Chapter 17
WALA AKONG GINAWA ngayon kundi umiyak ng umiyak. Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang nakita ko kahapon. Alam kung si Zacreus ang nakita ko. Ngunit, pinipilit ko ang aking sarili na hindi siya ang nakita ko kahapon.
Pero kahit anong pilit ko ay naiiyak parin ako kasi kahit anong loko ko sa sarili ko ay alam kong si Zacreus 'yon.
Mag a-apat na linggo na siyang hindi nakakauwi sa 'kin kay nagtataka ako kung bakit may kasama siyang babae. Hindi ba niya naisip na nag-aalala ako sakanya. Halos mabaliw ako kaka-isip kung nasaan siya o kung nasa maayos ba siya, tapos makikita ko lang pala siya na may kasamang iba.
Napapa-iyak nalang ako sa t'wing naiisip ko ang imahe ni Zacreus at ang babae na naghahalikan.
Pinipilit ko na nga lang na hindi umiyak dahil baka mapano ang baby na nasa sinapupunan ko. Balak ko sanang magpacheck up mamaya. Kaso nag-aalinlangan ako dahil namumugtong ang mga mata ko.
Pero dahil kailangan ni baby ng vitamins kaya kinailangan kong pilitin ang sarili ko. Naligo na ako kanina dahil balak ko sanang maaga ako aalis para mag pa-check up.
Nagbibihihis ako at isinuot ang isang plain na dress. Naglagay nalang ako ng kunting make-up para naman hindi halata ang namumugtong kong mga mata.
Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng bahay saka naglakad palabas ng gate. Palinga-linga ako para maghanap ng taxi na masasakyan. May pera namang iniwan sa 'kin si Zacreus, naka lagay 'yon sa isang volt at birthday ko ang password kaya may pera akong nagagamit kahit papano.
Hindi man lang ako nakapag celebrate ng birthday kasama siya. Mag-isa lang ako n'ong araw nang birthday ko dahil busy ako sa paghahanap sakanya.
May humintong taxi sa harap ko kaya agad kong binuksan ang pintuan sa back seat saka ako pumasok sa loob. Sinabi ko lang sa driver kung saan ako pupunta.
Hindi din naman nagtagal ay nakarating ako sa hospital. Agad akong lumapit sa information desk at nag fill up saka ako pinapunta sa obgyne.
Pagpasok ko ay agad akong chineck up at kinuha ang bp ko at tinanong kung kailan ang huli kong regla. Napangiti ako ng makita ko sa monitor ang baby ko. Halos mapa-luha ako sa tuwa mg marinig ko ang heartbeat niya. Nalaman ko din na two months na pala akong buntis.
Mabuti nga daw sabi ng ob ko at hindi daw ako panay suka sa umaga. Sinabi ko lang kay doc na kapag nasobraan ako sa pagod do'n lang ako nahihilo.
Niresetahan lang niya ako ng vitamins namin ni baby at ang gatas na kailangan kong bilhin para sa development ni baby. Babalik ulit ako next month dahil malapit na akong mag three months din, kunting weeks nalang. Kaya naman pala ma-umbok na ang tyan ko.
Nagpasalamat lang ako sa obgyne ko saka ako lumabas. Naglalakad ako habang binabasa ko ang nireseta sa 'kin ni doc. Nag-angat ako ng tingin at agad na pakurap-kurap ng makita ko ang lalaking nakasalubong ko.
Deritso lang ang lakad nito at hindi man lang niya ako pinansin na para bang hangin lang ako. Napalingon ako sa likod niya saka ko siya hinabol.
"Zacreus!!!" Tawag ko sa pangalan niya kaya napahinto 'to. Lumingon siya sa 'kin habang naka kunot ang nuo niyang nakatitig.
"Zacreus!!" Maluha-luha kong tawag sa pangalan niya.
"Excuse me, do we know each other?" Naka kunot nuong tanong niya.
Nagtataka naman akong nakatitig sakanya at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Ngunit hindi ako nakapagpigil at mabilis akong lumapit sakanya saka ko siya niyakap ng mahigpit.
"Miss na miss na kita." Umiiyak kong sabi.
Natulos naman siya sa ginawa ko at parang nanigas ang katawan niya sa pagkakayakap ko sakanya. Hindi man lang niya ako niyakap pabalik. Nag-angat ako ng tingin sakanya at nakita ko ang mukha niya na parang nagtataka sa ginawa ko.
"Hindi kita kilala," saad niya saka binaklas ang mga kamay ko na nasa beywang niya at tinulak niya ako ng mahina.
"Zacreus ako ang asa—
"Hon!!" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng marinig ko ang salitang 'yon. Lumapit sa gawi naming ang isang magandang babae at halatang mayaman 'to sa porma palang niya.
Tumingin ako sa gawi ni Zacreus na may ngiti na sa labi habang nakatitig sa babae. Tinulak pa niya ako para makadaan siya papunta sa babae na tumawag sakanya ng hon.
Agad niyakap ni Zacreus ang babae saka hinalikan sa labi. "I miss you, future wife." Sabi ni Zacreus sa babae na nag paguho ng mundo ko.
Pinipilit kong hindi umiyak sa harap nila habang nakatitig sa dalawa na magkayakap. "Miss mo na ako agad?" Naka ngiting tanong ng babae kay Zacreus.
Tumingin sa 'kin ang babae at agad kumunot ang nuo. "Kilala mo?" Tanong ng babae kay Zacreus.
Agad na umiling si Zacreus saka hinalikan ang babae sa pisngi. "No hon! Hindi ko siya kilala." Sagot ni Zacreus saka tumingin sa 'kin.
"Nagtataka nga ako kung bakit niya ako niyakap." Dagdag na sabi ni Zacreus na ikinatigil ng babae at masama akong tinignan.
"Miss.. kung sino ka man, pwede bang layuan mo ang asawa ko." Sabi niya sa matalim na boses. Itinago pa talaga niya si Zacreus sa likod niya habang sinasabi niya 'yun. Nagtataka ako kung bakit ganito ang nangyayari. Bakit hindi ako kilala ng asawa ko? Bakit iba ang babaeng kasama niya?
"Hayaan mo na hon. Baka napakagkamalan lang niya ako." Sabi ni Zacreus sa babae na parang pinapakalma 'to dahil nanlilisik 'tong nakatingin sa 'kin.
"Let's go hon." Sabi ng babae saka hinawakan ang kamay ni Zacreus at nag mamadaling umalis sa harap ko.
Sinundan ko sila ng tingin habang tumutulo ang luha ko. Ano ba talagang nangyayari? Kailangan kong maka-usap si kuya Reagan at baka may alam siya sa nangyayari sa kuya niya.
Kailangan kong mabawi si Zacreus sa babaeng 'yon. Hinaplos ko ang tyan ko at pilit na pinapakalma ang sarili.
Agad akong naglakad palabas ng hospital at sumakay ng taxi. Umiiyak parin ako habang nakasakay ako kaya tinanong ako ni manong kung okay lang ba daw ako. Tanging tango lang ang sagot ko dahil hindi ko kayang magsalita.
Inabot ko kay kuya ang pamasahe ko nang makarating kami sa gate ng bahay namin ni Zacreus. Bumaba agad ako at pumasok ng bahay. Kinuha ko ang cellphone ko sa sling bag saka ako umupo sa pang-isahang sofa.
Tinawagan ko si kuya Reagan at naghihintay lang ako na sagutin niya ang tawag ko. Naka-ilang ring pa 'to bago tuluyang sagutin ni kuya Reagan ang tawag ko.
"Herrah?" Bungad niya sa 'kin.
"Kuya Reagan.." sambit ko sa pangalan niya.
"s**t. Herrah! Last week pa kita hinahanap. Ang akala ko'y wala ka na dyan sa bahay ni kuya. Pumunta kasi ako dyan kaso walang tao." Sabi niya kaya natigilan ako. Naalala ko nga pala na lagi akong wala sa bahay n'ong nakaraang linggo dahil sa kakahanap kay Zacreus.
"Nasaan ka? Pupuntahan kita." Sabi niya.
"Nasa bahay ako ni Zacreus, kuya Reagan." Sagot ko.
"Okay. Wag kang aalis dyan." Sabi niya at agad na pinatay ang tawag.
Napasapo nalang ako sa nuo ko habang hinihintay si kuya Reagan. Kailangan kung malaman kung ano ba talaga ang nangyari kay Zacreus. Nasasaktan ako habang inaalala ang mga ngiti niya habang nakatingin sa babae. Ganon kasi siya ngumiti sa t'wing nakatitig siya sa 'kin. Miss ko na siya, miss ko na ang asawa ko. Miss ko na si Zacreus.
Dumating si kuya Reagan kaya agad ko siyang pinapasok sa bahay.
"Kuya Reagan.. bakit ganun? Bakit hindi ako maalala ni Zacreus?" Naiiyak kong sabi.
"f**k!" Mura niya saka hinilot ang sentido niya.
"Kailangan ko sanang umalis n'ong nakaraang weeks pero hindi ko ginawa dahil kinailangan kitang hanapin. Akala ko talaga ay umalis ka dito sa bahay ng kuya ko." Mahaba niyang sabi.
"Makinig ka, Herrah. Naaksidente si kuya Zacreus tatlong linggo na ang nakakaraan. Nong nangyari 'yon ay wala ako sa Pilipinas. Si mommy ang nag asekaso sa nangyari kay kuya kaya sinabi ko kay mommy na tawagan ka para malaman mo lalo na't asawa ka ni Zacreus. Ang akala ko ay tinawagan ka ni mommy, ngunit hindi pala. Pagkarating ko sa Pilipinas ay agad akong umuwi sa bahay sa pag-aakalang nandoon kayo ni kuya." Mahabang sabi niya saka bumuga ng hangin.
"Nandoon nga si kuya pero ibang babae ang kasama niya. Hindi din ako maalala ni kuya kaya sinabi sa 'kin ni mommy na may amnesia si kuya. Pinakilala ako ni mommy kay kuya at do'n ko lang nalaman na ang babaeng kasama niya ang fiance niya daw. Nagalit ako kay mommy dahil bakit si Kaye ang pinakilala niya kay Zacreus at hindi ikaw." Sabi ni kuya Reagan na ikina-iyak ko lalo.
"I'm sorry sister in law. Pero ginawa ko ang lahat para sabihin kay kuya Zac na may asawa siya ngunit agad akong pinapa-alis ni mommy ka t'wing nagtatangka akong lumapit kay kuya. Kinailangan pa kitang hanapin para masabihan kita pero sa t'wing pumupunta ako dito ay wala ka." Mahabang sabi ni kuya Reagan.
Tanging mga iyak ko lang ang nagawa ko habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni kuya Reagan. "Tatawag sana ako sa'yo pero nagtaka ako kung bakit wala na ang phone number mo sa cellphone ko." Dagdag niyang sabi saka sumandal sa likod ng upuan.
"Anong gagawin ko kuya Reagan?? Kailangan kong mabawi si Zacreus." Sabi ko habang pinapahid ang luha ko sa pisngi.
"Tutulungan kita. Kailangan ko lang talaga makalapit kay kuya pero ang bwesit na babaeng 'yon hindi ako pinapayagang makalapit sakanya. Hindi narin ako umuuwi sa bahay dahil galit ako kay mommy sa ginawa niya." Galit na sabi ni kuya Reagan.
"Gagawin ko ang makakaya ko sister in law bago ako bumalik ng Canada. May problema ang companya ko do'n kaya dapat sana n'ong nakaraang araw pa ako pumunta." Sabi niya.
"Gawin na po natin 'yon kuya Reagan. Kailangan makalapit ako kay Zacreus. Kahit ako nalang ang magsasabi sakanya." Pursigedo kong sabi.
"Sige. Mag pla-plano tayo." Naka ngiting sabi ni kuya Reagan kaya napangiti ako. Mabuti nalang at nandito si kuya Reagan, kung wala siya baka mabaliw na ako sa kaka-isip kay Zacreus.
Gumawa kami ng plano ni kuya Reagan kung paano namin malalapitan si Zacreus na wala ang babae. Nalaman ko na nagsasama na pala sila ni Kaye at Zacreus sa isang condo unit. Kaya kinagabihan wala akong ginawa kundi mag imagine sa pwedeng mangyari. Naiimagine ko na nagtatalik silang dalawa ni Kaye kaya mas lalo akong naiiyak.
Kailangan ko na siyang makuha ulit. Akin si Zacreus, ako ang asawa niya kaya kailangan ko siyang ipaglaban.