SHANCE'POV GRABE, ang sarap matulog! Nag-unat pa ako ng ilang beses. Nasa secret room kami ngayon ni Chadie, isa ito sa kuwarto rito sa engineering building namin. Buti na nga lang pinayagan kami ng university na gawing tambayan namin ito. Well, si Chadie ang kumuha nito para maging tambayan namin. Salamat na lang sa magulang niyang may malaking share sa university na ito. Dito talaga ang tambayan namin, dito rin namin dinadala ang mga babaeng gusto kaming makasama to have fun. Nilingon ko si Chadie na tulog pa rin sa mahabang sofa. Simula nang dumating siya badtrip na talaga siya, actually nakaraan pa siya ganiya. Hindi na ako nagtanong dahil alam ko naman na kung anong nangyari. Mahirap talaga ang maging tagapagmana. Ako kasi kaguwapuhan lang ambag ko sa pamilya. Bukod doo

