Chapter 11
PUMASOK AKO SA KWARTO ni Zacreus dahil bigla 'tong nag text sa 'kin na inaapoy daw siya ng lagnat. Galing ako sa school ng mabasa ko ang text niya kaya nang matapos ang last subject ko ay agad akong umuwi.
Bago ako umakyat sa kwarto ni Zacreus, nagluto muna ako sa kusina ng lugaw para makainom siya ng gamot.
Dahan-dahan akong naglalakad habang dala-dala ang niluto kong lugaw. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay maingat kong idinikit ang tray sa katawan ko para mapihit ko ang door knob.
Agad akong pumasok sa loob at nakitang natutulog si Zacreus sa kama. Narinig niya yata ang pagsara ng pinto ng sipain ko 'yun ng mahina para sumara.
"Baby.." namamaos niyang tawag sa 'kin sabay upo sa kama. Halata talagang may sakit 'to dahil matamlay ang mata niya.
Inilapag ko muna ang dala kong tray sa bedside table saka ako umupo sa kama. Agad namang pumulupot ang mga braso ni Zacreus sa beywang ko sabay hila papalit sa katawan niya.
Yumakap siya sa 'kin habang ang mukha niya ay naka subsob sa leeg ko. Inangat ko naman ang isa kong kamay at pilit na hinahawakan ang nuo niya.
"Bakit bigla kang nilagnat? Kanina, n'ong hinatid mo ko sa school hindi kapa naman nilalagnat." Sabi ko sabay haplos sa buhok niya.
"Naulanan ako kanina, baby." Mahinang sabi niya pero dinig na dinig ko parin. "Bakit ka naman mauulanan.. eh nasa kotse ka lang naman." Kunot nuo kong tanong sakanya.
Inilayo niya ang mukha niya sa leeg ko bago sumagot. "Binili ko 'yung gusto mong prutas, baby. Nadaanan ko kasi kanina si manong na may binibintang avocado kaya bumaba ako kahit umuulan." Sabi niya sa 'kin. Naawa tuloy ako bigla. Sabi ko kasi last week na gusto ko ng avoacado kaso laging nauubusan kapag bibili kami ni Zacreus.
"Dapat hindi kana bumili, ayan tuloy.. nilagnat ka." Sabi ko sabay haplos ng pisngi niya.
"Gusto mo 'yun eh, kaya dapat bilhin ko. Mamaya naglilihi kana pala sa baby natin." Naka ngisi niyang sabi kaya agad ko siyang binatokan.
"Baka nakakalimutan mong binilhan mo ko ng napkin last week." Sabi ko sakanya. Naubusan kasi ako ng sanitary pads kaya agad na bumili si Zacreus sa malapit na tindahan. Dalawa pa talaga binili niya dahil hindi niya alam kung ano daw ang wings at yung walang wings.
"Ihanda mo na sarili mo baby, next month.. hindi kana gagamit ng napkin sa loob ng nine months." Naka ngiti niyang sabi.
"Magtigil ka nga, Zacreus!" Sabi ko sabay kuha ng tray para pakainin siya.
"What is that?" Maarte niyang tanong.
"Lugaw," naka ngisi kong sabi sakanya dahil alam kong ayaw niya sa lugaw dahil parang pagkain daw ng baboy.
"Yuck!" Nandidiri niyang sabi at agad na tumalikod sa 'kin.
"Isa Zacreus! Pinagluto kita tapos sasabihin mo lang na yuck!!" Inis kong sabi kaya agad siyang humarap sa 'kin.
"Sorry, baby. Pero, ayaw ko talaga sa lugaw." Naka ngiwi niyang sabi.
Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Nag isip ako kung anong pwedeng gawin para kumain siya. Kailangan ko kasi siyang mapakain para maka inom siya ng gamot dahil nakaka paso ang init niya.
Hanggang sa may pumasok na idea sa isip ko kaya agad akong napangiti.
Kunwari akong nakasimangot habang hinahalukay ang lugaw gamit ang kutsara. "Sayang naman.. susubuan sana kita gamit ang bibig ko eh, pero dahil ayaw mo sa lugaw.. hindi ko nalang gagawin." Sabi ko at agad na tumayo sa kama. Ngunit napa upo din ako agad ng hawakan ni Zacreus ang braso ko sabay agaw sa 'kin ng tray.
"Sinong may sabing ayaw ko ng lugaw? Paborito ko nga yan eh," sabi niya kaya agad akong natawa sabay irap sakanya.
"Subuan mo ko, baby. Please.." Malambing niyang sabi.
Kinuha ko ang kutsara at agad na kumuha ng lugaw at agad kong sinubo 'yun sa bibig ko. Inilapit ko ang bibig ko kay Zacreus na naka abang din.
Ipinasok ko sa bibig niya ang lugaw na agad tinanggap ni Zacreus at agad niyang nilunok 'to. Ilalayo ko na sana ang labi ko ng mabilis hawakan ni Zacreus ang batok ko at pinailaliman ang halik na pinagsaluhan namin.
Pinutol niya ang halik na pinagsaluhan namin na may ngiti sa labi. "Ang sarap pala ng lugaw. Lalo na pag galing sa bibig mo. Gusto ko pa!!" Naka ngiti niyang sabi kaya agad akong sumubo ulit sabay lapit ng bibig ko sa bibig ni Zacreus hanggang sa naubos ang lugaw.
"Damn it! This is the first time I eat lugaw in my entire life." Hindi makapaniwalang sabi ni Zacreus na nakatingin sa wala ng lamang mangkok na pinaglagyan ko ng lugaw.
"Malandi ka kasi kaya madali kitang nauto." Natatawa kong sabi.
Masama naman niya akong tinignan sabay yakap sa 'kin. "Sayo lang naman ako lalandi. Kaya dapat ako lang din ang lalandiin mo baby." Naka nguso niyang sabi.
"Oo na!" Sabi ko sabay kurot ng nguso niya. "Kailangan mo ng uminom ng gamot." Sabi ko sabay kuha ng plastic na pinatong ko sa bed side table.
Hindi naman siya tumutol at agad na kinuha ang gamot na hawak ko. Binuksan niya 'to kaya agad kong inabot sakanya ang isang basong tubig.
Sinapo ko ang nuo niya para pakiramdaman kung mainit pa ba siya. "Magpahinga ka lang dito. Lalabas na muna ako para ibaba ang pinagkainan mo." Sabi ko at agad na tumayo.
"Dito ka lang sa tabi ko." Pigil niya sa 'kin sabay hawak sa kamay ko.
"Babalik naman ako. Tsaka, hindi pa ako nakaka bihis oh," saad ko dahil naka school uniform parin ako.
"Dito ka nalang maligo, baby. Gamitin mo nalang damit ko. Wag ka nalang mag suot ng panty para mabilis kung mahawakan ang—
Hindi niya na tapos ang sasabihin niya ng mabilis ko siyang binatukan. May sakit na nga lahat-lahat, ka bastosan parin ang nasa isip.
"Hahawak lang naman ako baby eh," hirit pa niya.
Hindi ko nalang siya pinansin at agad na binuhat ang tray at mabilis naglakad papunta sa pinto.
"Baby.. dito ka lang kasi," namamaos niyang sabi sa 'kin. Hindi pa siya nakuntento kaya tumayo siya sa kama sabay agaw sa 'kin ng tray at pinagsiklop ang kamay naming dalawa.
"Nilalamig ako baby. Kailangan ko ng body heat mo." Sabi niya sabay yakap sa 'kin.
"Tatabihan nga kita mamaya. Maliligo lang ako saglit." Sabi ko sabay tanggal ng braso niya sa beywang ko.
"Fine." Tampo niyang sabi at agad naglakad pabalik sa kama.
Napa-iling nalang ako habang nakatingin kay Zacreus na humiga sa kama habang nakatalikod sa gawi ko.
Napabuga ako ng hangin habang nakatingin kay Zacreus, malamang nagtatampo na naman siya sa 'kin.
Naglakad ako papunta sa closet niya at naghanap ng tshirt at boxer short. Nang makahanap ako ay agad akong pumasok sa banyo niya.
Hinubad ko ang uniform ko at agad na pumailalim sa shower. Ginamit ko ang sabon ni Zacreus at sinabon sa katawan ko. Nasa kaligtnaan ako ng pagsasabon ko ng marinig kong bumukas ang pintuan ng banyo.
Napalingon ako ngunit saglit lang 'yun dahil sa sabon na nasa mukha ko. Mabilis kong binanlawan ang mukha at katawan dahil nababalot 'to ng sabon saka ako lumingon ulit sa pinto.
Nakatayo si Zacreus do'n habang nakatingin sa 'kin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagnanasa habang nakatitig sa katawan ko.
"Maliligo narin pala ako, baby." Inosente niyang sabi sabay hawak sa laylayan ng tshirt niya ng magsalita ako. "Tapos na ako maligo kaya tumigil kana sa kapilyuhan mo." Sabi ko sabay kuha ng twalya at agad pinalibot sa katawan ko.
"Ang daya!" Mahinang bulong niya pero naririnig ko naman.
"Labas!" Sabi ko sakanya.
"Ayaw ko!" Matigas niyang sabi.
Hindi nalang ako sumagot dahil hindi naman ako mananalo sakanya. Kinuha ko nalang ang hinanda kong tshirt at boxer short at agad na lumabas ng banyo.
"Baby.." tawag niya habang nakasunod sa likuran ko.
"Mahiga kana nga sa kama, Zacreus!!" Sigaw ko sakanya dahil nakukulitan na ako sakanya.
"Hihiga lang ako kapag tinabihan mo ko." Masungit niyang sabi sabay lapit sa 'kin at inagaw ang tshirt na hawak ko. Isinuot niya 'to sa 'kin at kinuha din ang hawak kong boxer short. Ang akala ko ay isusuot niya sa 'kin 'yun pero hinagis lang niya 'to sa sofa sabay hawak sa kamay ko at agad na hinila papunta sa kama.
Pina-upo niya ako sa kama at agad niyang pinatuyo ang buhok ko gamit ang t'walyang hawak ko.
"Thank you!" Naka ngiti kong sabi sakanya. Hindi naman siya sumagot bagkos ay hinalikan niya ako sa labi at sa nuo.
"Humiga ka na." Utos ko kay Zacreus na agad namang tumalima. Tumabi din ako sakanya kaya agad niyang ipinatong ang kumot sa katawan ko sabay yakap sa 'kin.
Pina-unan ko siya sa braso ko habang ang isa kong kamay ay hinahaplos ang buhok niya. Napasinghap ako ng ipasok ni Zacreus ang isa niyang kamay sa suot kong tshirt sabay masahe sa isa kong dibdib.
"Zacreus!" Saway ko sakanya.
Nag angat naman siya ng tingin sa 'kin at agad akong hinalikan sa pisngi. "Babalik na sila mommy at daddy next week, baby." Malungkot niyang sabi. Natigilan naman ako ng marinig ko 'yun, bakit nga ba nawala sa isip ko 'yun.
"Hindi na naman kita malalapitan. Patago na naman akong yayakap sa'yo." Malungkot niyang sabi sa 'kin.
"Gustong-gusto kong sabihin sa lahat na baliw na baliw ako sa'yo, Herrah. Gusto kong sabihin sa mga magulang ko na mahal kita kaya ayaw kitang maging kapatid." Sabi ni Zacreus habang nakatitig sa mga mata ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko na parang tinatambol 'to. Mahal ako ni Zacreus?
"M-Mahal mo ko?" Nauutal kong tanong.
"Yeah. Satingin mo ba wala akong nararamdaman sa'yo? Damn, baby. Hindi mo lang alam ang ginawa kong pagpipigil n'ong una palang kitang nakita." Sabi niya at agad na dinilaan ang pisngi ko. Damang- dama ko ang mainit niyang dila.
"Kaya ba.. lagi mo akong inaaway dati." Naka nguso kong sabi.
"Yeah. Dahil ayaw kitang maging kapatid." Sagot niya agad sabay pisil sa dibdib ko.
"Malapit narin ang birthday mo." Dugtong na sabi ni Zacreus. Nalukot agad ang mukha ko ng marinig ko 'yun.
"Ayaw ko ng party. Gusto kitang makasama sa birthday ko." Naka ngiti kong sabi kay Zacreus.
"Sure, baby. Tayong dalawa lang ba?" Naka ngiti niyang tanong sa 'kin.
"Yeah. Gusto ko mag celebrate ng birthday sa Island. Yung tayo lang dalawa." Sabi ko sabay halik sa labi niya.
"Sige. Pupunta tayo sa private Island ko na pinangalan ko sa'yo." Sabi niya habang inaayos ang buhok ko na tumatabong sa mukha ko.
"Talaga? May Island ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yun ang unang binili ko n'ong lumago ang business ko at pinangalan ko sa'yo 'yun. Alam nag 'yun ni Reagan." Sabi niya sa 'kin.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. "A-Alam ni kuya Reagan na may g-gusto ka sa 'kin?" Tanong ko.
Mahina naman siyang tumawa at agad na pinupog ng halik ang mukha ko. "Yeah. Pinipigilan pa nga niya ako at sinabing ibalin ko daw sa iba ang tingin ko ngunit hindi ko magawa." Mahaba niyang sabi.
"Akin ka lang, baby." Sabi niya saka pinagdikit ang nuo namin. "Pagbalik nila mommy at daddy, sasabihin ko na sakanila ang namamagitan satin." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at agad na dinampian ng halik ang palad ko.
Hindi ako sumagot sa sinabi ni Zacreus, bigla kasi akong kinabahan sa mangyayari. Paano kung magalit si mama Isabel saming dalawa ni Zacreus.