chapter3:#unknownguyses

1702 Words
*AT THE SCHOOL CAMPUS* Dumeretso na ako sa cafeteria. Habang nasa daan pa ako ay napapansin ko na wala masyadong studyante sa school ground. Usually kasi kapag mga ganitong oras maraming studyante na nagkalat sa school ground , sa hallway at sa cuse. But now? Where are they. Ipinilig ko ang ulo ko para mawaksi ang isiping iyon. Anyways, why should I care, right? "Goodmorning young lady, " paminsan minsang bati sa akin ng mga iilang studyante na nakakasalubong ko. Ngumingiti lang ako bilang ganti, 'di naman kasi ako gano'n ka strict. Baka isumbong pa nila ako kay mommy. " Ang gwapo nila no?" "Oo nga pero may kasungitan 'yong pinaka tisoy." Narinig kong bulungan ng dalawang studyante na nakasalubong ko. Galing sila sa loob ng cafeteria. Mga artista ang dalawang studyanteng iyon. "Hello young lady," sabay na bati nila. Ngumiti sila sa akin saka nilagpasan na ako. Napapailing na lamang ako. Hayyst, wala pa rin si Charizca. Nasaan na kaya iyong babaeng iyon. Lage nalang late. 'Di ko naman siya macontact kasi naka limutan kong mag-charge ng cellphone, ayon lowbat. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng cafeteria ay agad ko na iyong binuksan. Pagkabukas ko ay nagtaka ako ng makita ko ang mga babaeng studyante pati lalaki na nag kukumpulan sa isang mesa sa gitna ng cafeteria. Parang artista ang pinagkukumpulan nila dahil sa exciting na atmosphere na lumulukob sa buong cafeteria. "Ang gwapo talaga!" Tili ng isang babae. Ano kayang meron. At saka sino ba 'yang gwapo na 'yan, at ganyang ganyan sila, parang sinilihan ang mga pwet ng mga babaeng students. Hmm. Busyng busy kayo, huh. Isang kalabog ng pinto ang nagpatigil sa kanila.Dahil sa ginawa kong pagbalibag ng pinto ay nakuha ko ang attention ng mga madlang stupidyante. Lahat sila nakalingon sa akin. Ngumisi lang ako ng nakakaluko. At nag patuloy, nakita ko namang nagsibalikan ang mga haliparot sa kani-kanilang mesa at ang iba ay lumabas na. Gano'n sila pag nakita ako. Hindi ko na inusyoso ang pinagkukumpulan nila. Abala na ako sa paghakbang papunta sa table na talagang akin lang. "Bella!" Tawag ko kay Bella. Ah, about nga pala sa damit na pinabili ko sa kanya, well she have a good taste kaya nagustuhan ko iyon. And I like her, magaan agad ang loob ko sa kanya. "Yes young lady." Masiglang tugon nito nang makalapit sa akin. "Give me one serve of pinakamasarap na dish and beverage, ninyo dito. Make it a hurry huh, kasi I'm already hungry na eh, hindi kasi ako nakapag almusal," utos ko rito. Pag sinabi kong masarap, they already knew what I wanted at yun ang ese-serve nila. Kinuha ko ang iphone ko sa bag at isinaksak ko ang charger. May outlet naman dito, sinadya ko talagang palagyan iyon. Nasa pinakasulok ang mesa ko. Kahit wala ako ay hindi pa rin ito inuupuan ng kahit na sino. Because this is mine. Only mine. What's mine is mine! Magbabasa muna ako sa pocketbook while waiting, dinukot ko ang isang makapal na lebro mula sa LV handbag ko . Last chapter na ako sa Joana's murdered case na book title.This is gonna be exciting Sinimulan ko na ang pagbabasa, hindi pa ako nangagalahati ay napatigil ako ng maramdaman na parang may mga matang nanunusok sa akin. Kaya binaba ko ang lebro na binabasa ko at nag angat ng mukha. At nakita ko sa harap ng mesa na inukupa ko, kung sino ang nasa kabilang mesa na may three table apart ang layo. Anim na kalalakihan na panay tingin sa akin na parang adik, tapos bigla na lang nagpapakita ng grin smile. Mga sira ulo. They have all blessed with a gorgeous faces.They look like a goddess na bumaba sa lupa para lang titigan ako. Marahil sila 'yong pinagkakaguluhan kanina. Who are they? 'Yong isang lalaki na parang may pagka chinito. Titig na titig sa akin na parang may ginawa akong labag sa grupo ng mga fraternity. Medyo malagkit ang mga titig ng mga abnormal. Wala naman akong natanggap na report na may bagong studyante na nag-enroll. But as I have seen. They doesn't look like students. Formal ang mga damit nila kahit may iilang mga abnormal ang mukha sa grupo. Pero infairness, gwapo nga sila, promise. 'Yong isang lalaki na may pagkachinito, titig na titig sa akin, adik ba iyon? I mean, hindi naman na bago sa akin na may tumitig but, 'tong isang 'to, he's different, the way he look at me, kung makatitig naman to parang tagos sa buto. Ang lagkit. May isa ring chinito pa fierce ang look, gwapo siya infairness, semi pa emo 'yong style ng buhok niya, maputi rin ito. Para nga lang fuckboy. 'Di ba ang judgemental ko? 'Yong ibang kasama niya talaga mga buang titig na titig pa rin sa akin. Pag ako na sagad na babatuhin ko talaga sila ng lebro. Ngingiti-ngiti pa parang inihaw na aso, eh. 'Yong isa familiar siya sa akin. Naku kung hindi lang mga gwapo. ANYWAY, why should I care. Nag iwas na lang ako ng tingin at ibinalik ang attention ko sa pagbabasa. Pero s**t na malagkit naman hindi ako makapag concentrate, masyadong malakas ang aura ng mga lalaking ito sapat para maging uncomfortable ako. Iniisip ko kung sino ba talaga sila. Visitors ba sila ng school? Pero, dapat informed ako diba na may Visitors. Who are they? 'Bat sila titig na titig sa akin as if they know Me. There's something in there eyes, the way they look at me. Hindu kaya mga kidnapper sila? Bakit nga ba sila nakapasok dito? Duhh! 'Bat ba ako nag o-overthink ng ganito. God! "Young lady, here's your order." Ano ba naman 'tong si bella, bigla-bigla na lang sumusulpot. Ang lalim na ng iniisip ko. Muntik pa akong mapatalon ng bigla itong mag salita. Pero hindi ko na lang iyon pinahalata, masyadong busy ang utak ko para manermon. Inilapag ni Bella ang order ko, saka umalis.Magtatanong pa sana ako pero , 'wag na lang, naka alis na rin naman kasi siya. Ibinalik ko ang mga mata ko sa kanila pero hindi na sila nakatingin sa akin. Busy na sila sa masinsinang pag-uusap nila. Puntahan ko kaya para alamin kung anong ginagawa nila rito. May karapatan naman ako eh, I am the heir . Napansin ko ang lalaking naka emo na hair style just like the korean actor na sikat ang hair style niya, na seryosong nakikinig sa pag-uusap ng kasamahan nito. Ang strict ng mukha nito, parang nakakatakot, 'yon bang takot kang makagawa ng mali. Dahil baka kainin ka ng buhay. Ganyan ang itsura nito. Cold ang mga titig, parang wala sa bukabularyo nito ang ngumiti. Parang lageng naka erap. Lahhh, adik. Guwapong adik. Awit. "Type mo?" anang isang bahagi ng utak ko. "Definitely not"! Oh, 'di ba nababaliw na ako kinakausap ko ang sarili ko. Wahhhhhhhhh!!! Why my heart beat so fast. Animo, may mga dagang nag hahabulan sa loob. Nasa ganoong pag-iisip ako ng bigla niyang binaling ang mga titig niya sa akin. Na kung ice-cream lang ako kanina pa ako natunaw sa mga titig niya. Kaya napansin ko ang mga mata niya na may dalawang kulay . Woah! Totoo ba iyon? Inborn? Magkaiba kasi ng kulay ang mga mata niya. Yung kabila medyo blue na faded ang kabila naman ay light brown. Deabak! Wah! Bakit parang nag-slowmo ang paligid ko ng hindi pa rin nawawala ang mga titig niya sa akin. Kyaaaa!! Why earth. Bakit ako kinikilig ng ganito. Am I enchanted? While the music playing..... B*kit k*p*g tum*ting*n ka natutunaw *k* b*kit k*p*g lum*lap*t k* k*m*kabog *ng p*so k* . B*k*t kapag n*nd*to ka , s*m*say* ang *raw k*. L*h*t ng b*g*y s* m*nd* p*r*ng w*l*ng g*lo. kyaaaaaaahh. 'Yong music talaga!! Bakit ganun? Argh. Our eyes meet and lock for a moment. Parang namamagnet ako sa mga titig niya. Kahit na gusto king mag-iwas ng tingin 'di ko magawa. I'm magnetized. Argh, this feeling talaga, I never felt this before. At mas lalong dumami ang nag hahabulang daga sa puso ko nang ngitian niya ako ng nakakaluko. Smirk lang naman. Pero parang mababaliw ako. What the hell self, fix yourself. At ng hindi ko na kinayang labanan ang mga titig na iyon ay agad akong yumuko. At saka ang CAMPUS MALDITA ay nag disguise into mahinhin na dalagang pilipina. Isn't it amazing? Baliw! And of course, ang mga the moves ng dalagang pilipina. Gaya 'nong napanood kong trending sa vedio platform. Yung may paghawi ng nakakalat na buhok sa mukha ko, and put it behind my ears and then I put my finger tip on my kissable lips, and then I bite my lower lips. At medyo pa cute ng kunti. At tumitig ng nakakaakit. Diba? Sabi ko sa inyo baliw na ako eh. Tika nga. 'Bat ba ako nasasapian ng ganito. Erase erase. Kadiri ka Polly! Pero kahit naman anong laban ko, parang natutukso pa rin akong titigan siya. Para siyang rugby, nakakaadik . "Your being a b***h,Polly," kastigo ng isip ko. Kinuha ko ang magazine sa ilalim ng mesa ko at binuklat iyon ng patayo para matakpan ang mukha ko. Sakto ang laki niyon para matakpan ang buo kong mukha. This is s**t. When I found out myself, na hinawi ang hawak na magazine at sumilip sa direction ng mga lalaki. At this time, hindi na siya nakatitig sa akin. Kaya malaya ko siyang napagmamasdan. He is so cute, in any angle. Kahit strict siyang tingnan, pero hindi naman iyon nakabawas ng ka guwapohang taglay nito. Bagkos ay nagpadagdag ito sa makamandag na charm niya. s**t! Para ngang kamukha niya yung leadingman sa L*G*ND OF TH* BL*E S*A. Sino nga ba iyon? Ah, si Joo Joen-Jae. Baka siya iyon.Ayieeeh. Ang guwapo. Sabay ng pag bilog ng aking mga mata ay ang pag-igtad ko ng bumaling na naman ang tingin niya sa akin. Shit memeng. Our eyes meet for the second time. Nagpanic na ako, 'yong hindi halata. 'Yong akala mo, chill lang pero the truth is may nag huhuramentadong kung anong insikto sa sikmura ko. What should I gonna do? Dapat mawala ang anomang, nasa isip niya. Dahil panay ang titig ko sa kanya. Baka isipin niya type ko nga siya. I knew it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD