kasi baka matagalan bago niya maayos iyong kotse." Nakayuko siya habang nagsasalita at hindi tumitingin sa amo. "f**k! Bakit ngayon pa?" galit na wika ni Jaden at naiinis na naihilamos pa ang isang palad sa mukha. "Babe, magkasama kayo sa bahay?" Naguguluhang tanong ni Diana kay Jaden habang nakataas ang kilay kay Ysabel.  Jaden nodded pero hindi tumitingin kay Diana. "Why? I mean, bakit? Magkaanu-ano ba talaga kayo?"  "Don't ask to much! Ayaw ko ng babaeng maraming tanong!" mahina ngunit may diin sa boses ni Jaden na nagpatameme kay Diana. Hindi nito akalain na sasabihin iyon ni Jaden sa kanya. Si Ysabel ay nakayuko lang. "Paano tayong uuwi niyan?" si Jaden kay Ysabel. "M-mag jeep nalang tayo..." answered Ysabel. "Are you really that stupid?! Nakita mo nang may pilay si Jaden magjejeep? Ikaw nalang ang mag jeep ipapahatid ko nalang si Jaden sa driver ko," Si Diana kay Ysabel, hindi nito nakita ang pagtalim ng tingin ni Jaden dahil sa pagtawag nito ng stupid kay Ysabel. ''Sumabay nalang kayo sa akin,'' alok ni Bryan na kararating lang kasama si Austin, Nathan at Adam mukhang kakatapos lang ng praktis game at naka basketball uniform pa ang mga ito. "How's your feet, dude?" asked Nathan. "We worried too much guys. Nakita niyo naman mukhang okay sa alright si Jaden dito. Nasa mabuting mga kamay kasi ni Diana. May kisspirin at yakapsol pa," pang-aalaska ni Adam "Himas lang pala katapat niyan, dude!” said Austin. "Mga gago! Anong ginagawa niyo dito? How was the game?" "Syempre, panalo!" sagot ni Bryan at tumabi kay Ysabel. "Nako bakit hindi ka muna nagpalit ng damit bago pumunta dito. Basang basa ang likod niyo sa pawis. Baka magkasakit kayo niyan," wika Ysabel at kinuha ang maliit na towel sa kamay ni Bryan at pinahiran nito ang likod ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD