PAGDATING sa Canteen ay agad na pinaupo nila Bryan at Nathan si Ysabel sa bakanteng upuan. Si Sabrina ay dumiretsong bumili ng mga gamit sa first aid. Mabuti nalang at palaging mayroon sa Canteen niyon. Pagkatapos mabayaran ay agad na iniabot kay Nathan. Hindi naman mapigilan ni Ysabel ang pagtulo ng mga luha niya. Paano ay hindi niya alam kung gaano kalaki ang sugat niya sa tuhod. Nang makita niya ang dugo kanina ay biglang gusto niyang himatayin sa takot kaya hindi na niya muli pang tiningnan ang sugat.
Parang pinipiga ang puso ni Jaden sa nakikitang luhaang mga mata ni Ysabel. Gusto niya tuloy mainis sa sarili dahil alam niyang isa siya sa dahilan kung bakit ito pinatid ng grupo nila Kara.
"Ysa medyo mahapdi ito pero konte lang naman," si Nathan iyon at binabasa ng alcohol ang bulak na hawak nito. Nang mapansin na malalagyan na ng dugo ang palda ni Ysa ay inililis nito ng kaunti ang palda ni Ysabel para hindi iyon malagyan ng dugo na patuloy parin umaagos sa tuhod ni Ysabel.
Dahil sa pagkakalilis ng palda ni Ysa ay nasisilip na ang makinis at maputing legs nito.
Kitang kita ni Jaden ang sabay-sabay na paglunok ng mga kaibigan niya sa kagandahang nasa harap ng mga ito. Lalong lalo na si Nathan dahil nasa harap mismo ito ng kagandahang iyon. Sa ibang pagkakataon ay baka nabatukan ni Jaden ang mga kaibigan. Ngunit hindi na kailangan dahil si Sabrina na ang gumawa niyon. At binatukan si Adam na pinakamalapit dito.
Hindi nakatiis si Jaden at lumapit siya kay Nathan at tinapik ito sa balikat. "Ako na kaya diyan!" may inis sa boses na wika nito.
Nagulat ang lahat sa inaakto ni Jaden. Para kasi itong jealous boyfriend kung maka akto.
"Sure!" sabi naman ni Nathan at inaabot ang bulak at alcohol kay Jaden.
Nang siya na ang nasa posisyon ni Nathan kanina. Hindi niya maiwasang mapalunok. Hindi niya masisi ang reaksyon ng mga kaibigan. Talaga naman kasing napakakinis ng bilugan na legs ni Ysabel at kitang kita niya iyon lalo at halos kapantay ng mukha niya ang mga hita nito. Hindi niya tuloy maiwasan na makaramdam ng tensyon. Kaya hindi pa man niya nailalapat ang bulak na may alcohol sa sugat ni Ysabel ay sunod-sunod na niya iyon hinipan.
Nabatukan tuloy siya ni Nathan. "Ilapat mo kaya muna ang bulak na hawak mo bago mo hipan!" nakangising paalala nito.
"f**k!" mura ni Jaden sa sarili. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Nakita lang niya ang kalahati ng legs ni Ysabel ay nataranta na siya.
Dahil naman sa takot na nararamdaman hindi namalayan ni Ysabel na ang kanyang Senyorito na pala ang naglilinis ng sugat niya. Sari-saring emosyon ang nakikita niya sa mukha nito habang hinihipan ang sugat niya. Kitang-kita niya rin ang lalong pagkunot ng noo nito ng batukan ni Nathan.
"Arayyy..." hiyaw ni Ysabel ng maramdaman ang paglapat ng basang bulak sa sugat niya. Bahagya niya ring nabawi ang tuhod niya na hawak ni Jaden.
Lalong natarantan naman si Jaden ng marinig ang aray ni Ysabel. Dahil sa pagkakataranta niya ay hindi niya tuloy nagagawa ng tama ang trabaho niya. Agad niyang sunod-sunod na hinipan iyon habang patuloy na nilalapat ang basang bulak.
Tinulungan na siya ni Nathan paano ay nakikita nito na natatarata siya. Ito ang taga lagay ng alcohol sa malinis na bulak.
Titig na titig naman si Ysabel sa mukha ni Jaden habang patuloy ito sa ginagawang pag-ihip sa tuhod niya. Bagaman at may konting hapdi parin siyang nararamdaman hindi nalang niya ininda. Kitang kita naman niya ang effort na ginagawa ni Jaden. Hindi niya talaga akalain na may gentleness itong ipapakita sa kanya. Sanay na kasi siyang nakabulyaw ito sa kanya o kaya ay nagsusungit.
May naramdaman siyang kakaiba sa ipinapakita nito sa kanya ngayon. Iwan ba niya pero parang ang ginagawa nitong pag-ihip sa tuhod niya ay umaabot sa puso niya. Pinaghihilom rin niyon ang mga tampo niya at hinanakit rito sa maraming pagkakataon na binubulyawan siya nito.
"Ay grabe medyo malapad pala ang gasgas mo sa tuhod, bes!" si Sabrina iyon. Nang malinis kasi ang mga dugo sa tuhod ni Ysabel ay nalantad sa kanila kung gaano kalaki ang pinsala sa tuhod ni Ysabel. Mababaw lang naman ang mga iyon ngunit malapad at nabugbog pa.
Bigla naman natauhan si Ysabel sa pagkakatitig sa mukha ni Jaden na ngayon ay nilalagyan na ng kung anong gamot ang sugat niya. Nanlumo siya ng makita ang sugat. Tiyak na ilang araw siyang mahihirapan sa paglalakad dahil sa sugat.
"Masakit pa ba?" malumanay na tanong ni Jaden nakalimutan na dapat ay masungit siya kay Ysabel.
Nabigla na naman si Ysabel sa concern sa boses ni Jaden.
"H-hindi na masakit! Okay na ako. M-maraming salamat!" tugon ni Ysabel kay Jaden. "Maraming salamat din sa inyong lahat!" Inikot ni Ysabel ang paningin sa mga kaibigan.
"Walang anuman! Kumain kana muna," si Bryan ang sumagot at inilapag ang pagkaing binili para kay Ysabel.
Sobrang touch talaga si Ysabel. Hindi niya akalain na makakatagpo ng mga kaibigan na kasing babait ng mga ito. May naalala tuloy siyang isang kaibigan na ganito rin kabait at concern sa kanya. Namimiss na nga niya ito at mula ng mag graduate sila sa elementary ay hindi na sila nagkita nito. Kumusta na kaya ang best friend niyang ‘yon?