Chapter 18

1896 Words
Chapter 18 MAAGA AKONG NAGISING at naligo dahil ngayong araw namin gagawin ni kuya Reagan ang plano namin. Nag text sa 'kin si kuya Reagan na nagkita daw sila kagabi ni Zacreus. Sinabi din sa 'kin ni kuya Reagan na sinabihan daw niya si Zacreus na may asawa siyang naghihintay. Kumunot lang daw ang nuo ni Zacreus at agad sinuntok si kuya Reagan sa mga pinagsasabi niya. Kaya napagdesisyonan ni kuya Reagan na ako ang makikipag usap kay Zacreus. Si kuya Reagan naman ang bahala kay Kaye. Kailangan namin 'tong magawa dahil naawa din ako kay kuya Reagan sa problemang kinakaharap niya. Bumaba ako ng hagdan at hinihintay ang pagdating ni kuya Reagan. Susunduin kasi niya ako dito sa bahay. Ilang minuto lang ay dumating 'to kaya agad akong lumabas ng bahay. "Handa kana ba, sister in law?" Naka ngiti niyang tanong sa 'kin ng makita niya ako. "Oo, kuya. Kailangan kong mabawi ang asawa ko." Sagot ko saka sumakay sa passenger seat. Agad pina-usad ni kuya Reagan ang sasakyan ng makapasok ako. Lumingon ako sa gawi niya ng mapansin kong may pasa siya sa ibabang labi. "Ang lakas talaga sumuntok ni kuya." Sabi niya habang naka ngiti. Napa-iling nalang ako hanggang sa may maalala ako. "Nga pala kuya Reagan, buntis ako." Sabi ko. "What?" Ani niya habang palipat-lipat ang tingin sa kalsada at sakin. "Buntis ka talaga??" Hindi ka makapaniwalang tanong niya. "Oo nga. Malapit na nga mag three months eh," naka ngiti kong sabi sabay haplos sa tyan ko. "What the!! Kailangan talaga nating maka-usap si kuya Zac." Sabi niya saka pinaharurot ang sasakyan. Nakarating naman kami agad dahil hindi masyadong traffic. Nagmasid lang kami ni kuya Reagan sa labas ng condo building kung saan nakatira sila Zacreus at ang babae. Lumipas ang isang oras ay nakita naming lumabas si Kaye kasama si Zacreus na naka yakap sa beywang ng babae. "This is it pancit, sister in law." Sabi ni kuya Reagan kaya natawa ako. Sinundan lang namin ang dalawa hanggang sa pumasok sila sa isang grocery store. Inayos ko ang suot kong sombrero saka ako lumabas ng kotse, maging si kuya Reagan ay lumabas narin ng sasakyan. Dali-dali kaming naglakad papasok ng grocery store at agad hinanap si Zacreus. May tinawag pa si kuya Reagan na isang staff ng store at parang may inutos 'to. "Pag nakita mong lumiko si Zacreus dyan, hilain mo na agad." Sabi pa niya saka naglakad sa ibang dereksyon. Naglakad din ako sa kanan at hinihintay si Zacreus. Sumenyas sa 'kin ang staff na kausap ni kuya Reagan kanina kaya agad akong tumingin sa tinuro niya. Napangiti ako ng makita ko si Zacreus na mag-isang pumipili ng can goods. Naglakad ako ng mabilis kay Zacreus saka ko hinawakan ang kamay niya. "What the f**k!" Mura niya at nagpupumiglas sa pagkakahawak ko. Nakawala ang kamay niya kaya napalingon ako kay Zacreus. Kunot nuo 'tong nakatingin sa 'kin kaya tinanggal ko ang suot kong shades at sombrero. "Ikaw na naman," walang emosyon niyang sabi sa 'kin. "Ano na naman ba kailangan mo?" Masungit niyang tanong. Halata sa mukha niya ang pagkadisgusto na makita ako. "Zacreus.. ako 'to si Herrah. Ako ang asawa mo. Kasal tayo, Zacreus at malapit na magka-anak." Mabilis kong sabi dahil baka sumulpot ang babae. "Asawa? Paano kita naginga asawa eh, hindi naman kita kilala." Sabi niya saka tumingin sa 'kin mula ulo hanggang paa bago nagsalita ulit. "Wala akong makitang ka interest-interest sa'yo. Wala ka sa kalingkingan ng fiance ko kaya paano mo nasabing pinakasalan kita." Sabi niya sa galit na boses. "Hindi naman siguro ako baliw para pumatol sa isang katulad mong babae. Kaya nagtataka ako sa sinasabi mong kasal tayo." Dagdag pa niyang sabi. Hindi ko mapigilang hindi maiyak sa sinabi niya. Ngunit, pinakita ko sakanya ang picture namin sa cellphone ko. Kumunot ang nuo niya lalo habang nakatitig siya sa screen. "Mukang baliw yata ako dyan! Kung totoong asawa kita, pwes.. hintayin mo ang divorce paper na ipapadala ko sa'yo. Hindi kita gusto! Tanging si Kaye lang ang babaeng gusto kong pakasalan at hindi ikaw 'yun." Galit niyang sabi saka ako binangga sa balikat at naglakad palayo sa 'kin. Umiiyak akong nakayuko habang hawak ang cellphone ko. Pinakita ko na sakanya ang pruweba ko pero bakit ayaw parin niyang maniwala. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko at iniisip na kaya ko pa 'to. Ilalaban ko parin siya kahit masakit na. Hindi ko susukuan ang asawa ko. Babalik at balik siya sa 'kin kaya kailangan kong gawin ang lahat mapaghiwalay ko lang sila ni Kaye. Baka kasi mabuntis pa niya 'to lalo na't magkasama sila sa isang bubong. Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko kaya napa-angat ako ng tingin. Nakita ko si kuya Reagan na agad akong hinila palabas ng grocery store. Nagpatianod nalang ako habang umiiyak parin sa mga sinabi sa 'kin ni Zacreus. Alam ko namang hindi niya sinasadyang sabihin 'yon dahil may amnesia siya. Nang makapasok kami sa kotse ni kuya Reagan, wala akong imik habang nakaupo sa passenger seat. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana hanggang sa nadaanan namin ang isang store na mga nagbebenta ng mga gamit ng baby. "Kuya Reagan.. pwede bang huminto ka muna saglit." Sabi ko. "Sige." Tipid niyang sagot saka ipinarada ang sasakyan. Agad akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa store. Inilibot ko ang tingin ko hanggang sa maka kita ako ng notebook na may design. Kinuha ko 'yon saka binuklat ng may naisip ako. Ilalagay ko dito ang journey ng pagbubuntis ko. Ilalagay ko dito ang ultrasound namin ni baby maging ang pregnancy test na ginamit ko. Para kapag bumalik na si Zacreus sa 'kin may mapapakita ako sakanya na journey ng anak namin. Kinuha ko ang notebook saka ako naglibot-libot ulit. May nakita akong cute na damit ng pang new born, unisex naman siya kaya kinuha ko. May design 'tong duck kaya napangiti ako. Ang cute kasi tignan ng design. Pumili pa ako ng iba hanggang sa five pcs na ang kinuha ko. Agad akong pumunta sa counter para bayaran ang mga pinamili ko. Inabot naman sa 'kin ng cashier kaya agad akong lumabas ng store. Naglakad ako papunta sa sasakyan ni kuya Reagan saka ko binuksan ang pintuan ng kotse. Pumasok ako sa loob kaya pina-usad ni kuya ang sasakyan. "Ano mga pinamili mo?" Tanong niya sa 'kin habang pinapa-usad ang sasakyan. Kinuha ko ang damit na napili ko sa supot saka ipinakita kay kuya Reagan. "Ang cute naman niyan." Naka ngiti niyang sabi. Alam kong nililibang lang ako ni kuya Reagan. Kahit hindi ko sabihin ang pinag-usapan namin ni Zacreus sakanya ay alam kong nararamdaman 'yon ni kuya Reagan. Sa iyak ko palang kanina ay mahahalata na ang hindi magandang nangyari. Huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin ni Zacreus kaya agad kong tinanggal ang seatbelt. "Herrah, mag papaalam lang ako sa'yo. Kailangan ko ng umalis bukas kaya hindi kita masasamahan." Sabi ni kuya Reagan kaya napangiti ako. "Ayos lang 'yon kuya. Wag kang mag-alala sa 'kin, kaya ko na 'to. Asahan mo.. pagbalik no sa Pilipinas, kami na ulit ang magkasama ni Zacreus." Naka ngiti kong sabi. "Aasahan ko yan, sister in law." Sabi niya saka tinapik ang balikat ko. "Alagaan mo ang sarili mo, okay? Si baby, alagaan mo din. Bibili ako ng gamit niya pag-uwi ko." Naka ngiti niyang sabi kaya tumango ako. "Sige, kuya. Mag-iingat ka!" Sabi ko saka lumabas ng sasakyan niya. Hinintay ko munang maka-alis ang sasakyan ni kuya Reagan saka ako pumasok sa loob ng bahay. Malungkot akong naglakad paakyat ng hagdan para tumungo sa kwarto. Hindi na nga rin ako pumasok sa school dahil inuna ko ang problemang 'to. Pabagsak akong nahiga sa kama habang nakatitig sa picture frame. Inabot ko 'yon sa bedside table saka ako humiga ulit sa kama. Hinaplos ko ang mukha ni Zacreus na naka ngiti sa picture habang nakayakap sa 'kin. Humagolgol ako ng iyak saka hinalikan ang picture niya saka ko 'to niyakap. Gusto ko na siyang makasama ulit. Gusto ko ng mayakap si Zacreus. Nami-miss ko na sa t'wing nagpapa-baby siya sa 'kin at laging nag papalambing. Miss ko ng haplosin ang mukha niya, ang maamoy siya, ang mga halik niya. Sana.. maalala na ako ng asawa ko para makabalik na siya sa piling ko. Bumangon ako sa pagakakahiga saka kinuha ang binili ko kanina. Kinuha ko ang mga gamit ko saka ballpen at nagsulat sa notebook. Ginunting ko din ang unang ultrasound ng anak ko at idinikit 'yon sa unang pahina ng notebook. Nagsulat ako do'n kong ilang weeks na si baby ko. Nilagyan ko pa ng design ang picture ng ultrasound niya saka ko din inilagay ang pregnancy test na ginamit ko. Idinikit ko 'yon sa journal at nagsulat kung anong pakiramdan ko ng araw na malaman kong buntis ako. Sinulat ko din sa notebook ang nangyari kanina kaya napa-iyak ako. Para akong nakikipagkwentuhan sa anak ko sa pamamagitan ng pagsusulat. "Pupunuin natin 'to anak hanggang sa lumabas ka sa tyan ni mommy." Naka ngiti kong sabi sabay haplos sa tyan ko. "Pangako anak, hindi ko susukuan si daddy mo. Makaka-asa ka na kapag nailuwal ka ni mommy, kasama natin si daddy. Kaya kapit lang anak ha!" Pagkakausap ko sa anak ko na nasa sinapupunan ko. Nang matapos ako sa pag susulat at pag de-design ng journal ay agad kong isinara 'yon saka itinabi sa kama. Nilabas ko din ang damit na binili ko sa anak ko at hinalikan 'to. Naisipan kong magluto ng pagkain dahil nagugutom na ako. Kaya mabilisan lang ang ginawa kong luto para maka-kain na ako dahil iinom pa ako ng vitamins. Nang matapos akong kumain ay binuksan ko ang cellphone at agad nag search kung paano magtahi ng damit ng baby. Gusto kong gawan ng damit ang anak ko para malibang ako at hindi maisip ang sinabi ni Zacreus kanina. Ayaw kong ma-stress at baka mapano pa ang anak namin. Nanunood lang ako hanggang sa naisipan kong umorder ng mga gagamitin ko. Dalawang oras lang ang hinintay ko at dumating din agad ang order ko kaya agad akong nagsimulang mag gantsilyo. Sinusundan ko lang ang pinapanood ko sa youtube at talagang masasabi ko na mahirap. Muntik pa akong sumuko dahil ang sakit pala sa kamay. Pinatay ko nalang ang cellphone ko at naisipang bukas ko na ulit 'to gagawin. Pinalibot ko ang paningin ko sa bahay namin at agad napaluha habang inaalala ang sandali naming pagsasama ni Zacreus dito sa bahay. Kaya ayaw kung wala akong ginagawa dahil alam kong maiiyak lang ako. Pinulot ko ulit ang ginantsilyo ko at agad ginawa ulit 'to. Magdidilim na sa labas pero ako hindi parin tinitigil ang pang gagantsilyo sa ginagawa kong damit ng anak ko. Kahit isa man lang ang magawa ko ay ayos na sa 'kin 'yon. Gusto ko paglabas ng anak namin ni Zacreus ay masuot niya 'to. Naramdaman kong sumakit na ang kamay ko kaya tinigil ko na. Napangiti ako habang binubuklat 'to dahil malapit ko ng matapos. Gusto kong lagyan 'to sa gilid ng word na baby. Ipinikit ko ang mga mata ko habang naka sandal sa likod ng upuan para makapagpahinga ako. Iniisip ko parin ang sinabi sa 'kin ni Zacreus tungkol sa divorce. Sana, hindi niya totohanin 'yon. Ayaw ko siyang bitawan kaya ipaglalaban ko siya hanggang sa makabalik ang alaala niya. Hihintayin ko ang pagbabalik mo,daddy. Mahal na mahal kita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD