Chapter 15
TANGHALI NA AKO nagising dahil nag movie marthon kami ng asawa ko kagabi. Linggo naman ngayon kaya ayos lang na malate ako ng gising. Wala na si Zacreus sa tabi ko ngunit may tray sa bedside table na may lamang pagkain.
Nagpaalam kasi siya sa 'kin kagabi na may meeting siya ngayong araw. Hindi na yata niya ako ginising dahil sa himbing ng tulog ko.
Tumayo ako sa kama at pinulot ang maliit na papel na naka patong sa sandwich. Napangiti nalang ako habang binabasa ang note ng asawa ko.
Kinain ko ang hinanda ni Zacreus na pagkain habang nag cha-chat ako sakanya. Nag reply naman siya agad at talagang nag send pa ng picture kasama ang isang lalaki na ka meeting niya ngayong 10AM. Mamaya kasing 12PM ay mag lunch meeting din siya kaya hindi kami sabay kakain mamaya.
Nang matapos akong kumain ay niligpit ko agad ang pinagkainan ko. Ako lang mag-isa sa bahay dahil wala din si kuya Reagan. Nasa California kasi siya at inaayos ang negosyo niya do'n.
Gusto ko sanang maligo pero tinatamad ako, kaya napagpasyahan ko nalang na mahiga na muna sa kama. Nanonood lang ako sa cellphone ko ng kdrama hanggang sa hindi ko napansin na 12PM na pala.
Bumangon ako sa kama para magluto ng pagkain ko at baka mapagalitan ako ni Zacreus mamaya kapag nalaman niyang hindi ako kumain. Ayaw na ayaw pa naman niyang nalilipasan ako ng gutom.
Kinuha ko ang tray kanina para mahugasan ko narin saka ako naglakad papunta sa pinto. Binuksan ko 'to at agad natulos sa nakita ko.
"Oh, Hi! Herrah, I miss you anak!" Naka ngiting sabi ni mama Isabel.
Napalunok ako ng ilang beses saka ngumiti ng pilit kay mama. "Nandito na po pala kayo mama." Sabi ko at hindi pinapahalata na kinakabahan ako. Isinara ko ang pinto ng kwarto ni Zacreus saka ngumiti kay mama.
"Kararating lang namin, hija. Ang daddy mo, dumeritso agad sa office niya at baka madami na daw siyang aasekasuhin." Naka ngiting sabi ni mama.
Tumango naman ako saka tinago ang tray sa likod ko. "Bakit ka nga pala ng galing sa kwarto ni kuya Zacreus mo?" Tanong sa 'kin ni mama Isabel.
Hinahalukay ko ang isip ko para makasagot sa tanong niya ng maisip ko ang hawak kong tray. Agad kong inilabas 'yon at ipinakita kay mama. "Kinuha ko lang po 'tong tray, mama. Inutusan po kasi ako ni kuya Zacreus na kunin 'to pagka gising ko. Kaso, tinanghali po ako ng gising." Palusot ko kay mama. Sana nga lang ay gumana. Agad kong tinakpan ang suot kong tshirt gamit ang tray dahil may pangalan ni Zacreus 'to.
Nakatitig lang sa 'kin si mama Isabel na para bang sinusuri ang pananamit ko.
"Ah, ganun ba hija." Sabi niya kaya tumango ako.
"Actually, nagkita kami kanina ni Zacreus sa restaurant." Naka ngiting sabi ni mama Isabel na para bang kinikilig.
"Naalala mo ba 'yung kwenento ko sa'yo na anak ng business partner ng daddy mo?" Excited na sabi ni mama kaya tumango ako.
"Finally, nag da-date na sila ng kuya Zacreus mo." Naka ngiti niyang sabi kaya natulos ako sa kinatatayuan ko.
"Po?" Tanong ko kay mama.
"Look, na kuhaan ko pa sila ng picture dalawa kanina. Ang cute di 'ba? bagay na bagay silang dalawa ni Kaye." Naka ngiting sabi ni mama Isabel habang pinapakita sa 'kin ang cellphone niya. Nakatitig lang ako sa picture niya at parang maiiyak.
Ibinaba ni mama ang cellphone niya kaya napasunod ang tingin ko do'n. "Si Kaye lang ang gusto ko para kay Zacreus. Bagay na bagay naman kasi talaga sila." Naka ngiting sabi niya habang nakatitig ulit sa cellphone.
"Ganon ba?"
Sabay kaming napalingon ni mama Isabel sa may hagdan ng marinig namin ang baritonong boses na 'yun.
Nakita ko si Zacreus na halatang galit na galit ang mukha habang nakatitig kay mama Isabel. Agad naglakad si Zacreus sa tabi ko saka niyakap ang beywang ko. Hinila niya ako palapit sa katawan niya.
Kinakabahan akong nag-angat ng tingin kay Zacreus at hindi alam ang gagawin. Dahan-dahan akong tumingin kay mama Isabel na nakatitig sa kamay ni Zacreus na nasa beywang ko.
"Sinet-up niya ako, wife. Kaya please.. wag mo akong aawayin. Luluhod at iiyak talaga ako sa harap mo kapag iniwan mo ko." Bulong niya sa teynga ko.
"What is the meaning of this, Zacreus??" Sigaw ni mama Isabel habang malalaki ang mata niya na nakatitig samin.
Bumilis ang t***k ng puso ko sa sigaw ni mama. Ngunit, agad nawala 'yon ng dampian ng halik ni Zacreus ang gilid ng ulo ko.
"Stop pretending, mom. Talagang pinakita mo pa 'yan kay Herrah. Para ano? Para siraan ako sakanya? Para magalit siya sa 'kin?" Galit na sigaw ni Zacreus kay mama Isabel.
Hinawakan ko ang kamay ni Zacreus na nasa beywang ko at nagbabakasakali na mapakalma ko siya. Tumingin sa 'kin si Zacreus at agad niya akong hinalikan sa pisngi. "Alam niyang kasal na tayong dalawa," bulong sa 'kin ni Zacreus na ikinagulat ko.
Napakurap-kurap ako habang nakatitig kay Zacreus. "Sinabi ko na sa'yo di 'ba na mahal ko si Herrah. Alam mo 'yan dahil umamin ako sa'yo kung bakit hindi ko matanggap si Herrah." Sabi ni Zacreus.
"Pero anong ginawa mo? Pinalayas mo ko sa bahay, hindi ba?" Dagdag na sabi ni Zacreus na mas lalong ikinagulat ko.
Humigpit ang hawak ni Zacreus sa beywang ko kaya napahawak ako sa kamay niya. "Hinding-hindi ako papayag na siraan mo ko sa asawa ko. Kaya itigil mo na ang pag se-set up sa 'kin kay Kaye. Pinalagpas ko ang unang ginawa mo, pero ngayon hindi na." Mahabang sabi ni Zacreus saka niya ako hinila at agad na pumasok sa kwarto niya.
Niyakap ako ni Zacreus ng mahigpit kay hinaplos ko ang likod niya. "I'm sorry kung may kasama akong babae kanina, wife. I swear to God na agad akong umalis ng makita ko si Kaye na nakaupo do'n sa naka reserved na table." Paliwanag sa 'kin ni Zacreus.
Kumawala ako sa yakap niya kaya nag-aalala 'tong tumingin sa 'kin. "Wife, galit ka ba sa 'kin? I'm sorry na mahal ko." Sabi niya habang hinahaplos ang isang pisngi ko.
"P-Pano nalaman ni mama ang tungkol satin?" Pag-iiba ko sa usapan.
"I told her. Pumunta siya sa opisina ko kanina para sabihing gusto na ng mga magulang ni Kaye na magpakasal kami katulad ng napag-usapan nila dati." Sabi ni Zacreus.
"Nagalit ako sa sinabi ni mama kaya sa sobrang inis ko sinabi kong kasal na tayong dalawa." Sabi niya saka dinampian ng halik ang labi ko.
"Galit na galit siya sa 'kin kanina, wife. Ngunit wala naman akong pakialam kung magalit man siya. Kaya nagulat ako ng dumating ako sa restaurant nandoon si Kaye." Mahabang paliwanag ni Zacreus.
"A-anong gagawin natin ngayon? Natatakot ako, Zacreus." Nag- aalala kong sabi na ikinatawa lang niya.
"Bakit ka naman natatakot? Eh, kaya naman kitang buhayin kahit pa nga isang dosena ang magiging anak natin." Naka ngiti niyang sabi.
"Prepare all your clothes, wifey. Iuuwi na kita sa bahay ko." Naka ngiting sabi ni Zacreus saka niya hinalikan ang nuo ko.
"Alam kung may binabalak pa si mommy para pag hiwalayin tayong dalawa. Kaya sana, wag kang bibitaw sa 'kin, wife. Ikaw ang lakas ko kaya sa'yo ako huhugot ng lakas. Mawala na sa 'kin ang lahat, wag lang ikaw. Kaya mangako ka sa 'kin.. na kahit anong mangyari magkahawak kamay tayong haharap sa mga problemang ibabato nila satin." Mahabang sabi ni Zacreus habang ang mga mata niya ay punong-puno ng emosyon.
Ngumiti ako sakanya at dahan-dahang tumango kaya agad akong hinalikan ni Zacreus sa labi. Naghiwalay lang kami ng maramdaman namin na kakapusin na kami ng hangin.
"C'mon, aayosin natin ang mga damit mo." Naka ngiting saad ni Zacreus.
Magkahawak kamay kaming lumabas ng kwarto niya at tinungo ang kawarto ko. Nakahinga pa ako ng maluwag ng hindi ko makita si mama Isabel sa labas mg kwarto ni Zacreus.
Inayos ni Zacreus ang mga gamit ko at nilalagay niya ito sa bag. Ako naman ay inaayos ang mga gamit ko sa school.
Natigilan ako ng maalala ko na sila mama Isabel ang nag papaaral sa 'kin. Napansin yata ni Zacreus ang hitsura ko kaya agad siyang lumapit saka ako hinalikan sa labi. "May problema ba, wife?" Tanong niya sa 'kin.
"Naalala ko lang. Papano ang pag-aaral ko? Sila mama Isabel ang nag papaaral sa 'kin, malamang hindi na nila ako tutulongan." Naka nguso kong sabi.
"Ililipat na kita ng school. Ako ang magpapa-aral sa'yo, wife. So, don't worry, okay?" Sabi niya saka ginulo ang buhok ko.
"Saan naman ako lilipat, hubby?" Naka nguso kong tanong.
Napakagat naman sa ibabang labi si Zacreus na para bang pinipigilan ang ngiti niya. "Bakit?" Takang tanong ko sakanya.
"Ang sarap kasi pakinggan kapag tinatawag mo akong hubby." Naka ngiti niyang sabi sabay yapos ng yakap sa 'kin. "Pero mas gusto ko ang tawagan na daddy at mommy." Dagdag niyang sabi.
Napa-iling nalang ako kay Zacreus saka bumalik sa ginagawa kong pag-aayos ng gamit. "Sige na kasi, mommy." Pangungulit niya sa 'kin.
"Daddy at mommy nalang kasi," saad niya habang inaayos ang buhok ko.
"Oo na, DADDY." naka ngisi kong sabi sakanya at talagang pinagdiinan ko pa ang salitang daddy.
"f**k! Gusto ko pag umuungol ka daddy ang iungol mo." Pilyo niyang sabi kaya binatukan ko.
"Aray naman, mommy." Naka nguso niyang sabi saka pinulot ang panty ko saka inamoy 'yon.
"Ang bango ng nilabhan kong panty mo 'no?" Naka ngisi niyang sabi habang inaamoy ang panty ko.
Naglaba kasi 'yan n'ong isang araw ng mga damit namin. Ayaw niyang isalang sa washing machine dahil gusto niya hand wash daw. Hinayaan ko nalang siya na nagkukusot ng mga damit ko. Nahihiya pa ako ng makita ko ang ginawa niyang pag amoy sa panty ko bago niya nilalagay sa planggana na may sabon. Napaka manyak talaga.
"Wag mo na nga amoyin yang panty ko. Ilagay mo na 'yan sa bag." Utos ko habang pinandilatan siya. Agad naman siyang sumunod sa utos ko at bumalik na ulit sa pag-aayos ng mga gamit ko.
Nang matapos na kami ay agad binuhat 'yon ni Zacreus saka niya hinawakan ang isa kong kamay habang ang isa kong kamay ay may hawak din na bag. Kinakabahan ako, pero alam kung hindi ako pababayaan ni Zacreus.
Nakayuko akong bumaba ng hagdan ng makita ko si mama Isabel na nakatayo sa dulo ng hagdan.
"Wala ka talagang kwentang anak, Zacreus." Sabi niya kaya napa-angat ako ng tingin. Humigpit ang hawak sa 'kin ni Zacreus at dinala niya 'yun sa labi niya at pinatakan ng halik ang likod ng palad ko.
"I know that, mom. Pero hindi ko gagawin ang pagpapalaki mo sa 'kin sa magiging anak namin ni Herrah. Mas pipiliin ko ang kaligayahan ng magiging anak ko at sisiguraduhin kong lagi ko siyang su-supportahan sa lahat ng desisyon niya sa buhay. Hindi katulad ng ginawa mo." Mahabang sabi ni Zacreus saka niya ako hinila at naglakad palabas ng bahay.
Doon lang yata ako nakahinga ng maluwag ng makalabas kami. Lumabas kami ng gate dahil nasa labas naka park ang kotse ni Zacreus. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse saka niya ako inalalayan makaupo sa loob. Inilagay din ni Zacreus ang mga gamit ko sa backseat. Saka siya umikot papuntang driver seat.
Hinalikan niya agad ang labi ko ng makapasok siya sa loob ng kotse. Hinaplos ko ang mukha ni Zacreus dahil naawa ako sakanya. Hindi ko alam na pinalayas pala siya dati ni mama Isabel. Ang alam ko kasi ay kusang naglayas 'to dahil hindi niya matanggap na inampon ako ng ina niya.
Mapupungay ang mata ni Zacreus na nakatingin sa 'kin saka dinampian ng halik ang nuo ko. "Mahal na mahal kita, Herrah. Hinding-hindi ako papayag na mawala ka sa 'kin, mommy." Sabi niya sa 'kin.
Pinatakan ko ng halik ang matangos niyang ilong saka hinaplos ang makapal niyang kilay. "Pwede mo bang sabihin sa 'kin ang mga pinagdaanan mo dati, daddy." Sabi ko. Mahinang tumawa si Zacreus saka niya nilukomos ng halik ang labi ko.
"Sige, mommy. Sasabihin ko sa'yo kapag nakarating na tayo sa bahay natin." Naka ngiti niyang sabi.
"Natin?" Tanong ko naman dahil bahay naman niya 'yon.
"Yeah. Natin. Asawa kita kaya kung anong pag-aari ko ay sa'yo din. Sayo 'yung bahay na 'yon. Binili ko three years ago. Nangangarap kasi ako na makasama ka sa isang bubong habang malaki ang tyan mo dahil sa dala-dala mo ang magiging anak natin." Sabi niya.
"Sakin?" Tanong ko naman habang napakurap-kurap.
"Yeah. Naka pangalan 'yon sa'yo, mommy. Gusto mo pa bang malaman ang iba?" Tanong niya sa 'kin kaya tumango ako.
Hinalikan niya ako sa labi saka siya nagsalita.
"Later. Uuwi na muna tayo ng bahay. Gusto kong blessingan muna natin 'yung kama." Pilyo niyang sabi. Napa-iling nalang ako habang pinapa-andar ni Zacreus ang kotse. Mukang, hahapdi na naman yata ang p********e ko mamayang gabi.