#TPSKKabanata19 Drunk OCTAVIA ‘V’ Napangisi ako sa sunod-sunod na pag-vibrate ng cellphone ko. Ang tibay ni Dalawa, mula kaninang dinner namin ni Por hanggang ngayon ay walang tigil sa pagtawag sa akin. Tumigil ang pag-vibrate ng phone ko at nang silipin ko’y battery empty na pala ang cellphone ko. Bahala ka diyan. Nawala sa isip kong nagtatampo at may atraso pa pala sa akin ang bestfriend ko, hindi siya nagpunta noong ceremony ng pagiging firefighter ko! Sabi-sabing lagi akong susuportahan pero hindi pumunta? Maiintindihan ko kung may importante siyang trabaho. Pero ang walangya, nasa bar pala at nakikipaglaplapan sa bagong fling niya. Malandi talaga! Pinigilan kong matawa nang maisip ang hitsura niya noong matanggap niya ang picture na sinend ko. Overthink na for sure malala

