#TPSKKabanata18 Haircut OCTAVIA ‘V’ “V!” “Ano? Saan ang sunog? Ouch!” Sinamaan ko ng tingin si Portia na nagawa pang tumawa kahit na parang naalog ata ang utak ko sa lakas ng pagkakauntog ko sa biglang tayong ginawa ko. “Bwisit ka Apat!” saad ko’t hinimas-himas ang nasaktan kong ulo. “Gosh, V, you never change talaga, you’re so clumsy pa din. But why ba parang puyat na puyat ka? Wala ka namang work since pinagpapahinga ka nga di ba?” “Gosh, P, you never change din, so conyo pa din,” panggagaya ko sa maarte niyang pananalita pero tumawa lang siya kaya natawa na lang din ako bago humikab at kinusot-kusot ang mga mata ko. Ang sarap pang matulog at humilata buong araw sa kama ko pero etong babae na ‘to ay binulabog ang katahimikan ko. Need ko na daw talaga magpagupit at papakulayan

