Chapter 16

2250 Words
Chapter 16 THREE DAYS SIMULA nang makalipat kami ni Zacreus sa bahay niya. Wala naman akong naring mula kay mama Isabel. Tinanong ko si Zacreus kung may sinabi pa ba ang mama niya ngunit hindi daw niya alam at wala daw siyang balak alamin kung galit ba daw ang mama niya samin. Nagluluto ako ng agahan namin habang ang asawa ko ay natutulog pa. Napuyat kasi siya kagabi dahil hindi na naman natigil sa pag-angkin sa 'kin. Inayos ko ang pagkain na niluto ko ng may yumakap mula sa likod ko. "Good morning, mommy." Bati niya sa 'kin saka niya pinatakan ng halik ang balikat ko. "Good morning, daddy." Sagot ko naman na ikinatawa niya. "Bakit ka natatawa?" Tanong ko habang natatawa nalang din. "Naalala ko kasi kagabi ang mga ungol mo," pilyo niyang sabi. Umirap nalang ako sa hangin saka inayos ang kutsara. Paano ba naman kasi kagabi wala akong ginawa kundi sumigaw at umungol, inuungol ko pa ang daddy kaya siguro siya natatawa. "Halika na, kumain na tayo." Aya ko sa asawa ko saka hinawakan ang kamay niya na nasa tyan ko. "Ayaw ko niyan, gusto ko 'to." Sabi niya saka hinawakan ang p********e ko. "Zacreus!!!" Saway ko sakanya saka tinanggal ang kamay niya sa p********e ko. "Tumigil ka nga! Magdamag kana nga kagabi eh." Inis kong sabi sakanya. Sobrang hapdi ng p********e ko kanina habang umiihi ako, tapos gusto na naman niya ngayon. "Ang damot!" Nakanguso niyang sabi kaya inabot ko ang nguso niya saka kinurot 'to. Umupo siya sa upuan at agad akong hinila paupo kaya napakandong ako sakanya. Kumuha siya ng pagkain at agad niya akong sinubuan. Tinanggap ko naman 'yon kaya pinatakan niya ng halik ang labi ko. Nasanay na ako kay Zacreus na kapag kakain kami ay naka kandong lang ako sakanya. Isang plato lang din ang ginagamit namin kapag kumakain dahil sabi niya gusto daw niya akong subuan para daw sweet. Nang matapos kaming kumain ay siya na ang nag presenta na maghugas ng plato at maglinis ng kusina. Nakatingin lang ako sa asawa ko habang nag mo-mop ng sahig at kinikindatan ako. Napakalandi talaga! Nang matapos na siya ay agad 'tong lumapit sa 'kin. Lumuhod siya sa harap ko at agad sinunggaban ng halik ang labi ko na agad ko namang tinugon. "I love you, misis ko." Sabi ni Zacreus ng maghiwalay ang labi namin. Pinatakan ko ng halik ang labi niya saka ako nagsalita. "I love you too, daddy." "Anong gusto mong gawin ngayon? Gusto mo bang manood ng sine?" Tanong niya sa 'kin. Agad naman akong napasimangot dahil ayaw kong lumabas ng bahay. Tinatamad kasi akong kumilos ngayong araw, gusto ko lang humiga. "Gusto kong matulog." Nakanguso kong sabi. "Matulog? Ayaw mong makipag date sa 'kin, mommy?" Tanong niya. Kahit mag-asawa na kami ni Zacreus ay para parin niya akong nililigawan. Araw-araw daw niya akong liligawan at lagi daw niyang ipaparamdam sa 'kin na mahal na mahal niya ako. Kaya every morning may pa red rose 'yan sa kama. Minsan naman ay lumalabas 'yan ng bahay tapos nagkukunwaring nanghaharana sa 'kin kaya natatawa akong nakadungaw sa bintana. Minsan naman ay iniiwanan niya ako ng love letter kaya napapa-iling nalang ako sa gingawa niya. "Tinatamad ako eh, kasalanan mo 'to!! Kung sana maaaga mo akong tinigilan kagabi eh di sana hindi ako tinatamad ngayon," saad ko habang naka nguso. "Sige, mommy. Matulog nalang tayo. Ay, hindi pala. Ikaw lang pala matutulog para ma-araro ulit kita." Sabi niya habang may pa stretch-stretch pa siya sa katawan niya na parang hinahanda ang sarili. Mabilis kong pinalo ang matigas niyang tyan dahil sa abs niya. "Magtigil ka nga! Ang hapdi na ng p********e ko sayo." Inis kong saad sakanya. "Five rounds lang mommy. Promise hindi tayo aabot sa 15 rounds." Naka ngisi niyang sabi. "Heh!" Sigaw ko sakanya. Hindi na talaga ako magpapa-uto sakanya. "Kawawa naman pala ang alaga ko ngayong araw, mommy. Walang pasok!" Sabi niya habang naka nguso kaya inirapan ko. Tumayo ako at agad naglakad patungo sa kwarto, nakasunod naman sa 'kin si Zacreus ngunit agad kaming napatigil sa paghakbang ng marinig ko ang tunog ng cellphone ni Zacreus. Lumingon ako sa asawa ko na sinagot ang tawag. "Yes, Hello!" Sagot ni Zacreus sa kabilang linya. Sinenyasan pa niya ako na lumapit sakanya kaya lumapit ako kaya agad niya akong niyakap. "Okay. I'll be there," sagot ni Zacreus sa kausap niya saka pinatay ang tawag. Hinalikan naman niya ako sa labi saka siya nagsalita. "Kailangan kong pumunta sa office, mommy. May problema daw sa companya kaya kailangan kong pumunta." Malambing niyang sabi. "Okay, maligo kana. Aayosin ko lang isusuot mo." Sabi ko sakanya. "Sabayan mo ko maligo, mommy." Malambing niyang sabi. Tinulak ko naman siya kaya napasimangot 'to. "Maligo kana! Mamaya na tayo maligo ng sabay pag-uwi mo," saad ko kaya mahina siyang natawa. "Sabi mo yan mommy ha!" Sabi niya saka hinila ako paakyat ng hagdan. Pagkapasok namin sa kwarto ay agad dumeritso si Zacreus sa banyo kaya agad kong inayos ang susuotin niya. Inilapag ko yun sa kama saka hinanda ang su-suotin niyang relo. Lumabas naman si Zacreus sa banyo na nakatapis ng t'walya hanggang beywang. Agad akong umiwas ng tingin dahil feeling ko ay umiinit ang katawan ko. "Thank you, mommy." Sabi ni Zacreus saka hinalikan ang pisngi ko. Pinagmamasdan ko lang siya habang nagbibihis ng damit. Nang matapos siya ay agad na siyang umalis sa bahay. Inayos ko nalang ang mga labahin namin at naisipan ko nalang maglaba. Isinalang ko 'to sa washing machine saka ko kinuha ang walis. Ngunit hindi pa ako nakakalapit ng bigla akong nahilo kaya napasapo ako sa nuo ko. Kumurap-kurap pa ako para mawala ang hilo ko ngunit hindi talaga nawala kaya umupo ako sa pang isahang sofa. Isinandal ko ang likod ko saka hinilot ang nuo ko. Lagi ko nalang 'to nararamdaman ngunit agad naman nawawala 'yon kapag pinapahinga ko. Hindi ko nalang sinabi kay Zacreus dahil nga sa dumating si mama Isabel at lumipat kami ng bahay. Naramdaman kong nawawala na ang pagkahilo ko kaya agad akong tumayo para tapusin ang ginagawa kong paglilinis. Nang matapos ako ay agad akong umakyat sa kwarto para magpalit ng bed sheet. Inayos ko narin ang closet namin sa kwarto saka ko inayos ang mga nagkalat kong make-up. Napatigil ako ng makita ang lagayan ng sanitary pad ko na wala pang bawas. Habang nakatitig ako ay inaalala ko kung dinatnan ba ako last month. Napasinghap ako ng marealize ko na wala akong dalaw nong nakaraang buwan. Dali-dali akong tumayo saka kinuha ang cellphone ko na nasa bedside table saka ako nag search. Napa-upo ako sa kama habang binabasa ang lumabas sa mga sinearch ko. Isa lang ang pwede kong gawin para ma-kompirma kung totoong buntis ba talaga ako. Nagmamadali akong nagbihis saka kinuha ang wallet ko para makabili ng pregnancy test. Lumabas ako ng bahay at siniguradong naka lock ang pinto at baka pasukin kami ng magnanakaw. Naglakad ako papunta sa gate ng subdivision saka ako naglakad papunta sa pharmacy. May malapit kasi na pharmacy dito kaya hindi ko na kailangan pang lumayo. Bumili ako ng dalawa para hindi ako magkamali, first time kong gumamit nito kaya kailangan may reserba. Umuwi din agad ako sa bahay at nagmamadaling pumasok ng banyo. Binasa ko lang ang instruction saka ko 'yun ginawa. Pinagpapawisan ako habang hinihintay ang guhit ng pregnancy test. Lumabas ang unang guhit kaya napakurap-kurap ako ng sumunod ang pangalawa. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na buntis ako lalo na't bata pa ako at nag-aaral. Pero sa t'wing naiisip ko si Zacreus ay napapangiti nalang ako. Alam ko kasing matutuwa siya kapag nalaman niyang buntis ako. Three days from now, mag bi-birth day na ako. Ito na yata ang regalo samin ng panginoon para samin ni Zacreus. Nakapag plano na si Zacreus na sa birthday ko ay pupunta kami ng Japan. Gusto niyang ipasyal ako do'n kaya agad akong pumayag. Pinulot ko ang pt na ginamit ko saka ako lumabas ng banyo. Mamaya ko nalang 'to sasabihin kay Zac kapag nakauwi na siya ng bahay. Hinahaplos ko ang tyan ko habang lumabas ng kwarto dahil pakiramdam ko ay kumukulo ang tyan ko. Agad akong tumungo sa kusina at naghanap ng makakain. Excited akong dumating ang gabi para masabi ko na kay Zacreus ang magandang balita. Sigurado akong matutuwa siya at baka maiyak pa 'yun kapag nalaman niya. Lagi ko kasi siyang naririnig sa t'wing gabi na nagdarasal bago matulog na sana ay bigyan kami ng anak ng panginoon. Lumipas ang mga oras hanggang sa gumabi na. Nakaluto narin ako ng dinner namin ni Zacreus kaya hinihintay ko nalang na dumating siya. Nasa sala ako habang nanonood ng tv para magpalipas ng oras. Nagtataka naman ako dahil 8PM na wala parin si Zacreus. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa tabi ko saka tinignan kong nag message ba sa 'kin ang asawa ko ngunit kahit isa ay walang text. "Baka busy pa ang asawa ko." saad ko habang nakatitig sa cellphone. Lumipas pa ang isang oras ngunit wala paring Zacreus na dumating. Hindi ko alam pero kinakabahan ako, hindi rin ako mapakali habang nakatayo ako sa pinto at hinihintay na dumating siya. Hanggang sa nag 11PM na ay wala parin si Zacreus. Nagtataka ako dahil alam kung tatawag siya sa 'kin kapag na-late siyang umuwi, pero ngayon talaga ay wala. Hindi ko alam kung sino ang tatawagan ko para magtanong kung nasaan si Zacreus. Gusto ko sanang tawagan si mama Isabel, ngunit naalala ko ang mukha niya n'ong ng nakaraang araw na galit-galit samin ni Zacreus kaya hindi ko nalang tinuloy. Kung si kuya Reagan naman ay wala 'to sa Pilipinas kaya malamang wala 'tong alam. Nagtipa ako ng message kay Zacreus saka ko sinend 'yon. Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko at hinihintay ang reply niya ngunit wala. Tinry kong tawagan ang phone niya ngunit naka patay 'to. Nasaan ka na ba, Zacreus.. sabi ng tinig na nasa isip ko habang tinatawagan ulit ang number niya. Napabuga ako ng hangin habang palakad-lakad sa sala habang hinihintay parin si Zacreus. Nagmadaling araw nalang ay hindi talaga siya dumating. Sobrang pag-aalala na ang nararamdaman ko kaya hindi ko magawang matulog. Tinry ko ulit tawagan ang number ni Zacreus ngunit hindi parin nag ri-ring 'to. Kinabukasan, nagising ako na nasa mahabang sofa nakahiga. Nakatulogan ko pala ang kahihintay kay Zacreus kagabi. Umakyat ako sa hagdan saka pumasok sa kwarto at agad naligo. Napagdesisyonan ko nalang na puntahan si Zacreus sa companya niya. Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng bahay saka naglakad palabas ng subdivion saka pumara ng taxi. Sinabi ko sa driver kung saan ako papunta. Nakarating naman kami agad kaya inabot ko ang pamasahe ko kay manong saka ako bumaba ng taxi. Nagmamadali akong naglakad patungo sa entrance ng companya ni Zacreus na agad naman akong hinarang ng guards. Kumunot ang nuo ko habang nakatingin sa mga guards na ayaw akong papasokin. "Sorry po Ma'am Herrah, pero pinagbabawal ka pong pumasok sa loob ng companya." Sabi ng isang guard. "Bakit naman po? asawa po ako ni Zacreus kaya bakit bawal po akong pumasok? Gusto ko lang naman malaman kung nandito ba siya." Inis kong sabi kaya kumunot ang nuo ng dalawang guard at talagang nagkatinginan pa silang dalawa. "Ma'am, wala po dito si sir Zacreus. Kahapon pa po siya wala dito. Inaasahan nga po namin ang pagdating niya kahapon ngunit hindi po siya dumating." Sabi ni kuya guard sa 'kin. Mas lalong kumunot ang nuo ko ng malaman ko 'yun. Kung ganon.. nasaan si Zacreus? Napasapo ako sa nuo ko dahil nahihilo ako. Agad naman akong inalalayan ng dalawang guard kaya hindi ako natumba. Sobrang pag-aalala na ang nararamdaman ko sa pagkawala ni Zacreus. Napilitan akong umuwi ng bahay dahil kunting-kunti nalang ay bibigay na ang katawan ko. Lumipas pa ang tatlong linggo ngunit hindi parin nagpapakita sa 'kin si Zacreus. Hinihintay ko parin siya hanggang ngayon at tinatawagan ang number niya ngunit ganon parin hindi parin ma-kontak. Lumapit narin ako kay mama Isabel at pumunta sa bahay niya ngunit hindi ako pinapasok sa loob ng bahay. Hanggang gate lang ako at ayaw akong papasukin ng mga maids. Nag report narin ako sa mga pulis pero hanggang ngayon ay wala paring update. Napag desisyonan kong lumabas ngayong araw dahil ubos na ang stock namin sa bahay. Pumunta lang ako sa malapit na grocery store at bumili ng mga kailangan namin sa bahay. Nagmamadali ang kilos ko at baka umuwi si Zacreus sa bahay at maabotan niyang wala ako. Araw-araw akong naghihintay sa pag-uwi niya at hindi nawawalan ng pag-asa. Alam kung uuwi siya sa piling ko. Pagkatapos kong mag grocery ay agad akong lumabas bitbit ang mga pinamili ko. Ngunit napahinto ako sa paghakbang ng may mahagip ang mga mata ko. Tinitigan ko 'to ng mabuti at hindi nga ako nagkamali. Si Zacreus 'yon, nakatayo siya sa harap ng isang restaurant. Medyo malayo ang pwesto ko kaya hindi ko na siya tinawag, bagkos ay nagmamadali akong naglakad papunta sakanya habang may ngiti sa labi. Ngunit agad akong napahinto sa paghakbang kasabay no'n ay pagkawala ng ngiti ko sa labi ng makita kong may lumapit na babae kay Zacreus. Tumulo ang luha ko ng makita ko ang sumunod na pangyayari. Niyakap ni Zacreus ang babae saka 'to hinalikan sa labi bago sila tuluyang naglakad papunta sa kotseng naka parada. Nakasunod lang ang tingin ko sa papalayong kotse nilang dalawa hanggang sa tuluyan ko na 'tong hindi matanaw. Bakit.. bakit Zacreus?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD