Chapter 12

1883 Words
Chapter 12 NAGLALAKAD AKO PALABAS ng school habang kasabay ang ibang mga estudyante. Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ko kaya agad kong kinuha 'yun saka ko tinignan ang text. Napangiti ako ng mabasa ko ang text ni Zacreus kaya agad ko siyang nireplayan. Mabuti nalang talaga gumaling agad ang lagnat niya. Nasalisihan na naman kasi ako no'n kagabi habang binabantayan ko siya hanggang sa makatulog ako. Nagising nalang ako dahil sa lakas ng ulos niya sa loob ko. Kaya ang sabi niya sa 'kin gumaling daw siya dahil sa 'kin. Ako daw kasi ang gamot niya. Gusto ni Zacreus na ngayon kami pumunta sa Island na pagmamay-ari niya. Pumayag agad ako dahil gusto ko siyang makasama. Kagabi, bago kami natulog ni Zacreus nag send ako ng message kay mama Isabel. Sinabi ko sakanya na ayaw ko ng party kaya pinapacancel ko. Lalo akong napangiti ng mag ring ang cellphone ko kaya agad ko 'tong sinagot. "Baby.." Bungad sa 'kin ni Zacreus ng masagot ko ang tawag. "Hmm.." "I miss you." Aniya sa malambing na boses. "Miss mo na ako agad?" Naka ngiti kong tanong. Huminto muna ako sa gate ng matanaw ko si Zacreus na nakasandal sa kotse niya. Naka suot 'to ng suit, mukang galing pa yata siya sa companya niya at dumeitso dito. Sinabi kasi niya sa 'kin na tataposin daw niya lahat ng trabaho niya para wala siyang iisipin kapag nasa Island na kami. "Yeah. Nandito na ako sa labas ng school mo. I can't wait to kiss my girlfriend." Napangiti ako sa sinabi niya habang ang mga mata ko ay nakatingin kay Zacreus. Talagang pinanindigan talaga niya na girlfriend na daw niya ako kahit hindi ko naman siya sinasagot at hindi naman siya nanliligaw. Ayaw na daw niyang manligaw dahil gusto niya kasalan na agad. Nag-angat ng mukha si Zacreus at agad niya akong nakita. Pinatay niya ang tawag kaya naglakad ako papunta sakanya. "Hey, baby." Naka ngiti niyang bati sa 'kin sabay halik sa pisngi ko at agad niyang binuksan ang pintuan ng passenger seat. Inalalayan niya akong makapasok sa loob at siya pa talaga ang nagsuot ng seatbelt sa 'kin. "Lumalaki na ang dibdib mo, baby." Pilyong sabi ni Zacreus sabay pisil sa isa kong dibdib. Inirapan ko siya sabay tanggal ng kamay niya sa dibdib ko. "Paanong hindi lalaki.. eh wala kang ginagawa kundi dumede sa 'kin." Sabi ko na ikinatawa niya ng malakas kaya pinitik ko ng mahina ang matangos niyang ilong. "Ang sarap eh," pilyo niyang sagot at agad niyang nilukomos ng halik ang labi ko. "Uhmmmm.." ungol ko dahil sa ginawa niya. Pinilit kong ilayo ang labi ko ngunit talagang hinabol ni Zacreus at hinalikan ulit ako. Tinulak ko ulit siya dahil baka may makakita samin, lalo na't bukas ang bintana ng passenger seat. Naka nguso siya habang nakatingin sa 'kin. Inabot ng kamay ko ang gilid ng labi niya saka ko pinunasan ang laway do'n na alam kung akin. "Pumasok ka na muna sa kotse bago mo ako halikan. Baka may makakita satin eh," saad ko habang sinasalubong ang tingin ni Zacreus. "Ayaw mong may maka kita satin?" Tanong niya sa nagtatampong boses habang ang mga kilay niya ay magkasalubong. "Hindi naman sa ganon. Kaso, nasa harap tayo ng school ko. Baka may maka kitang estudyante satin na naghahalikan." Malumanay kong sabi sakanya. Magkasalubong parin ang kilay kaya hinalpos ko 'yun sabay halik sa tungki ng ilong niya. "Pumasok ka na sa kotse. Akala ko ba pupunta tayo sa isla ngayon?" Pag-iiba ko sa usapan pero hindi umepek sa nagtatampong Zacreus. "Baby.." tawag ko sakanya. Unti-unting umaliwalas ang mukha niya saka ngumiti. "Call me baby again." Naka ngiti niyang sabi. "Pumasok kana sa kotse, baby." Sabi ko kaya mas lalo 'tong napangiti. Hinalikan muna niya ako sa labi saka 'to umatras para isara ang pinto. Umikot siya papuntang driver seat saka pumasok sa loob ng kotse. Agad niyang hinalikan ang labi ko ng makapasok siya sa loob. "Ang sarap pala pakinggan kapag tinatawag mo akong baby. Nakakaubos ng hininga." Sabi niya ng maghiwalay ang labi naming dalawa. "Anong oras tayo pupunta ng Isla?" Pag-iiba ko sa usapan. Binuhay naman niya ang makina ng kotse saka humarap sa 'kin. "Later. Ihahatid tayo ni Reagan do'n." Sagot niya at agad na pina-usad ang kotse. "Gusto kung bumili ng bikini ko." Naka ngiti kong sabi. "Hindi mo na kailangang bumili, baby." Sagot sa 'kin ni Zacreus. "Bakit? Binilhan mo ba ako?" Tanong ko sakanya. "No. Hindi mo naman kailangang mag suot ng bikini or damit. Pwede namang walang saplot, dahil tayo lang naman dalawa do'n sa Isla." Naka ngisi niyang sabi. "Puro ka kalokohan," sabi ko. Tawa lang ang tugon niya saka kinuha ang kamay ko at pinagsiklop ang kamay naming dalawa. Mabilis kaming nakarating sa bahay dahil hindi masyadomg traffic. Bumaba ako ng kotse kaya agad hinawakan ni Zacreus ang kamay ko at pinagsiklop 'yon. Hindi na ako natatakot na mahuli ni kuya Reagan dahil alam naman niya ang tungkol samin ni Zacreus. Nakausap ko narin si kuya Reagan at tuwang-tuwa ng malaman niya ang relasyon namin ni Zacreus. Nagbanta pa 'to kay Zacreus na wag daw akong sasaktan o paiiyakin man lang. Sabi pa niya sa 'kin, lumapit lang daw ako sakanya kapag niloko daw ako ng kuya niya para siya daw ang sasapak kay Zacreus. Nang makapasok kami sa bahay ay agad kong nakita si kuya Reagan na may dala-dalang travelling bag. Agad nalukot ang mukha niya ng makita ang mukha ni Zacreus. "Walanjo naman oh! Wala na nga akong lovelife, ginawa pa akong kargador." Reklamo niyang sabi. Natawa naman si Zacreus sa tabi ko bago sumagot kay kuya Reagan. "Bakit kasi, hindi ka pa umamin sa secretarya mo? Hindi yung para kang tangang nag sisinungaling sakanya." Seryosong sabi ni Zacreus. Hindi naman sumagot si kuya Reagan na nagpatuloy sa paghakbang pababa ng hagdan. "Ang daling sabihin, kuya. Pero ang hirap gawin." Sabi niya bago 'to lumabas ng pintuan. Napa-iling nalang si Zacreus saka siya tumingin sa 'kin. "Go, change your clothes first." Sabi niya sabay halik sa labi ko. Tumango naman ako at agad na umakyat sa hagdan para pumunta sa kwarto ko. Mukang hinanda na ni Zacreus ang gamit ko na dadalhin dahil magulo ang mga damit ko sa closet. Kumuha nalang ako ng denim short at pinaresan 'to ng cotton tshirt. Pumasok ako sa banyo para maligo muna dahil naiinitan ako sa suot kong uniform. Mabilis lang ang ginawa kong pagligo at agad na lumabas ng banyo. Nagbihis agad ako saka nag ayos ng sarili. Kinuha ko pa ang mga importanteng skin care ko at chineck kung may nakalimutan paba akong dalhin. Ipinasok ko 'yun sa maliit na bag saka ako lumabas ng kwarto. Naabutan ko pa si Zacreus na may kausap sa cellphone niya habang nakatalikod sa gawi ko. "Yeah. Papunta narin kami dyan." Sabi ni Zacreus sa kausap niya. Baka kausap niya ang caretaker sa Isla. Lumingon siya sa gawi ko kaya agad siyang lumapit sa 'kin saka inagaw ang hawak kong bag sabay halik sa nuo ko. "Let's go, baby. Ihahatid na tayo ni Reagan sa Isla." Naka ngiti niyang sabi. Pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa saka kami lumabas ng bahay. Nakasimangot ang mukha ni kuya Reagan na naka sakay sa driver seat habang hinihintay kami ni Zacreus. Pinagbuksan ako ng pintuan ni Zacreus sa backseat kaya agad akong pumasok. "Walangya ka kuya! Ginawa mo talaga akong driver." Reklamo ni kuya Reagan ng makita niyang umupo si Zacreus sa tabi ko. "Mag drive ka nalang." Masungit na sabi ni Zacreus sa kapatid niya. "May bayad 'to kuya.. sinasabi ko sa'yo. Mahal ang bayad sa 'kin kaya asahan mong mataas ang presyo ng singil ko." Inis na sabi ni kuya Reagan saka niya pina-usad ang kotse. Buong byahe namin ay panay ang reklamo ni kuya Reagan na mabilis namang binabatokan ni Zacreus. Apat na oras bago kami nakarating sa Batangas. Pumasok kami sa isang beach resort na may naka handang yacht para ihatid kami ni Zacreus sa Isla. Wala namang nagawa si kuya Reagan na siyang nag maneho ng yacht dahil sakanya naman pala 'to. Sakanya din pala ang beach resort na 'to. Nakatayo lang ako habang tinatanaw ang dagat habang nakayakap si Zacreus sa likod ko. Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya habang inaamoy niya ang buhok ko. "Ano kayo! Si Jack at Rose ng Titanic?" Dinig kong sigaw ni kuya Reagan samin. Tumawa lang ng mahina si Zacreus saka mas lalong isiniksik ang mukha niya sa leeg ko. Mabilis lang naman kaming nakarating sa Isla na sinasabi ni Zacreus. Gabi na kami nakarating kaya hindi ko tuloy makita ang tanawin. Dumaong ang yacht sa pangpang kaya agad akong hinawakan ni Zacreus para bumaba. Nagrereklamo na naman si kuya Reagan na inutusan ni Zacreus na buhatin ang mga gamit namin. Maputing buhangin agad ang nakita ko kaya napangiti ako. Dali-dali kong tinanggal ang suot kong sandals saka nilaro ang pinong-pinong buhangin sa paa ko. "You like it?" Bulong na tanong ni Zacreus sa teynga ko sabay yakap sa 'kin. "Oo. Kaso, hindi ko makita ang tanawin." Nakanguso kong sabi. "It's okay. Bukas ililibot kita sa Isla." Malambing niyang sabi. Magkahawak kamay kaming naglalakad papunta sa isang bahay na triangle ang bubong hanggang sa lupa. Medyo malayo pa 'to mula samin kaya hindi ko masyadong matanaw ang design ng bahay. May mga ilaw din sa paligid na nakasabit sa dinadaanan namin ni Zacreus. Hanggang sa makarating kami sa harap ng bahay. Namamangha ko itong tinignan dahil ang ganda ng design. Nagtataka naman ako ng may lumabas sa bahay na 'yun na tatlong lalaki at isang babae. "Magandang gabi po, sir Zacreus." Bati ng matandang lalaki bago 'to tumingin sa gawi ko. "Magandang gabi din po, Mrs. Salazar." Naka ngiting bati sa 'kin ng matandang lalaki. Naguguluhan naman akong nakatingin sa matanda. Akmang magsasalita sana ako ng hilain ako ni Zacreus palayo sakanila. "Bakit niya ako tinawag na Mrs. Salazar?" Naguguluhan kong tanong kay Zac. Huminga naman siya ng malalim habang nakatitig sa mata ko. "I want to marry you, Herrah. Gusto na kitang maging asawa." Seryosong sabi ni Zacreus sa 'kin. "Nahihibang ka na ba?" Gulat na gulat kong sabi. "Yes! Baliw na baliw ako sa'yo, Herrah. At hindi ako papayag na uuwi tayo ng Isla sa susunod na araw na hindi ko napapalitan ang apelyido mo." Pursigidong sabi ni Zacreus sabay halik sa labi ko. "Marry me, Herrah. Mababaliw na ako kapag hindi pa kita nakuha ng buo. Gusto kung makasigurado na hindi tayo paghihiwalayin ng mga magulang ko." Sabi ni Zacreus na punong-puno ng emosyon ang mga matang nakatingin sa 'kin. "Pero Zacreus.. hindi pa ako handang magpakasal." Mahinang sabi ko kaya agad siyang napabitaw ng yakap sa 'kin at lumayo ng kunti. Mahina siyang natawa at agad na umiwas ng tingin sa 'kin. "I'm sorry. Nababaliw na talaga yata ako sa'yo, kaya pasensya na kung pinipilit kita." Nakangiti niyang sabi sa 'kin kahit halata naman sa mukha niya ang lungkot. Tumikhim 'to saka nag-iwas ulit ng tingin sa 'kin. "Pauuwiin ko lang ang judge na pinapunta ko dito sa Isla." Walang emosyon niyang sabi at agad na umalis sa harap ko. Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa papalayong si Zacreus. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD