Chapter 14

1729 Words
Chapter 14 PABALIK NA KAMI ng Manila ni Zacreus. Four days lang kami sa Island niya dahil may pasok pa ako. Dapat nga kahapon pa kami uuwi pero 'tong si Zacreus ay humirit pa ng isang araw. Wala naman siyang ginawa kundi angkinin lang ako sa Isla. Medyo mahapdi ang p********e ko sa pinag gagawa sa 'kin ni Zacreus. Nakaupo kaming dalawa sa backseat habang ang driver namin ay ang secretary ni Zacreus. Hindi kasi kami nasundo ni kuya Reagan kaya ang secretary nalang ni Zac ang tinawagan niya. Naka pulupot ang mga braso ni Zacreus sa beywang ko habang ang mukha niya ay nasa dibdib ko. Nagpapalambing na naman sa 'kin kaya mahina kong hinahaplos ang buhok niya. Buong byahe ay walang ginawa si Zacreus kundi halikan ang pisngi ko habang sinasabihan ako ng mahal niya ako. Napapangiti nalang ako sa ginagawa niya. Nag stop over muna kami ng makaramdam ako ng gutom. Dali-daling inutusan ni Zacreus ang secretary niya na maghanap ng restaurant na agad namang sinunod ng secretary niya. Naunang bumaba si Zacreus sa kotse saka niya ako inalalayang bumaba. Magkahawak kamay kaming dalawa na naglalakad papasok ng restaurant. "What do you want to eat, wife?" Tanong sa 'kin ni Zacreus ng iabot samin ng waiter ang menu. Nakanguso ako habang binabasa ang menu nila. Nandito din ang secretary ni Zacreus na pumipili din ng pagkain. "Wala akong magustuhan sa menu nila," saad ko sabay tingin kay Zacreus. Hinalikan naman niya ang pisngi ko saka ngumiti sa 'kin. "Gusto mo bang lumipat tayo ng restaurant?" Tanong ng asawa ko. Umiling nalang ako dahil tinatamad na akong tumayo. "Ikaw nalang bahala umorder sa 'kin ng pagkain." Sabi ko. Agad naman siyang tumango saka tinignan ulit ang menu. Hinintay lang namin ang mga inorder namin na mabilis naman dumating. Agad akong sinubuan ni Zacreus ng pagkain na mabilis ko naman tinanggap. Nang matapos kaming kumain ay agad naman kaming tumayo para bumyahe na dahil medyo malayo pa ang byahe namin. Nakasandal ako sa balikat ni Zacreus ng makapasok kami sa kotse. Hinahaplos naman niya ang buhok ko at pinahiga sa lap niya. "Matulog ka muna, wife. Medyo malayo pa tayo." Malambing na sabi ni Zacreus sa 'kin habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. Ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na nga akong hinila ng antok. Nagising nalang ako ng maramdaman kong buhat-buhat ako kaya minulat ko ang mga mata ko at nakita agad ang mukha si Zacreus. Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya saka siya inamoy. "Bakit hindi mo ko ginising?" Malambing kong tanong sakanya. "Mahimbing ang tulog ng baby ko eh," naka ngiti niyang sagot. Ibinaba lang niya ako ng makapasok na kami sa bahay. Saktong 2PM kami nakarating sa bahay. Umakyat ako sa hagdan dala ang bag ko at tinungo ang kwarto ko. Narinig ko naman ang mga yapak ni Zacreus na sumunod sa 'kin. "Saan ka pupunta?" Tanong niya sabay hawak sa braso ko. "Sa kwarto ko," naka kunot nuo kong sagot. "Wife, doon kana matulog sa kwarto ko simula ngayon," seryoso niyang sabi. "Hindi pwede, Zacreus. Tsaka, magkatabi lang naman ang kwarto natin." Sabi ko at agad na pumasok sa kwarto. Sumunod naman siya sa 'kin na hindi ko nalang pinansin. Umupo ako sa kama saka tinanggal ang suot kong sandals. Lumuhod naman si Zacreus sa harap ko saka 'to yumakap sa tyan ko. "Asawa na kita ngayon kaya dapat lang nasa iisang kwarto na tayo, baby." Sabi niya habang naka subsob ang mukha niya sa tyan ko. Napa-iling nalang ako habang hinahaplos ang buhok niya. Alam ko naman na hindi talaga siya papayag na hindi kami magkatabi matulog. Inangat niya ang mukha niya kaya mahina akong natawa sa hitsura niya na parang nag papakaawa. "Hindi ako makakatulog hanggat hind kita katabi, baby." Sabi niya. "Oo na! Pero dito parin ang mga gamit ko habang hindi pa natin nasasabi kay mama Isabel." Sabi ko sakanya. Napangiti naman siya saka niya hinalikan ang tyan ko. "Ang dami kong gagawin ngayon, Zacreus. Kaya wag mo muna akong landiin." Sabi ko saka kinuha ang cellphone ko sa isa ko pang bag. "Yung sinasabi mong project at mga assignment mo?" Tanong naman ng asawa ko kaya tumango ako habang nakatitig sa screen ng cellphon ko. Nagsend kasi sa 'kin ang classmate ko kahapon. "Easy, C'mon, ako bahala sa project mo." Sabi niya saka tumayo at hinawakan ang kamay ko. "Hindi ka naman marunong gumawa no'n eh," nak nguso kong sabi. "Kaya ko 'yun, wifey. Kaya ko ngang gumawa ng bata eh, yun pa kayang project mo. Wala ka yatang bilib sa husband mo." Mayabang niyang sabi. Kinurot ko nalang ang tagiliran niya saka kinuha ang mga kailangan ko sa gagawing project. Mabuti nalang ay kompleto ako sa mga materials. "Mag bibihis lang muna ako, tapos do'n nalang tayo sa sala gagawa ng project." Sabi ko kay Zacreus sabay abot ng mga materials na gagamitin. Tumango naman siya na agad naglakad palabas ng kwarto bitbit 'yon. Nagmamadali akong pumunta ng banyo para maligo. Binilisan ko lang ang pagligo ko dahil ang dami kong activity na gagawin. Kasalanan 'to ni Zacreus eh, ayan tuloy ang dami kong gagawin. Nag suot lang ako ng comportableng damit saka binlow dry ang buhok ko para hindi naman basa masyado. Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng kwarto bitbit ang laptop ko. Bumaba ako ng hagdan at agad nakita si Zacreus na seryosong nag gugupit ng cartolina. Nang makababa ako ay agad akong tumabi sakanya na naka salampak ng upo sa sahig paharap sa glass table na nasa sala. Agad namang akong hinalikan ni Zacreus sa pisngi saka 'to bumalik sa ginagawa niya. Napangiti nalang ako saka nag simulang magsulat. Tahimik lang kaming dalawa habang si Zacreus ay ginagamit ang laptop at nag se-search patungkol sa project ko. Bumukas ang pintuan ng main door kaya napalingon ako do'n. Nakita ko si kuya Reagan na naka kunot nuong nakatingin samin. "Ano 'yan?" Tanong niya sabay upo sa sofa. "Project ko, kuya Reagan." Sagot ko dahil masyadong seryoso si Zacreus na nag ru-ruler. "Walangya 'yan! Sa pagkaka-alala ko kuya hindi ka naman gumagawa ng mga project mo n'ong nag-aaral ka pa ahh," naka ngising sabi ni kuya Reagan. "Nagpapa bilib ka lang yata sa asawa mo eh," pang-aasar ni kuya Reagan kay Zacreus. "Shut up!" Inis na sabi ni Zacreus habang nag gugupit na naman. Natatawa namang tumayo si kuya Reagan saka 'to umakyat sa hagdan. Ilang oras pa ang nakalipas ay natapos ko ding sagutan ang mga assignment ko pwera nalang sa math, si Zacreus na ang bahala do'n. Bobo ako eh. "Nagugutom kana ba?" Tanong sa 'kin ni Zacreus. "Medyo." Tipid kong sagot habang nakatingin sa ginagawa niya. "Kukuha lang ako ng meryenda mo, wifey." Malambing niyang sabi at agad na tumayo sa tabi ko saka tumungo sa kusina. Bumalik naman siya agad na may dalang tray na may lamang pagkain. Itinabi ko naman ang mga papel na nasa table saka niya inilapag ang dala niyang tray. Sinusubuan ko naman si Zacreus na tinatapos parin ang project ko. Nang matapos siya sa ginagawa niya, ang assignment ko na naman na math ang ginagawa niya. Nagtataka na din siguro ang prof ko sa math kung bakit lagi perfect ang assignment ko pero pagdating sa quiz hindi ko ma-perfect. Si Zacreus kasi lagi ang sumasagot sa mga assignment ko, minsan sinasagotan niya din ang iba pang mga subjects ko, lalo na kapag tinatamad akong gumawa ng assignment. "Gusto mo bang sumama sa 'kin mamaya, wifey?" Tanong niya. "Saan?" Tanong ko pabalik sa asawa ko. "Sa companya ko. May board meeting ako mamaya kaya kailangan kong pumunta." Sagot niya. "Sige. Sasama ako," naka ngiti kong sabi sabay subo ng pagkain. Tumigil naman siya saglit na para bang may iniisip. "Doon nalang kaya tayo umuwi sa bahay ko." Sabi ni Zacreus sa 'kin. May sarili naman talaga siyang bahay pero ginusto niya lang talaga na dito manirahan dahil lalandiin niya daw kasi ako. Napag-usapan na kasi namin na hanggang hindi pa nalalaman ng mama niya ay hindi pa kami lilipat muna sa bahay niya. Natatakot kasi ako na baka magalit si mama Isabel saming dalawa ni Zacreus. Ang alam ko kasi may gustong babae si mama Isabel para kay Zacreus. Nakwento kasi sa 'kin 'yon dati n'ong lumayas si Zac sa bahay na 'to. At ang alam ko, anak 'yun ng ka business partner ng daddy ni Zacreus, kaya gusto nilang ang babae para sa anak nila. Hindi ko masabi kay Zacreus na yun ang kinakatakutan ko. Kung pwede lang sana ay maging lihim muna ang meron samin, pero alam kung hindi papayag si Zacreus sa gusto ko. Nasabi pa niya sa 'kin kahapon na kapag bumalik na ako sa school ang gagamitin ko ng apelyido ay Salazar. "Wife?" Tawag sa 'kin ni Zacreus dahilan para bumalik ang diwa ko. "Ha?" Tanong ko naman. "Ayos ka lang ba? Kanina pa kita kinakausap pero nakatulala ka lang." Nag-aalala niyang sabi. "Masama ba pakiramdam mo?" Dagdag niyang sabi. Umiling naman ako saka sumubo ulit ng pagkain. "Ayos lang. Iniisip ko lang ang chat sa 'kin ng classmate ko dahil may quiz daw kami bukas." Pag sisinungaling ko. "Gusto mo kausapin ko prof mo?" Tanong ni Zacreus na ikina-irap ko. "Tumigil ka nga. Hindi porke't kilala mo ang may-ari ng school ay gagawin mo nalang 'yun." Naka nguso kong sabi. Paano ba naman kasi pinagpaalam niya ako ng two days absent at talagang sinabi pa niya na magbabakasyon kami. Hindi niya nalang sinabi na may sakit katulad ng mga palusot ko dati kapag tinatamad akong pumasok n'ong high school ako. "Kaya kung gawin 'yun, para hindi ka mahirapan sa quiz mo bukas." Sabi niya. Umirap nalang ako ulit saka pinitik ng mahina ang matangos niyang ilong. "Hindi na! Wala ka yatang tiwala sa misis mo," pang-gagaya ko sa sinabi niya kanina. Tumawa naman siya saka humarap sakin, hinawakan pa niya ang magkabilang beywang ko habang nakatitig sakin. "May alam akong ritual para ma-perfect mo ang quiz mo bukas, wifey." Seryoso niyang sabi. "Ano?" Tanong ko naman din. "Tara sa kwarto.. para masimulan na natin ang ritual. Sigurado akong perfect ang makukuha mong score bukas." Pilyo niyang sabi kaya pinalo ko siya sa balikat. "Puro ka kalokohan!" Sabi ko sabay irap sakanya. Tumawa naman siya saka bumalik sa pagsagot sa assignment ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD