CHADIE ACE'POV ILANG minuto na akong nakatayo sa harap ng pintuan ng kuwarto ko. Hindi ko kasi alam kung paano haharapin si daddy pagkatapos nang naging sagutan namin. Actually hindi naman bago iyon sa aming dalawa, pero iba kasi iyong confrontation na nangyari sa amin last day. May mga nasabi ako na first kong sinabi dahil sa frustration na nararamdaman ko. Although, pinagsisihan ko naman na. That's why nahihiya na akong magpakita sa kaniya. Isang katok naman ang nagpalakas ng kabog sa dibdib ko. Masyado kasing occupied isip ko, nagiging magugulatin na tuloy ako. "Sir, pinapatawag na kayo ng mommy niyo para sa breakfast. Baka rin daw mahuli na kayo sa klase," sigaw ni manang mula sa labas ng kuwarto ko. Binuksan ko naman iyong pinto. At lumapit sa kaniya. "Nasaan si dad?" bulong

