Chapter 3-4

787 Words
NARINIG ni Senyora Beatrice ang pagdating ng sasakyan na siyang laging sundo ng anak. Kaya lumabas siya ng silid para salubungin ang anak. Laking gulat niya ng makita ang itsura ng tuhod ni Ysabel. May nakalagay na benda doon at inaalalayan ni Jaden papasok ng mansion. "Anong ginawa mo kay Ysabel, Jaden? Bakit ganyan may benda sa tuhod?" Harap nito sa anak. Kung makapagsalita ito ay parang si Ysabel ang anak nito at siya ang yaya ni Ysabel. "Ako agad ang may gawa, hindi ba pwedeng iba ang may kasalanan at hindi ako?" naiiling na wika ni Jaden. Minsan kasi parang gusto na niyang magselos sa trato ng Mommy niya kay Ysabel. "Nadapa lang po ako Senyora," sabad naman ni Ysabel. Hindi na nito kailangan malaman na pinatid siya ng isa sa may gusto sa anak nito. Diyos ko naman Ysabel, sa susunod ay mag-iingat ka! Pinatingin niyo ba ito sa clinic ng eskwelahan niyo?" "Don't worry Mommy, bago kami umuwi ay sinamahan ko na si Ysabel sa clinic kanina." Tumango-tango naman si Senyora Beatrice. "Hala sige Ysabel magpahinga kana." "Aasikasuhin ko pa po ang bihisan ni Senyorito Jaden.'' "Hindi na ako bata kaya kung maghanap ng sarili kung bihisan," pagsusungit na naman ni Jaden. Hindi nagtagal ay lumabas naman si Anna mula sa kusina. Nag-alala agad ito ng makita ang tuhod ng anak.  "Diyos ko, Ysa! Anong nangyari sa tuhod mo?" "Ma, nadapa lang po ako," pag-uulit ni Ysa sa sinabi kanina. "Ano ka ba naman na bata ka! Hindi ka nag-iingat!" "Pagpahingahin mo na si Ysa, Anna at baka masakit pa ang tuhod niyan," utos ni Senyora Beatrice. "Salamat po Senyora!" At inalalayan na ni Anna ang anak papunta sa kusina. May daan kasi doon papunta sa kwarto nila sa likod ng mansion. “Magsabi ka nga ng totoo anak. Sino ang may gawa niyan?" agad na tanong ni Anna sa anak pagkasara palamang nito ng pinto ng kwarto. May hinala rin ito na may kinalaman ang batang amo sa nangyari sa anak. Hindi lingid sa kanya na sinusungitan ng batang amo si Ysa. "Ma, nadapa ngalang po ako." "Hindi ako naniniwala sa iyong bata ka. Kilala kita at hindi ka tanga o lampa para madapa at masugatan ng ganyan!"  Walang nagawa si Ysa kundi magsabi ng totoo at i-kweninto niya kung paano siya bumagsak. "Naku makita ko lang iyong malanding babaeng iyon at baka mapatulan ko. Kahit anak pa siya ng kung sinong Donya," galit na galit na litanya ni Anna. "Ma relax, malayo pa ito sa bituka! Pinagsabihan na rin naman iyon ni Senyorito Jaden kanina. Sigurado hindi na iyon uulit pa." "Naku, di niya lang talaga maulit-ulit ang ginawa niya sayo makakatikim talaga siya sa akin." Niyakap nalang ni Ysabel ang Mama niya. Kahit mahirap sila at wala siyang ama. Sobra-sobra naman ito sa pagmamahal na ibinibigay sa kanya. Gumanti naman ng yakap si Anna sa anak. ''Hala sige magpahinga ka muna at tutulong lang ako sa kusina,'' paalam ni Anna sa anak. ''Sige po.'' Nang maiwan mag-isa  sa kwarto si Ysabel ay nagbalik tanaw siya sa nangyari kanina. Sa totoo lang ay wala siyang nararamdaman inis kay Kara sa ginawa nito sa kanya. Parang gusto pa nga niyang pasalamatan ito. Kundi dahil sa ginawa nito sa kanya hindi niya mararamdaman ang concern at pag-aalaga ni Jaden sa kanya kanina. Hindi niya talaga sukat akalain na ito pa mismo ang maglilinis sa sugat niya gayong yaya siya nito at amo naman niya ito.  Sobra rin siyang pinahanga nito ng harapin nito ang grupo ni Kara at galit na galit na pinagsabihan na huwag nang lalapit sa kahit kanino sa kanila at idiniin pa talaga nito ang LALONG LALO NA KAY YSA.  Kinikilig tuloy siya. Lalo na nang maalala niya ang natatarantang itsura nito habang nililinis ang sugat niya. Ramdam na ramdam niya rin ang pagsuyo sa bawat ihip nito sa sugat niya kanina para hindi siya makaramdam ng hapdi.  Kung hindi nga niya napigilan ang sarili niya ay baka nalapirot niya ito sa dalawang pisngi. Na kukyutan talaga siya dito kanina habang hinihipan nito ang sugat niya.  Natampal ni Ysa ang noo nang mapagtanto kung ano na ang pumasok sa isip niya. "Grrrrr, Ysabel! Ano bang iniisip mo diyan? Para kang sira! Huwag mong sabihin na nagkakagusto kana sa amo niyo! Para ka na rin nangangarap na malaglag ang bituin sa lupa! Nagpakita lang ng concern at kabaitan nagkakaganyan kana agad!" Pangaral ni Ysa sa sarili.  Pinilit niyang ipikit ang mga mata, iidlip nalang muna siya at baka sakaling makalimutan niya ang kabaliwang nararamdaman. Hindi naman siya nabigo dahil maya-maya lang ay nakatulog siya ngunit naroon ang ngiti sa mga labi dahil ang imahe ni Jaden ang iniisip niya bago siya nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD