PROLOGUE
*CAMPUS MALDITA POV*
"Young lady!"
May kumakatok sa likuran ng pintuan ko habang tawag tawag ang pangalan ko.
"Young lady!"
Bw*s*t na katulong 'yan. Ang sarap ng tulog ko, mag sisisigaw ba naman. Puta inaantok pa ako eh. Storbo!
Wala akong magawa kun 'di bumangun at tunguhin ang pinto saka binuksan iyon.
"WHAT!!!" pasigaw kong bungad sa kanya. At..
Luhh, puta gusto kung matawa sa itsura ng 'di naman katandaan naming katulong na 'di ko man lang alam ang pangalan. Paano ba naman kasi, ang mukha niya parang tilapyang natuyuan ng tubig.
"E-ehh, k-kasi po, b-baka po malate kayo sa klase young lady. Kaya pinagigising kayo ni Manang Melinda." Pautal pang turan nito.
Si Manang Melinda ang yaya na nag alaga sa akin mula ng ipinanganak ako actually dalawa sila kaso namatay ang isa, pinatay to be exact, siya na rin ang mayordoma sa mansion na ito.
"Anong oras naba?" pataray kong tanong saka sumandal sa pintuan.
"M-malapit na pong mag alas otso young lady." Parang takot na sabi ng katulong na nakayuko lang.
Aba, sira ulo.
"WHAT!!" sigaw ko na naman sa kanya.
Muntik pa siyang pamatalon sa sigaw ko, at dahil do'n ay nag mistulang bangkay na ang mukha niya dahil sa putla.
"Putik bakit ngayon mo lang ako ginising!!"
"Eh , young lady, katunayan niyan, k-kanina pa ako katok ng katok."
Binigyan ko siya ng mala demonyong titig.
"Get lost!! Go to hell!!" galit kong sabi.
Nag aaburido na yung utak ko. Hindi ako puwedeng malate first day of school ngayon. Dapat hindi ako malate.
" Y-young lady. Hindi ko po alam kung saan yung hell eh.Taga probinsya po kasi ako. Hindi ko kabisado ang siyudad."
Napanganga ako sa narinig ko mula sa katulong na nasa harap ko. Aba't nang-aasar ba ito? Talagang namimilosopo o pa inosente lang? 'Nyita oo.
"Layas!" bulyaw ko sa kanya at tarantang umalis na halos liparin na ang hagdan pababa. Sira ulo.
"Aga-aga,mainit pa yang ulo mo sa sikat ng araw ah," singit ng pakialamera at bw*s*t kong kapatid. Ow, correction ampon kong ate. Hindi pa ako nabuo nakatadhana na ang ka bwesitan ko sa kanya.
"Pakialam mo? Mas masahol ka pa nga sa akin di' ba?" Pagkasabi kong iyon ay binalibag ko pasara ang pinto. Badtrip overload na ako.
Naglakad na ako patungo sa walk-in closet ko at hinanda ang soot kong damit. I'm not like other mayayaman na ang mga kasambahay pa nila ang nag hahanda ng mga susuotin nila. May iba pa na pinapaliguan pa sila, binibihisan, sinusuklayan at kung ano-ano pang ginagawa, parang mga lumpo. Hindi ako ganun, si Ate Janah ganun, ayaw kong may ibang tao na pumapasok sa kwarto ko, I want all my privacy. Pati sa paglilinis ng kwarto ko ako na ang gumagawa. May mga bagay bagay dito sa loob ng kwarto ko na ayaw kong makita ng iba. Especially my parents. Yes, kahit sila hindi nakakapasok sa kwarto simula no'ng 12 years old ako. Simula no'ng naranasan ko kung paano e-reject ng sariling pamilya. Paano iparamdam na wala akong kwenta, walang silbi. Buti na lang sinusuportahan pa rin nila ako financially, which is good dahil kahit na hindi nila ako pansinin at least hindi ako nagugutom.
Enough with this drama dahil maliligo na ako. Pumunta na akong banyo and I turn on the hot and cold shower. At pinakiramdaman ang maligamgam na tubig na unti-unting bumabasa sa hubad kong katawan. I feel so relax. Tahimik akong nagdarasal na sana walang badvibes na mangyari ngayong araw, na sana sa pagbabalik ko sa school maranasan ko ulit ang maging masaya. Ah, ba't ba ako nagdarasal ng gano'n, para namang hindi ako sanay. Ever since my life is like a hell, bakit pa nga ba ako nagdarasal ng masayang buhay. Habang buhay pala akong magiging malungkot.
Binilisan ko na ang pagligo ko. Pagkatapos ko sa banyo ay mabilis akong nagbihis at nag-ayos saka lumabas na ng kuwarto. Pagbaba ko sa hagdan I saw Mom, Dad and Ate Jana on the dining area. Masayang kumakain habang nag kukwentuhan. I envy, ako dapat o kasali dapat ako sa masayang usapan nila. I am the real daughter but they see me not like one.
I saw Mom, exchange her glance towards me, pero agad namang umiwas ng tingin si Mommy saka bumalik sa pagtatawanan nila. I fell my tears falling down, ni hindi man lang niya ako pinalapit para makasalo sila. Yeah, this is happened not once but halos araw-araw, pero hindi pa rin ako sanay. Nasasaktan pa rin ako everytime they rejected me like I'm not there own blood and flesh.
Tumalikod na ako, saka pinahid ko ng palad ang luha ko. Gusto ko na agad lumayo, I don't want to hear there chuckles, to hear and think how happy they are even without me. That's hurting me too much. So badly!
*MAFIA BOSS POV*
" Master!"
" Master!"
Katok at tawag ng isang lalaki sa labas ng kwarto ko.
Argh. Nanggigising na naman 'tong si Bryan. Nilagyan ko ng unan ang ulo ko para di ko marinig ang pangbubulabog niya. Pero s**t, parang kapre talaga ang boses ng tarantado.
"Master! May sunog!" sigaw ulit nito.
Pero hindi ako tanga para maniwala sa walang hiyang iyon.
I dragged myself into a seating position and climb out my bed. Tinungo ko na ang pinto kung saan hindi magkamayaw sa kakakatok ni Bryan. Binuksan ko iyon, at tinapunan ko siya ng malamig na titig.
Ngumisi pa ito labas gilagid.
" What the hell bryan?!" Tiim bagang kung bungad sa kanya.
"Master, nakalimutan mo? Ngayon ang flight natin, going back to the Philippines," anunsyo nito.
Napakunot ako. Oo nga no?
"Bakit ba kasi umaga mo pina-booked ang ticket? Are you in a hurry Bryan?" Nayayamot kong turan.
"'Yon ang utos mo master, eh." Kibit balikat na turan nito.
Pagkasabi niyang iyon kinuwelyuhan ko siya.
"Are you kidding me?" galit kong sabi. Mainit talaga ang ulo ko pag bagong gising.
"Hey, easy I'm not. Your the one who asked me that," aniya pa habang nakataas ang dalawang kamay nito na parang sumusuko.
Tsk. Binitawan ko siya. Maybe I was kinda too busy. That's why I didn't remember when I asked that thing.
" Get lost," cold kong sabi.
" Master nag-uulyanin kana huh?" Pa kamot-kamot pang turan nito.
"Get out of my face or else I will kick your f*****g asshole!" Bantang sigaw ko pa sa kanya.
"Oo na, ito na po, Lolo." Talagang nang-aasar ang gagong 'to.
"You.." Pinulot ko ang tsinelas ko at binato sa tumatakbong unggoy.
Sapol sa ulo.
Kung hindi ko lang kaibigan ang unggoy na 'yon baka bala ang sumapol sa ulo ng hinayupak. Hindi 'yon nag iisa marami pa silang sira ulo rin.
Isinara ko na ang pinto nahiga pa ako ng saglit saka tumayo na at wala walang hinubad ang suot kong pajama at itinapon kung saan. Saka pumasok na ako sa banyo para maligo.
Ahh, I want to see Philippines na, it's been a while. Hindi ko alam pero I have this feeling na excited rin akong makita ang biological daughter ng Wilson family. Which I heard na, spoiled brat, walang kwenta, maldita at iba pa. Which is I heard mula sa imbestigador na inutusan ko. Kaya mas lalo akong na excite, how comes the Wilson have a daughter with that personality. Wilson known as the most intelligent, patient, humble and professional clan. How comes they raised a spoiled brat a dragon, and they also let her manage the University? Kaya mas na excite ako lalo, eh. I am wondering, I want to know that Polly Wilson. I want to know how real there story is, how spoiled she is and how capable she is.
__________
♡All the characters in this book have no existence, whatsoever outside the imagination of the author have no relation to anyone having the same name/s .
They are not even distantly inspired by any individuals known or unknown to the author and all the incidents are merely invention.