#TPSKKabanata24 Cookies OCTAVIA ‘V’ “Marami bang bisita si Froi?” tanong ko kay D pero ang loko-loko, parang walang narinig at seryoso lang ang mukha na patuloy na nagmaneho. “Hoy! Baka kinakausap kita, Deuce Orion?” paghampas ko sa braso niya, nilingon niya naman ako at sinamaan ng tingin. “I’m driving, Octavia Blaire, kailangang manakit?” “Ba’t ba ang sungit mo?” “You still have the guts to ask that…” bulong-bulong niya na hindi ko naman maintindihan. Parang kinakain niya kasi iyong salita niya. Sinamaan ko na din tuloy siya ng tingin. “Huwag mong ibulong ‘yang pinagsasasabi mo, D, sabihin mo sa akin ng ayos. Kung nainip ka sa paghihintay sa akin at ayaw mo na akong kasama, itabi mo na lang diyan at hindi naman siguro ikakamatay ni Froi–” “There’s a new lollipop product that w

