Chapter 1

1462 Words
Chapter 1 A loud music blasted the whole school. Ngayon ang intramurals ng school at lahat ng estudyante mapa-college o high school students ay abala sa pagchecheer ng kani kanilang section. I hate crowds, siguro ay dahil nasanay akong mag-isa. But when I met Sheena, my best friend kahit ayaw ko ay napipilitan akong makihalubilo sa mga tao. She is my opposite, I’m the introvert while she’s the extrovert who has a lot of friends. Minsan napapaisip na rin ako kung paano ba kami naging magkasundo. “Ano ka ba, Sheena! Umayos ka nga,” tinulak ko si Sheena palayo saakin, hinihila niya kasi ako. Hindi man lang siya tinablan at tatawa-tawa lang ang bruha sa ginawa. Minsan gusto ko na siyang sakalin yun nga lang kahit gawin ko ‘yon mas lalo lang siyang matutuwa na bwisitin ako kaya di bale na lang. Nasa gymnasium kami ng school. Dalawang college department ang kasalukuyang naglalaro ng basketball and everyone is busy cheering with their bets. Sinamantala namin ang pagkakataon na iyon para pumuslit sa section namin. This is not so me, kinakabahan na ako but to think that I’m doing something different turns my anxiety into excitement. May ilang estudyante na may hawak na lobo na kakulay ng team nila. May ilan naman na may hawak na banner at may pompoms pa. Malaki ang gym kaya kaya nitong iokupa ang maraming estudyante. Binalik ko ang atensyon ko sa kaibigan na busy sa pagchecheer, ni hindi man lang tinalban ng paninita ko. Sino ba naman kasing hindi maiinis, ipagsigawan ba naman na crush ko raw si Eric Mendoza na isa sa mga player ng Business Ad Department. Ang dami tuloy lumingon sa banda namin. Hiyang-hiya ako pero itong kaibigan ko wala man lang pakialam. Fourth year college na si Eric. May schedule na naka-toka sa bawat laban ng high school at college. Magkasabay ginaganap ang intramurals ng college at highschool kaya malaya kaming mag-ikot. Ngayon ang unang araw ng Intrams at sila ang nakaschedule na maglaro. Crush ko naman talaga iyong si Eric pero lowkey lang ako. I like his personality but other than that ay wala na. Sabi ni Sheena crush daw yon kapag ganon so I assume na baka nga crush ko siya. Ang hirap talaga kapag walang alam sa mga ganitong bagay. At isa pa imposible rin naman akong mapansin noon. Grade - 11 pa lang ako at siya naman ay nasa kolehiyo na. I’m way out of his league. Baka nga tawanan lang ako noon kapag nalaman niya na crush ko siya. “Bakit ka ba nahihiya? Ayaw mo noon alam niya na agad. Hindi ako tumakas sa pagchecheer sa klase natin para lang walang mapala rito Aia!” “Paano ka magkakalove-life kung para ka lang tuod dyan, naghihintay ng biyaya?” segunda niya pa. Natawa ako sa tinuran niya, paano ba naman kasi masyado niya itong sineseryoso. Akala ko nga simpleng panonood lang ang gagawin namin pero laking gulat ko na naghanda pala siya ng banner at lobo na kakulay ng team nina Eric. Sa totoo lang sumasabay lang ako sa trip niya. Hindi naman din kasi seryoso ang pagkagusto ko kay Eric. For me relationships should not be rushed. It will naturally come whether we like it or not. “Hindi kasi ganoon Sheena, sabi ni Daddy hindi naghahabol ang babae,” I said as a matter of fact. Hindi makapaniwalang tinitigan ako ni Sheena na para bang may mali sa sinabi ko. I giggle because of her reaction. Nabadtrip yata sa akin at bigla na lang akong hinampas. “Ewan ko sayo! Basta ako ang magiging kupido niyo maghintay ka lang,” sabi nito ng may determinasyon. Umirap ako sa kawalan. See, this girl’s determination is as strong as a metal. “OMG, bakla naka-three points prince charming mo!” Naghiyawan ang buong crowd dahil doon, samantala nakisali naman kami ni Sheena. Limitado lang ang kaalaman ko sa basketball pero sa nakikita ko talagang magaling ang team nina Eric. Ang laki ng lamang ng score nila sa kalaban. Hindi ko hilig ang mga ganitong sports pero natutuwa ako kapag nakakascore ang kupunan nina Eric. Sabi ni Dad when you like someone, you’ll feel like you are in cloud nine. Mahirap iexplain but when you are in that position, you’ll know. Bakit wala naman akong ganoon na nararamdaman kapag tumitingin ako kay Eric? A particular guy caught my attention. Sa pagkakaintindi ko at base na rin sa suot na uniporme ay kagrupo ito nina Eric. Nakalagay sa jersey niya ang apelyido na Narvaez and there’s a big 08 number on it. I don’t know kung anong nangyayari sa akin pero para bang simula nang mapatingin ako sa kanya, my eyes are always searching for him. Its as if the only person I can see is that man alone. Then my father’s words echoed in my head. How when you like someone your heart will start to beat so fast as if you are being chased. There’s a tingling sensation in your belly as if there’s butterflies in it. What the hell is wrong with me? Natapos ang game na lamang sa score ang team ni Eric. Halos hindi na namin matanaw ang team nila sa dami ng lumapit para i-congratulate. Masaya ang crowd sa naging resulta at halos hindi na kami magkarinigan. Akala ko ay aalis na kami pero bigla na lang akong hinigit ni Sheena. I look at her, confused but she only grin on me as if she has a plan under her sleeves. Masama ang kutob ko dito. “Tara dali Aurie, i-congratulate natin sila bago tayo umalis.” “Ha? Saglit lang Sheena nababaliw ka na ba? Huwag na nakakahiya,” eksaherada kong sagot. Ayokong lumapit sa kanila! Iniisip ko pa lang na lalapit kami sa team nina Eric at makikita ko sa malapit iyong Narvaez pakiramdam ko ay mahihimatay ako. Sheena thought I was nervous because of Eric so I was surprised when she hugged me. “Girl kalma ok? Isipin mo na lang after nito hindi ka na kasali sa single ladies club. Trust me on this ok?” Bago pa man ako makapagreact we are already in the middle of the crowd at palapit na sa grupo nina Eric. Gusto ko na lang lamunin ng lupa sa kahihiyan. I was so awkward when we already reached the boys. Si Sheena lang yata ang umiimik dahil may kilala siya sa team. Mukha lang akong estatwa na kapag kinakausap ay saka lang iimik. That’s how unsociable am I na hindi maunawaan ng kaibigan ko. “Hi Eric, congrats nga pala,” kaswal na pahayag ni Sheena , wow close? Abala si Eric sa pakikipag-usap sa iilang cheerleader. Balita ko ay may nililigawan daw ito sa isa sa mga iyon. It might be the leader because honestly she’s so pretty and talented. Hindi na katakataka if someone like Eric will pursue her. Lumingon siya sa amin ng siniko ng isang barkada. Ako naman ay abala sa paghahanap kay no. 8. Yes I’m shamelessly looking for that unknown guy kaya hindi ko napansin na nasa tapat ko na pala si Eric at nakalahad na ang kamay nito sa harapan ko. “I’m Eric, you are?” Siniko ako ni Sheena, “Bakla yung prince charming mo kinakausap ka,” bulong niya. Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko hindi dahil kinikilig ako kung di dahil nakakahiya na nag space out ako. I reluctantly accepted his hand. “I’m Aurelia, but you can call me Aurie na lang for short.” Mas lalong naging awkward ang lahat ng katyawan kami ng barkada nila. This is so embarrassing. I don’t know pero bakit parang hindi naman ako kinilig? This was so far from what I expected. Di ba crush ko siya so dapat nag flutter yung heart ko. All I felt is disappointment kasi wala naman dito yung hinahanap ko. Guess I don’t really like Eric. Baka inassume ko lang na crush ko because of my best friend. “Thanks for watching our game, sana nag-enjoy kayo.” “Ah, yes ang galing niyo nga kanina.” I smiled pero deep inside gusto ko na umuwi. I looked at my best friend to ask for some help mabuti na lang at nakuha niya iyon kaya siya na ang nakipag-usap kay Eric dahilan para mawala sa akin ang atensyon nito. Sana pati iyong kamay niya lubayan na rin ang kamay ko. In my peripheral vision I finally saw the person I wanted to see. It's just that I did not expect to feel this sad? Nakikipag usap kasi siya sa isang babae, she was so pretty and she was being intimate with him. That was the first time I felt my heart break into pieces.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD