Chapter 3

2328 Words
Chapter 3 GINAWA KO ANG LAHAT para maiwasan lang si kuya Zacreus sa loob ng bahay. Mas lalo pa akong kinakabahan dahil malapit ng umalis sila mama at papa. Sa umaga ay maaga akong umaalis para hindi niya ako maabutan. Sa hapon naman ay tumitingin muna ako sa gate kung nandoon ba siya naka abang sa 'kin. Kapag naman maaga akong lumalabas ay sumasama ako sa dorm ng classmate ko at do'n muna tumatambay. Four days ko na ginagawa 'yun. Pagdating naman sa gabi ay sinisigurado kung naka double lock ang pinto ko. Mahirap na baka masalisahan ako ni kuya Zacreus. Salisi gang pa naman 'yun. Nakahiga ako sa kama habang sinasagutan ang assignment ko. Nahihirapan akong sumagot dito dahil wala akong maintindihan sa discussion ng prof ko. Paano ba naman kasi lutang ang isip ko, pilit ko kasing iniisip ang nangyari samin ni kuya Zac. Napalingon ako sa sliding door ng terrace ko ng may narinig ako na parang may bumabato dito. Agad akong tumayo saka binuksan 'to. Kumunot ang nuo ko ng wala naman akong makita. Nag angat ako ng tingin at pinagmamasdan ang buwan na tanaw na tanaw mula dito sa terrace ko. Kipit-balikat akong bumalik sa loob ng kwarto. Akmang isisirado ko na sana ang sliding door ng biglang sumulpot si kuya Zacreus do'n. Nanlaki ang mata ko ng pilit niyang binuksan ang sliding door saka pumasok 'to sa loob. "K-Kuya.. uhmm..." Mabilis niyang sinakop ng halik ang mga labi ko kaya naputol ang sasabihin ko. Hinawakan pa niya ang beywang ko saka ako hinila palapit sakanya. Hindi ko ibinuka ang labi ko. Kinagat ko pa 'to para hindi niya maipasok ang dila sa loob ng aking bibig. "Ahh!!" Napa-ungol ako ng marahas na pinisil ni kuya Zacreus ang isa kong dibdib. Mabilis niyang ipinasok ang dila niya sa loob ng bibig ko at para itong may hinahanap sa loob. Hindi ko magawang sabayan ang halik na binibigay niya sa 'kin. Pinilit kung itulak ng malakas si kuya Zac kaya napatigil siya sa paghalik sa 'kin. Masama 'tong nakatingin sa 'kin saka 'to lumapit ulit at niyakap ako. "Damn, baby girl. Hindi na ako natutuwa sa pag- iwas mo sa 'kin." Sabi niya habang magkasalubong ang kilay niya. "Saan ka pumupunta kapag matagal kang nakaka-uwi galing sa school ha?" Tanong niya sa 'kin Hindi naman ako sumagot agad. Mabilis niyang hinawakan ang isa kong dibdib saka niya pinisil 'yun. "Answer me!" Inis niyang sabi sa 'kin. "Sa classmate ko. May ginagawa lang kaming group project." Sagot ko habang hindi makatingin sa mata niya. "Group project ha!" He smirked. Kumalas naman ako sa pagkakayakap niya sabay talikod sakanya at tinungo ang kama ko. Agad kung pinulot ang ballpen saka padapang humiga sa kama. Bahala si kuya Zacreus sa buhay niya. Naramdaman ko naman ang paglubog ng bahagi ng kama ko dahil sa pag-upo ni kuya Zacreus habang nakatingin sa assignment ko. Kinuha niya pa ang ballpen sa kamay ko saka 'to padapang humiga sa kama ko at sinagutan ang assignment ko. Nakatitig lang ako kay kuya Zac habang seryosong sinasagutan ang assignment ko. "Bakit hindi mo sinabing nahihirapan ka sa assignment mo." Sabi niya habang ang mga mata niya ay naka tuon sa yellow pad. "Bobo po ako sa math kuya Zac." Nahihiya kong sabi sakanya. Mahina naman siyang tumawa saka napa-iling pa. "Tawagin mo lang ako baby girl. Handa kung sagutan ang assignment mo kahit mahirap pa 'yan." Naka ngiti niyang sabi sa 'kin. Tumingin naman ako sa yellow pad na sobrang haba ng solution. Ang talino pala ni kuya Zacreus. "Here." Sabi niya sabay abot sa 'kin ng yellow pad. Manghang-mangha naman akong nakatingin sa sagot ni kuya Zac. "Pano kung pasagutin ako ng prof ko sa blackboard kuya Zacreus?" Naka nguso kong tanong sakanya. Mahina naman siyan tumawa saka kinuha sa 'kin ang papel at inilapag niya sa gilid ng kama ko. Tumihaya siyang humiga saka niya ako binuhat ng walang kahirap-hirap saka ipinatong sa katawan niya. Halos dumikit ang dalawa kong dibdib sa dibdib niya. Naka suot lang kasi ako ng spaghetti strap sando kaya bakat na bakat ang dalawa kong dibdib. Inilayo ko ang mukha ko sa mukha niya saka tinampal ang matipunong dibdib ni Kuya Zac. Naka nguso pa siyang nakatingin sa 'kin. "Lumabas ka na kuya Zac. Baka kumatok si mama Isabel at makita niyang nandito ka sa kwarto ko." Seryoso kong sabi sakanya. Nakatitig lang siya sa 'kin sabay haplos ng pisngi ko. "Maniningil ako sa'yo sa susunod na araw." Sabi niya saka niya dinampian ng halik ang labi ko. Naka kunot naman ang nuo ko sa sinabi niya. Wala naman akong utang sakanya ahh!! Pinakawalan niya ako sa pagkakakayakap kaya agad akong tumayo. Tumayo nadin siya saka tinungo ang sliding door ko. Tumingin siya ulit sakin. "Good night, baby." Sabi niya sabay labas ng kwarto ko. Sumenyas pa siya na ilock ko ang sliding door. Napangiti nalang ako habang nakatingin sa likod ni kuya Zacreus na naglalakad patungo sa haligi ng terrace ko, mukang inakyat niya ako dahil alam niyang ni lock ko ang pinto ko. Pinatay ko nalang ang ilaw saka humiga sa kama ko. Kailangan kung matulog ng maaga dahil alas syiete ang pasok ko bukas. Kinabukasan, maaga ako gumising. 6AM palang ay nakabihis na ako. Agad akong nagmamadaling lumabas ng kwarto ko. Balak ko sa school nalang ako mag-aalmusal para hindi ako malate. Sinasadya ko din naman maagang umalis para hindi ko makita si kuya Zacreus. Agad akong lumabas ng bahay at dahan-dahan ko pang isinara ang gate saka ako naglakad. Kinuha ko ang phone ko para makapag book ako ng masasakyan ko. Mabilis naman may kumuha ng booking ko. Agad akong naglakad papunt sa gate ng village na 'to para do'n hintayin ang kotse. Pagkalabas ko ay nakita ko agad ang bmw na naka park. Tinignan ko pa ang phone ko kung 'to ba 'yung kotse na binook ko. Napangiti ako ng makita ko na pareho ng plate number ang kotse na naka park sa harap ng gate at ang nasa phone ko. Agad akong lumapit sa kotse saka ko tinungo ang passenger seat. Kumatok pa ako sa bintana para maka usap muna ang driver. Bumaba naman ang bintana ng passenger seat. Unti-unting bumungad sa 'kin ang lalaking iniiwasan ko kaya nanlaki ang mga mata ko. Naka suot pa siya ng sunglass, naka suot 'to ng white tshirt at ragged jeans. Mahina pa siyang tumawa habang nakatingin sa mukha ko. Grab driver naba ngayon si kuya Zacreus? "Get in, baby girl. Wag mong hintayin na buhatin kita papasok ng kotse." Naka ngisi niyang sabi sa 'kin. Naka simangot akong binuksan ang pintuan ng passenger seat. Akala ko pa naman ay natakasan ko na siya. Naka abang pala sa 'kin. Ikinabit ko ang seatbelt ko saka tumingin kay kuya Zac. "Anong ginagawa mo kuya? Bakit ikaw naka kuha ng booking ko ha?" Lakas loob kong tanong sakanya. Binuhay naman niya ang makina ng sasakyan saka niya 'to pina-usad tumawa lang siya habang ang mga mata niya ay nakatuon sa daan. Naka simangot akong sumandal sa likod ng upuan at tumingin nalang sa labas ng bintana. "Kumakain ka ba bago umalis ng bahay?" Tanong niya sa 'kin. Umiling lang ako kay kuya Zac habang naka nguso. Narinig ko pa ang pag buntong hininga niya saka may inabot sa gilid niya na paper bag. "Eat this, habang nasa byahe pa tayo." Sabi niya sa 'kin sabay abot ng paper bag. Agad ko naman itong tinanggap at tinignan ang laman nito. Natatakam naman akong kinuha ang dalawang burger saka fries. Agad ko 'tong kinain, inabotan din ako ni kuya Zac ng bottled water. Saktong naubos ko ang pagkain nang makarating kami sa harap ng university kung saan ako nag-aaral. "Thank you sa paghatid sa 'kin, kuya Zac." Pasasalamat ko sabay bukas ng pintuan ng passenger seat. Agad namang akong pinigilan ni kuya Zacreus saka mabilis na isinara ang pinto. "Asan ang bayad mo sa paghatid ko sa'yo?" Tanong niya habang nakataas pa ang kilay niya. Naka ngiwi akong tumingin kay kuya Zacreus. Akala ko pa naman libre ang paghatid niya sa 'kin. Akmang kukunin ko na sana ang wallet ko sa bag ng pigilan ako ni kuya Zac. "I don't accept money for your payment, baby girl." Seryoso niyang sabi sa 'kin. Sasagot na sana ako ng mabilis niyang hinalikan ang labi ko. Napa pikit nalang ako ng maipasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko. Mahina niya pang minamasahe ang isa kong dibdib kahit may nakaharang na damit 'to. Tumigil siya sa paghalik sa 'kin saka niya pinagdikit ang mga nuo namin. "Go, to your class, now. I will pick you up later, baby." Sabi niya habang magka dikit ang nuo namin. Pinatakan niya pa ng halik ang labi ko saka niya inilayo ang mukha niya sa 'kin. Agad naman akong lumabas ng kotse. Tumingin muna ako sa kotse ni kuya Zacreus bago ako tumalikod. Feeling ko ay parang kumapal ang mukha ko kaya mabilis ko namang kinurot ang pisngi ko para tumigil ako sa pag-iisip kay kuya Zac. Nagsimula na ang klase namin, math subject namin ngayon kaya nasa likod ako nakaupo. Ang hina ko pa naman talaga sa math. Nag check lang din kami sa assignment namin at voila, ako lang ang naka perfect score. Napatingin pa sa 'kin si Zharlyn, ang matalino na classmate ko, hindi siguro siya makapaniwala na ako lang ang naka perfect score. Kahit ako man ay hindi din makapaniwala siya pa kaya. Pano nalang kung tawagin ako ni prof tapos pasagutin sa blackboard, eh di nga-nga ako. Kinalabit pa ako ni Aeris kaya agad akong napalingon sakanya. Ngumiti siya sa 'kin at nag thumbs up. Hayst, kung alam niya lang na hindi naman ako ang sumagot sa assignment ko. Nang matapos ang subject namin ay agad kaming lumabas ni Aeris, siya kasi ang close friend ko dito sa school. "Ano kaya magandang meryenda." Sabi niya sabay himas sa tyan niya. Maging ako ay hindi ko din alam ang gusto kong kainin. Agad naming tinungo ang canteen saka pumili ng makakain. Nang maka order kami ni Aeris ay agad kaming nag hanap ng pag pwe-pwestohan. Lumapit kami sa bakanteng table saka inilapag ang pagkain namin. "Ang galing mo kanina, girl ahh!" papuri sa 'kin ni Aeris. "Tsamba lang 'yun." Sagot ko sabay inum ng juice. Nagsimula naman kaming kumain dahil may next subject pa kami. "Nakita mo ba mukha ni Zharlyn kanina? Hindi makapaniwalang mas malaki ang score mo sakanya." Tumatawang sabi ni Aeris "Shhh.. mamaya may makarinig sa'yo. Ang dami pa namang alipores no'n." Saway ko kay Aeris. Totoo naman kasi ang dami niyang alipores, spoiled brat din kasi 'to. Matalino, talented, maganda, at sexy 'yun nga lang bully. Kaya ayaw ko talaga naglalapit sa babaeng 'yun. Gusto ko ng tahimik na school life. Napatigil ako sa pag subo ng sandwich ko ng mag vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa. Agad ko kinuha 'yun saka tinignan kung sinong nag text. Nakita ko naman ang pangalan ni kuya Zacreus sa screen ng phone ko. Sorry, baby girl. Hindi kita masusundo mamaya. May mahalaga akong gagawin. See you later sa bahay. Basa ko sa text niya, paasa talaga. Hindi ako nagreply kay kuya Zac. Pinagpatuloy ko lang ang pag kagat ko sa sandwich ko. Nang matapos kami ni Aeris ay agad naming tinungo ang next subject namin. Buti nalang talaga ay last na ang subject na 'to. Hanggang 5pm lang ang klase ko kapag tuesday kaya maaga ako makakauwi mamaya. Bored akong nakikinig sa discussion ng teacher namin, maging ang mga classmate ko ay parang inaantok. Napaka hina kasi ng boses ni teacher, para akong hinehele kaya ang sarap matulog tuloy. Hanggang sa dumating na ang uwian namin. Agad naman nag paalam sa 'kin si Aeris na pupunta muna siya ng library dahil mag re-research daw siya para sa report niya next week. Buti nalang tapos na ako sa individual reporting. Napadaan naman ako sa basketball gym at nakita ko si Clint na naglalaro. Hanggang text lang kami dalawa ngayon ni Clint dahil panay ang practice nila sa darating na laban nila sa ibang school. Malapit narin pala ang birthday ko, naloka nga ako kay mama Isabel na masyadong maaga ginawa ang invitation birthday ko. Ayaw ko sanang mag party dahil hindi naman ako sanay sa ganun, ngunit simula ng kinupkop nila ako, tuwing birthday ko ay party ang ginagawa nila. Hindi nalang ako komontra dahil ayaw kong malungkot si mama Isabel. Nag e-enjoy kasi siyang mamili ng mga isusuot kong damit kapag birthday party ko. Malapit narin pala aalis sila mama Isabel, dapat nga kahapon ang alis nila ngunit may inasekaso si daddy kaya ni resched nila ang pag-alis nila. Si kuya Reagan naman ay umalis na kahapon papuntang Japan. Naglakad ako palabas ng school at agad pumara ng taxi. Sumakay agad ako saka sinabi ang address ng bahay namin. Mabilis naman akong nakarating dahil hindi naman masyadong traffic sa dinaanan namin ni manong. Inabot ko lang ang bayad ko kay manong saka ako nagpasalamat. Bumaba ako ng taxi saka tinungo ang gate ng bahay namin. Pumasok ako sa loob ng bahay at naka salubong ko pa si mama Isabel na may dalang basket na may lamang prutas. "Hi, Herrah, buti naman nandito ka na." Naka ngiting bati sa 'kin ni mama Isabel. Ngumiti naman ako sabay lapit kay mama at humalik sa pisngi niya. Napa-angat ako ng tingin sa hagdan ng may narinig akong tawa ng babae. Tumingin din si mama Isabel doon. Nawala ang ngiti ko sa labi ng makita ko ang babae saka si kuya Zacreus. "Nandito ang girlfriend ng kuya Zacreus mo." Sabi sa 'kin ni mama Isabel. Agad naman akong napalingon kay mama bago ko ibinalik ang tingin sa dalawa na parang hindi yata kami napansin na nasa sala. Bakit pakiramdam ko ay nawalan ako ng gana. Hindi ko maintindihan ngunit parang may nakabara sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD