"Ray jusko! anong nangyari sa iyo?" halos mapatakbo na siya patungo sa asawa. "Sheryll, nandito ka pala!" gulat na saad na lamang ni Jordan na hawak hawak pa rin si Raymond at pilit itinatayo. Ganoon na lamang ang pamamasa ng kanyang mga mata dahil sa sikip ng kanyang dibdib nang makita ang hitsura ng asawa. Gulo-gulo ang suot nitong damit at amoy na amoy niya ang alak sa katawan nito, may ilan din itong sugat sa kamay at braso. "I'm okay!" Wasiwas na lamang ni Ray ng kamay sa mga kaibigan nang makita si Sheryll. "Ray, ano ka ba!" hikbi niya na lamang habang inaawat ito. Hindi niya lubos akalain na ganito na pala kalala ang kinahinatnan ng asawa ng dahil sa mga nangyari at ngayon niya lang iyon napag-alaman. Napalihis na lamang ito ng tingin sa kanya, kita niya ang pagtiim ng bagan

