Chapter 4
WALANG GANA AKONG bumangon sa kama ko, kagabi pa ako badtrip sa nakita ko. Mas lalo lang ako na inis ng malaman ko na dito matutulog ang girlfriend ni kuya Zacreus. Napaka sinungaling niyang tao. Nakaka inis siya!
May pahalik-halik pa siyang ginagawa sa 'kin tapos malalaman kung may girlfriend pala siya. Teka! Bakit ba ako nagagalit? Eh para ko lang naman pala siyang kuya. Pero nakaka-inis lang, pinaglalaruan lang talaga niya ako. Ayaw parin ba niya akong tigilan. Kaya ba niya ginagawa 'to para umalis ako sa bahay nila.
Ang tanga ko! Bakit hindi ko man lang naisip 'yun. Hindi ko na nga magawang lunukin ang kinain ko kagabi habang kasabay naming kumain ang babaeng girlfriend ni kuya Zacreus. Tahimik lang ako kumakain kagabi na mabilis kung tinapos ang pagkain.
Huminga ako ng malalim sabay sampal sa dalawa kong pisngi habang nakatingin sa salamin. "Gumising ka na nga, Herrah." Bulong ko sabay sampal ulit sa pisngi ko.
Kinuha ko lang ang liptint ko saka nilagyan ang labi ko, maging ang magkabilaang pisngi ko ay nilagyan ko narin. Inayos ko na din ang kilay ko. Kinuha ko din ang eye liner saka nilagyan ang mata ko. Nang makita ko ang ayos ko ay agad kung kinuha ang pabango ko saka nag spray sa katawan ko.
Kinuha ko agad ang shoulder bag saka lumabas ng kwarto. Kinuha ko ang phone na nasa bulsa ng palda ko nang mag vibrate 'to. Nag message pala sa 'kin si Clint kaya nagtipa ako ng message habang bumababa ng hagdan.
"Hija, baka naman malaglag ka sa hagdan habang nag te-text ka."
Agad akong napatigil sa pagtipa ng marinig ko ang boses ni mama Isabel. Napalunok ako ng ilang beses nang makita si kuya Zacreus na nakaupo sa pang-isahang sofa. Madilim ang mukha niya habang nakatingin sa suot kong palda.
Tumayo siya sa pagkakaupo sa couch saka 'to naglakad palapit ng hagdan. Hindi naman ako kumilos habang hawak parin ang phone ko.
"Why are you wearing that skirt again?" Matalim ang boses niya na halatang hindi niya na gustuhan ang suot ko.
Tumingin naman ako sa suot kong palda. Sinuot ko kasi ang maikli kung palda. Pasno ba naman kasi.. pinatahian ako ni kuya Zac ng bagong skirt, ang mas malala pa ay below the knee ko. Ano kaya 'yun.
Tumuloy ako sa paghakbang ng hagdan habang hindi sinasagot ang tanong ni kuya Zac. Paki ba niya sa suot kong skirt. Doon siya maki-alam sa girlfriend niyang kulang nalang ay lumuwa ang dibdib.
Nakatingin pa ang girlfriend ni kuya Zacreus sa 'kin na parang may mali sa 'kin.
"Ano ka ba naman, Zacreus! Ganyan talaga ang uniform nila Herrah." Saway ni mama Isabel kay kuya Zac.
Hindi parin niya inaalis ang tingin niya sa 'kin. May awra itong nakakatakot ngunit hindi ko nalang pinansin. Nag reply muna ako kay Clint bago lumapit kay mama Isabel saka humalik muna sa pisngi niya. "Pasok na po ako sa school, mama." Naka ngiti kong sabi.
"Ihahatid na kita sa school mo." Biglang sulpot ni kuya Zacreus sa likod ko.
Lumingon ako sakanya bago kay mama Isabel. "Wag na po KUYA Zac." Pinagdiinan ko pa talaga ang tawag ko sakanya ng kuya. Naka kunot naman ang nuo niya habang nakatingin sa 'kin. Tumikhim muna ako bago tumingin ulit kay mama Isabel. "Susunduin po kasi ako ni Clint ngayon, kaya wag mo na akong ihatid kuya Zac." Dagdag ko sabi.
Agad akong naglakad at tinungo ang main door ng bahay. Dali-dali akong lumabas do'n saka tinungo ang gate. Nakita ko agad ang sasakyan ni Clint kaya naka ngiti akong lumapit sakanya.
"Good morning!" Bati niya sa 'kin sabay abot ng isang tangkay ng rose. Agad ko naman itong tinanggap. Hinalikan ko siya sa pisngi na ikinabigla niya. Namula pa ang pisngi nito habang nagkakamot sa likod ng ulo niya. "Halika na, punta na tayo sa school." Sabi niya kaya tumango ako kay Clint.
Nakangiti akong tumingin sa bahay namin na sana ay hindi ko nalang ginawa. Unti-unti nawala ang ngiti ko ng makita ko si kuya Zacreus na nakatayo sa gate habang masamang nakatingin samin. Nakakatakot ang tingin niya na parang papatay ng tao.
Napalunok ako ng ilang beses saka hinila si Clint papunta sa kotse niya. Baka may gawin pang masama si kuya Zacreus sakanya. Pumasok ako sa passenger seat habang nakatingin parin kay kuya Zac. Madilim nag mukha niya habang naka kuyom ang kamao niya.
Agad namang pina-andar ni Clint ang kotse kaya nakahinga ako ng maayos. "Sino 'yun? Ang sama niya makatingin sa 'kin." Tanong ni Clint habang nakatingin ang mata niya sa daan.
"Ahm.. my brother." Yun lang ang naisagot ko. Alam naman ni Clint na inampon lang ako ng pamilyang Salazar maging si Aerin ay alam din nito ang buhay ko.
Hindi tuloy ako mapakali ng mapansin ko sa rear view mirror ang pamilyar na kotse. Napahilot ako sa sentido ko nang makitang sinusundan kami ni Clint ni kuya Zacreus. Ano bang trip niya sa buhay.
Agad naman kami nakarating sa university. Ipinasok pa ni Clint ang sasakyan sa loob dahil do'n nakalagay ang parking. Agad ako bumaba sa kotse ni Clint saka tumingin sa gate. Natanaw ko pa ang kotse ni kuya Zac sa harap ng gate.
"Halika na, hatid na kita sa first subject mo." Aya sa 'kin ni Clint saka hinawakan ang kamay ko. Pinagsiklop pa niya ang kamay namin saka niya ako hinila.
Lumingon ulit ako sa gate at nakita si kuya Zac na nakatayo sa labas ng sasakyan niya habang madilim ang mukha niya nakatingin sa 'kin. Nag-iwas nalang ako ng tingin saka mabilis na naglakad.
"Mamaya kain tayo sa labas. Babawi ako sa mga nakaraang araw na naging busy ako." Biglang sabi ni Clint sa 'kin.
Napangiti naman ako kay Clint. "Wala ka bang practice mamaya?" Tanong ko.
Umiling siya saka nagsalita. "Wala muna. Pinag pahinga kami ni coach ng two days." Sabi niya sa 'kin.
"Manuod ka ng laro ko ha!" Sabi pa niya kaya tumango ako.
Hanggang sa nakarating kami sa harap ng room ko. "Sige, pasok na ako." Sabi ko kay Clint.
"Sige. Hintayin kita sa canteen mamaya. May pupuntahan tayo." Sabi niya habang nakangiti.
Tumango nalang ako saka pumasok ng room. Nakita ko agad ang kaibigan kong si Aerin kaya lumapit ako sa pwesto niya saka umupo sa bakanteng upuan na katabi niya.
PUMASOK AKO NG BAHAY na mainit ang ulo. Nagpupuyos ang galit ko sa nakita ko kanina. Putangina! Makakapatay talaga ako sa sobrang galit ko.
Agad akong pumasok sa kwarto ko at lumapit sa mini bar saka kumuha ng alak. Agad kong inum 'yun na hindi gumagamit ng baso. Tinungga ko ang bote habang iniisip ang paghalik ni Herrah sa lalaking 'yun.
"Zacreus.." Tawag niya sa pangalan ko sa malanding boses.
Hindi ko pinansin si Mica ng pumasok 'to sa kwarto ko. Isa pa itong babaeng 'to. Nagulat nalang ako sa tawag ni mommy na may nag pakilala sakanya na girlfriend ko daw. Pinapasok pa 'to ng mommy ko sa bahay kaya wala akong nagawa.
Naramdaman ko ang pagyakap ni Mica mula sa likod ko sabay haplos ng p*********i ko. "Ayaw mo ba akong galawin, Zac? I miss this." Malambing niyang sabi sabay haplos sa p*********i ko.
Mabilis ko hinawakan ang kamay niya saka 'to inipit. Humarap ako sakanya saka ko ito sinakal sa leeg.
"A-ano ba.. Zac.. b-bitawan mo ko." Nahihirapan niyang sabi.
"I told you to leave our house b***h. Ngunit, talagang makati ka at gusto mo talagang magpatira sa 'kin." Nang-gigil kong sabi.
"I will kill you right now." Galit kong sabi at mas lalo ko siyang sinakal sa leeg. Namumutla na 'to at nahihirapan ng huminga. Napangisi ako ng makita kong nanghihina na siya.
Agad ko siyang tinulak sa sahig kaya napaubo 'to at habol ang hininga niya habang hawak ang kanyang leeg.
"Get out now!" I shouted her.
Mabilis naman itong tumayo saka nagmamadaling tinungo ang pinto ng kwarto ko. Kinuha ko ang bote ng alak saka ko 'yun ibinato sa pader ng kwarto ko. Hindi pa ako nakuntento sa ginawa ko kaya pumulot ulit ako ng mamahaling alak saka ibinato.
"Oh my God, Zacreus." Gulat na gulat na sambit ng aking ina.
My face was dark as I looked at my mother. "When are you leaving, Mom? I thought you and dad were going on vacation in another country?"
My mother entered my room. "We're leaving tomorrow, son. You're daddy is just finishing up something at his company, so—
"Let me take care about that. Ngayon na kayo umalis papunta sa ibang bansa." Seryoso kong sabi.
Naguguluhan namang nakatingin sa 'kin ang aking ina. "Ang sweet naman ng panganay ko." Sabi niya saka ngumiti sa 'kin. "Alright, I'll call your daddy to tell him that you're going to take care of his company." Sabi niya sabay labas ng kwarto ko.
Napangisi ako nang may pumasok sa isipan ko. Masosolo din kita, Herrah.
NANDITO KAMI NI Clint sa isang restaurant. Agad niya akong dinala dito nang matapos ang klase namin. Balak ko sanang mamaya na ako uuwi. Ayaw ko munang makita si kuya Zac at ang girlfriend niya.
Naaalala ko pa ang mukha ni kuya Zacreus kanina. Nakakatakot itong nakatingin samin ni Clint. Hindi ko tuloy alam kung uuwi ba ako o hindi.
Hindi na nga ako nakikinig sa mga kwento ni Clint. Walang pumapasok sa isipan ko kundi ang galit na mukha ni kuya Zacreus. Bakit naman kasi siya magagalit?
Dumating ang 8PM kaya hinatid ako ni Clint sa bahay. Nag pasalamat lang ako sakanya saka lumabas ng kotse niya. Kinakabahan talaga akong umuwi ng bahay.
Pag pasok ko ng gate ay nagtataka ako kung bakit hindi naka lock 'yun, wala din si mang Lando kaya mas lalo akong nagtaka. Sa susunod na araw pa kasi ang bakasyon no'n.
Pumasok agad ako sa bahay. Sobrang tahimik ng bahay pati yata paghinga ko ay maririnig ko sa sobrang tahimik. Bakit kaya ang tahimik? Nasaan ang mga tao?
"Mama Isabel.." tawag ko. Nag echo lang ang boses ko sa loob ng bahay. Wala din ang mga katulong.
"Where have you been?"
Agad akong nag-angat ng tingin sa itaas ng hagdan ng marinig ko ang malalim na boses ni kuya Zacreus.
Kitang-kita ko pa ang madilim niyang mukha habang nakatingin sa 'kin. Agad akong nag-iwas ng tingin saka yumuko. Narinig ko ang mga yapak niya na bumaba siya ng hagdan.
"Ahm.. asan po sila mama Isabel, kuya Zac?" Pag-iiba ko sa usapan habang hindi nakatingin sakanya.
Naamoy ko ang panglalaki niyang pabango takda na malapit na siya sa 'kin. Agad akong umatras dahil sobrang lapit niya talaga.
"S-Sige, kuya.. akyat na po muna ako sa kwarto ko." Sabi ko sabay alis sa harap niya. Dali-dali naman akong umakyat sa hagdan na hindi nililingon si kuya Zacreus.
Agad kong nilock ang pinto ng kwarto ko ng makapasok ako sa loob. Biglang nag vibrate ang cellphone na nasa bulsa ko kaya kinuha ko 'to. Agad ko itong sinagot ng makita ko sa screen ng phone ko ang pangalan ni mama Isabel.
"Hello, mama. Nasaan po kayo?" Bungad kong tanong.
"Hi, anak. Nasa airport na kami. Ngayon ang alis namin kaya kayo na muna ni kuya Zacreus mo ang bahala sa bahay." Sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Oh my God!
Napatakip ako sa aking bibig ng marinig ko 'yun.
"By the way, Herrah anak, pinagbakasyon ng kuya Zacreus mo ang mga maid natin at si mang Lando," dagdag na sabi ni mama.
"Po?" hindi makapaniwalang sabi ko.
Napasabunot nalang ako sa buhok ko ng malaman ko 'yun. Bakit naman kasi ganito? Sabay-sabay pa silang umalis. Punyemas naman oh! Kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari lalo na kami lang dalawa ni kuya Zacreus sa bahay.